Mr. Genuis X Mr Blood Sucker
Part 5 "Ang Silakbo ng Labanan"
(author's note: unti unti po akong inuubos ng kwentong ito.
Dobleng imahinasyon ang kinakailangan kong iaapply kumpara sa pag gawa ng
ordinaryong kwento. Pasiencya na po sa mga epic failed na cenes hehe)
Ipinag patuloy namin ang pag lalakbay. Nag plano kami kung
paano sasalakay sa dangeon ni Rascal. Napag alaman kasi namin na bukod kay Oven
ay maraming dinukot ito upang gawing alipin sa kastilyo nya. Ang pasukin ang
kaharian ni Rascal ay hindi raw basta basta kayat kinakailangan ng isang
malaking hukbong sandatahan. Mula daw kasi sa gubat ay daang hellhounds at kung
ano anong nilalang na uhaw sa dugo at sa laman ang makaka harap mo.
Nasa gitna palang kami ng pag lalakbay ay kalahati na agad
ang nalagas sa aming hukbo dala ng maraming kalaban sa daan. Bumagsak na rin
ang kabayong sinasakyan namin ni Rael kaya mula dito ay pinasan nalang nya ako.
"Mas maka bubuti siguro na kami nalang ang tumuloy sa
gubat, pag lumagpas kami dito ay makakarating na kami sa dangeon ni
Rascal" ang sabi ni Rael
"tol ano ibig mong sabihin?" ang tanong ni Nico
"Ang ibig kong sabihin, mas matahimik ang pag salakay
natin kung kaunti lamang tayo. Madali kasing natutunugan ng kalaban kung marami
tayong nag lalakabay. Ang nais ko ay pauwiin na ang hukbo" ang sabi ni
Rael
"tol, hindi natin pwedeng gawin iyon. Hindi naman biro
ang dami ng kalaban sa paligid" ang sabi ni Nico
Pero pina nindigan ni Rael ang kanyang desisyon. "Ang
iba sa inyo ay bumalik na ng Kastilyo at ibalita sa aking ama ang mga nangyari.
Humayo na kayo" ang utos ni Rael
Kitang kita ko ang pagiging seryoso nya. Napaka powerful ng
imahe nya ngayon. Talagang hinubog sya ng kanyang ama para maging hari sa
hinaharap. At iyon ang labis kong hinangaan.
Iyon nga ang set up, mula dito, kami nalang ang papasok sa
gubat upang mas maging matahimik ang aming pag salakay. Pag nalampasan namin
ang gubat na iyon ay makikita na namin ang kaharian ni Rascal. Kumbaga sa laro
ay isang level nalang bago mo makaharap ang pinaka big boss. Ang kaibahan nga
lang.. Kami ang mismo lumalaban..
"natatakot ka ba?" ang tanong sakin ni Rael
"O-oo" ang sagot ko
"mag tiwala ka sakin ha. Ako bahala" ang sabi nito
Umakap ako sa likod nya ng mahigpit at pinag patuloy namin
ang pag pasok sa gubat. Ang bilis.... Para kaming lumilipad.. Kung itatanong
nyo kung ano ang pakiramdam ng naka pasan kay Rael. Simple lang. Para kang naka
sakay sa isang roller coaster na bumubulusok pababa. Ganun kabilis. Hindi rin
naman nag papahuli si Nico dahil mabilis din itong kumilos katulad ni Rael.
Pag dating sa gubat ay pinag tago ako ni Rael sa isang
malaking bato at tinabingan nya ito. Iniwan nito sa akin ang isang espada at
sinabing. "gamitin mo ito para ipag tanggol ang sarili mo, mag tago ka
lang dito at manood." sabay kindat sa akin.
Bakit ganun cool na cool pa rin siya. Oh sadyang mayabang
lang talaga siya? Ahh ewan bahala na..
Nakita kong nag uusap sila ni Nico. Maya maya ay pumuwesto
sila sa gitna kung saan makukuha nila ang atensyon ng mga hellhounds. Nakita
kong itinaas ni Rael ang sleeves ng kanyang damit hanggang braso. At sumuntok
ito sa lupa.
Isang ordinaryong suntok lamang iyon pero nag produce ito ng
malakas na impact dahilan para yumanig at mag biyak ang lupa. Hindi ako
makapaniwala sa mala halimaw na lakas ni Rael. Parang hinataw ng higanteng Maso
ang paligid.
Maya maya ay nag lapitan na ang daang hellhounds sa lugar na
kina tatayuan nila. At sumiklab ang labanan. Dalawa laban sa isang daan. Hindi
yata patas iyon..
Kakaibang abilidad ang agad pinamalas ni Nico, Lahat ng
mahawakan nyang dahon ay nagiging patalim na may kakayahang pumutol ng kahit na
anong matigas na bagay. Ilang segundo pa ay halos lumilipad na lahat ng dahong
ito na parang may buhay at hinihiwa ang lahat ng nasa paligid. Iyon ang nag
silbing proteksyon nya sa katawan upang walang makalapit sa kanyang kalabanan.

Maya maya, isang mag kakasunod na yanig ang aking narinig.
Parang malalakas na pag sabog. Si Rael pala iyon.. Hindi ito gumagamit ng kahit
na anong mahika katulad ni Nico. Purong lakas lamang ang gamit nito. Pero
"wag ka" mala libong halimaw ang lakas nya. Bawat suntok nya ay nag
bibigay ng pagyanig sa paligid. Lahat ng matamaan ng kamao nya ay nagigiba at
iiwan ng malaking ukit o "CRATER". Dahilan upang tuluyang magiba ang
gubat. Napaka destructive nya. Ilang segundo pa ay parang inapakan na ng isang
libong dinosaur ang paligid.
(author's note: mahabang oras ang ginugol ko sa pag iisip ng
akmang na skills para kay Rael. Ayoko kasi na gumagamit siya ng magic dahil mag
mumukha siyang femenine. Kaya pure strength nalang ang ginawa ko para mas lalo
syang mag mukhang leading man. Hindi ko pinalaban sa eksena si Enchong para
lalo siyang mag mukhang Main Cast)
Natakot tuloy ako. Pano pag nag away kaming dalawa. Baka
maging pulbos nalang ako. Mahirap yata mag karoon ng asawang ganito tiyak na
maaunder ako.
Makalipas ang maka ilang minutong pagyanig ay naging
mapayapa ang buong paligid. Naitumba ni Rael at Nico ang daang hellhounds sa
loob ng ilang sandali. Nakatakot tuloy lumapit sa kanila.. Pero mas nangibabaw
ang pagkamangha ko.
"boss labas na." ang sabi Nico habang inililihis
nya ang batong pinagtataguan ko
"salamat. Ayos lang ba kayo?!" ang tanong ko
"oo naman. Wala nga kaming galos oh" ang sabi ni
Nico
Tiningnan ko si Rael na nakatayo sa di kalayuan. Cool na
cool lang ito. At ngumiti sa akin sabay thumbs up..parang sinasabi nya
"ayos ba?"
Ngumiti ako at tumango..
Natawa ito at nag sasayaw. Pagiling giling na animo nag
sstripe dancing.. "tsk, sira ulo talaga. Nakuha pang mag sayaw ng mokong.
Parang hindi napapagod.
Lumapit ito sa akin at inakap ako. "nasaktan ka
ba?" ang tanong nito
"ummmpphh" sinabunutan ko siya.
"arekup!! Bakit ba?" ang tanong nya
"tinago mo ko kaya ako dito, sabay turo sa bato, edi
natural okay ako" ang sabi ko
"hahaha, oo nga pala. Para makasigurado lang na hindi
ka mapapahamak." ang sabi nito. "tara na" sabay buhat sa akin.
"teka nga, ibaba mo muna ko." ang sabi ko
Natawa si Nico. "Mukhang under ka nyan Rael ahhh."
"oo tol, under ako nito. Bossing ko to eh" ang
sabi ni Rael.
Pumasan ako sa kanya at tumulak na kami patungo sa last
stage pag lalakbay. Ang dangeon ni Rascal. Habang palapit kami sa kanyang
kaharian ay padilim din ng padilim. Namumula ang kalangitan. Siguro ganito ang
itsura ng impyerno. Alam kong ramdam ni Rael na humihigpit ang kapit ko sa
kanya tanda ng natatakot ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang nag hihintay sa
amin doon.
Nung matawid namin ang isang mahabang tanel, doon ay
bumulaga sa amin ang kaharian ni Rascal. Tama nga si Oven napapaligiran ito ng
apoy at maraming sundalo ang naka bantay dito. Mga sundalong Hellhound. Pero
this time ay nag level up ang beauty nila dahil may mga suot na itong armor at
may hawak na spear. So ang tawag sa kanila ay "Captain Hellhound
Spear." Mas malalakas at mas mabibilis sila kaysa sa nasa gubat.
Nagtago kami sa mga batuhan at doon ay humanap ng tyempo.
"Ench, Pag nakalapit na tayo sa gate ay huwag kang hihinga, dahil once na
huminga ka ay maamoy nila dahil isa kang mortal" ang sabi ni Nico
"ano ang gagawin ko? " ang tanong ko
"mag tiwala ka kay Rael" ang sagot ni Nico
"Ganito ang plano, guguluhin ko ang mga bantay, at pag
nasa akin na ang mga attensyon nila ay pumasok kayo sa loob. nasa gawing kanan
ang himpilan ng mga alipin. Baka nandun ang kaibigan mo." ang sabi ni Nico
Humanga ako sa talino at tatag ni Nico. Parang alam na alam
nya lahat. Bukod sa malakas ito ay matalino pa. "naiintindihan ko
Nico" ang sabi ko
"Cge umpisahan na natin ang palabas." ang sabi
nito
Lumabas ito ng taguan at nag punta sa pader kung saan
maraming Captain Hellhounds na nag babantay. Pinilit nyang mag pahabol dito
hanggang kaunti nalang ang matirang naka bantay sa tarangkahan. At muli kong
nakita ang mga sumasayaw na dahon sa paligid. iyon ang mag razor na ginamit nya
kanina lang..
Agad naman akong binuhat ni Rael..Pumasan ako sa kanya.
"Wag kang hihinga, para hindi tayo maamoy ok?" ang sabi nito
"naintindihan ko" huminga ako ng malalim at
pinigilan ko ito.
Mabilis pa sa kidlat na tumakbo si Rael. Mas mabalis ito
kaysa kanina. Halos walang naka pansin sa amin na pumasok na kami.. Umikot kami
sa himpilan ng mga alipin, upang hanapin si Oven. "Shit, hindi ko na
kayang pigilin ang pag hinga ko" lalong humigpit ang kapit ko kay Rael.
"Konti nalang tol." ang sabi nito
"Raell bilisan mo!! Mamatay na yata ako. Please!"
ang sabi ko sa aking sarili
Umakap nalang ako sa kanya. Hindi ko na talaga kaya. Halos
mamatay na ako sa pag pigil ng aking hininga. Buti nalang ay huminto na si Rael
sa pag takbo.
"HAAAAHHHH!!!!" ang tanging nasabi ko. parang mas
pagod pa ko kay Rael noong mga oras na iyon.
"Okay ka lang ba? Sorry ha" sabi nito ay inakap ako
"ayos lang yon, tara hanapin na natin si Oven" ang
sabi ko
Marahan kaming lumakad patungo sa mga selda ng alipin. Nag
babaka sakali kaming nandun si Oven. At hindi nga kami nag kamali.
"Lapitan mo na yung kaibigan mo, mag babantay ako dito
sa labas" ang sabi ni Rael
"cge" at umakap ako dito. hinalikan ko ito sa
labi. Ngumiti naman ito. At inakap ako.
Agad kong pinuntahan ang selda kung saan nandun si Oven.
"psst, Oven!!" ang tawag ko
Humarap si Oven sa akin, para itong naka kita ng multo
"Frend!!!! Huhuhu. salamat nandyan kana. Akala ko mamatay na ko dito"
ang sabi niya
Dali dali kong sinira ang kandado ng selda. At doon ay
pinatakas ko si Oven. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya at
napaiyak ako "Tol, nag alala ko sayo. Patawad kung ngayon lang ako. Wala
akong mahanap na pwedeng makatulong sa akin dati. Sana mapatawad mo ko."
ang sabi k
"Wala yun frend.. alam ko naman na di mo ko matitiis.
saka hindi naman tayo taga rito. Alam kong mahirap gumalaw sa mundong hindi ka
kabilang." ang sabi nito
Nag iyakan kaming dalawa noong mga oras na iyon. Masayang
masaya ako dahil buhay ang kaibigan ko.
"psst!! " ang tawag ni Rael "Pwede ba, mamaya
nyo na ituloy ang landian nyo!! umalis na tayo dito" ang sabi nito
"Amfff" ang tanging nasabi ko. Mapanira talaga ng
moment yang si Rael.
"teka sino ba yun?" ang tanong ni Oven
"si Rael yun, fiance ko" ang sabi ko
"Hah?? Huwaat? Ikaw frend ha iba kana talaga, mag
tatampo na ko nyan. Pati dito lumalab-life ka" ang sabi nito
"hay, basta tol, mahabang storya." ang sabi ko.
Habang palabas kami ng selda ay may dumating na mga Captain
Hellhounds. Palapit na ito sa amin. Ibayong kaba ang naramdaman ko noong mga
oras na iyon at napakapit ako ng mahigpit kay Oven. "Patay, nacorner
kami".
Tahimik..
Maya maya, laking gulat ko ng biglang iharang ni Rael ang
katawan nya sa amin. "Dumirecho kayo sa loob nun at mag tago. Ako na
bahala dito." sabay turo doon sa isang pintuan papasok ng palasyo.
Mabilis kaming tumakbo ni Oven sa loob nito. Iniwan namin si
Rael na kaharap ang halos walong mababangis na Hellhounds. Noong makapasok kami
ay isang malakas na pag sabog ang aming narinig. Kasabay nito ang mga pag yanig
sa lupa. Ito ay nag mumula sa pwesto nila Rael.
Marahil ay lumalaban na ito. Naalala ko na bawat suntok nya
nag dadala ng malakas na pwersa. Pero kahit na. Hindi ko maiwasang mag alala sa
kanya. Habang tumatakbo kami ni Oven ay halos tumulo ang luha ko. Nag alala ako
sa kalagayan ni Rael at Nico.
Tahimik..
"KAPAG WALA ANG PUSA, SIGURADONG MAG LALARO ANG
DAGA" ang sabi ng isang boses na nag mumula sa di kalayuan
Agad ko hinugot ang espadang binigay sakin ni Rael at
inilagay ko ang aking katawan sa "Combat stand". Nakita ko si Oven na
hawak ang isang malaking kahoy at mukhang handa na rin ito sa bakbakan.
"Sino ka?!!" ang sigaw ko
"GANYAN BA KAYONG MAKIPAG USAP SA ISANG HARI? MGA
LAPASTANGAN!!!!" ang sabi nito
Halos mabusalan ako. "patay na si Rascal" ang sabi
ko sa aking sarili. Wala pa naman si Nico o si Rael para mag tanggol samin.
Pinilit kong labanan ang takot sa akinf katawan "Wala
akong paki alam kung sino ka. Lumabas ka dyan at mag harap tayo!!" ang
sigaw ko
"Frend ano kaba, baka maya maya lumabas nga yan
eh!!." ang sabi ni Oven sa akin. Kaya sumigaw din ito "Joke lang yun,
nag bibiro lang ang kaibigan ko. Sige Hide ka lang dyan. Okay lang kami
dito"
Tahimik...
Nakikiramdam kami ni Oven. Kakaiba ang katahimikan sa
paligid. Halos tumulo ang pawis ko sa sobrang kaba.. Lalo na nung maramdaman
kong may tao sa likod ko. Kaya naman dali dali akong humarap sa kanya.
Nakakapangilabot ang aking nakita. Isang lalaking matangkad
halos nasa 7ft ang laki nito. May sungay at mahaba ang kanyang pangil. Ang
kamay nya ay napapaligiran ng mga balahibo at matutulis ang kanyang mga
kuko.Ang paa nya ay parang sa kambing na puro balahibo din. At may hawak ito
isang malaking spear. At may dalawang buntot. Nanlilisik na kulay pula ang mga
mata nya. Isa siyang Demonyo...
"Takbo oven!!!" ang sigaw ko. Ang bilis ng
pangyayari. Kinalmot ako nito sa harap at bumaon ang mga kuko nya sa aking dib
dib. Sanhi upang masira ang damit ko. Tumulo ang dugo sa aking bibig at
nabitawan ko ang hawak ko espada. Maya maya ay binuhat ako nitp at itinapon sa
kung saan.
"enchong!! Frend!!!" ang sigaw ni Oven. Lalapitan
ako nito ng biglang siyang hampasin ng spear at tumilapon ito sa malayo.
Pinilit kong bumangon. Kumuha ako ng isang bato, at binato
ko ito sa ulo. "kung akala mo natatakot ako sayo!! Hindi!!! Ang panget mo
kaya!!! Panget ka!!!" ang sigaw ko.
Dali dali kong pinulot ang espadang biningay ni Rael at
tumakbo ako papunta sa kanya.. "Yahhhhhhhhh!!" pero bigo ako, ni
hindi man lang ako naka lapit sa kanya. Muli akong kinalmot nito at this time
sa likod na ako tinamaan. Sumabog ang dugo aking likuran. Ramdam ko rin ang pag
tulo ng dugo sa aking bibig.
Tahimik.. Tanging pagtawa lang ng demonyo ang naririnig ko..
Maya maya, ay biglang tumilapon ang katawan ni Rascal sa
malayo. Ang bilis ng pang yayari. Nakita ko nalang na biglang sumulpot si Rael
naka tayo ito at may bahid ng kagat at dugo sa katawan. Hindi ko alam kung
anong klaseng laban ang ginawa nya sa labas pero bakas sa itsura nito na
nahirap siya.
Agad akong tinakbo nito. "Encbong!!! Gising!!! Anong
nangyari.??"
"A-ayos lang ako." ang sagot ko
"Anong ayos? Tingnan mo nga ang itsura mo!! Naliligo ka
sa sarili mong dugo!!" ang sabi nito
Agad akong dinala nito sa gilid katabi ni Oven. Hinang hina
ang katawan ko. Umiikot na rin ang paningin ko
"Frend!! Ang laki ng sugat mo" hinubad ni Oven ang
damit nya at inilagay ito sa sugat ko sa dibdib para tumigil ang pag dugo nito.
Maya maya ay sumulpot na rin si Nico sa harap namin. Puro
sugat ito at puro kalmot sa katawan. "ayos lang ba kayo? Dumito lang kayo.
Hindi biro ang kalaban ni Rael" ang sabi nito
Habang lumakad si Nico ay nag labasan muli ang dahon sa
paligid nya at this time ay mas malalaki ito. Halos kasing ito ng Plato. Alam
kong matalim ang bawat gilid nito. Kasabay ng pag sugod nya ay siya naman pag
tilapon ni Rael sa di kalayuan. Napansin ko ang paligid napuno na pala ito ng
uka o crater. Sanhi ng pag suntok ni Rael.
Wala pang ilang minuto ay biglang tumilapon din si Nico sa
harap namin. Puro dugo ang katawan nito. "Nico!" ang sigaw ko. Hindi
ko na alam kung sino tatawagin ko. Tumulo nalang ang luha ko. Bakit kailangan
mauwi sa ganito ang lahat? Bakit kailangan may dugo pang dumaloy? Hindi ko na
kayang makitang nag hihirap sila.
Pinilit kong tumayo para puntahan si Rael. Hanggang ngayon
ay naka handusay pa rin ito sa di kalayuan.
"Rael!! Rael!!! Gumising ka." nakita ko may kagat
pala ito sa kanyang braso at ilang malalaking kalmot sa dib dib.
Papalapit na sa amin si Rascal. Nakita kong bali na palang
ang isang sungay nito at putol na ang isang buntot nya
"mga lapastangan kayo!! Mag babayad kayo sa pag parito
nyo dito" ang sabi nito habang palapit sa amin.
Nag tatakbo ako para kunin ang espada. Ipag tatangol ko sila
kahit ano mangyari. Sinalubong siya, gamit ang espada ay tinapyas ko ang isa pa
nyang buntot. Dahilan para magalit ito.
Akmang kakagatin ako nito.. Pero mula sa likod nya ay nakita
kong sumulpot si Rael at kinagat nya ito sa leeg. Ngayon ay nakasampa si Rael
sa likod nya at naka kagat ito. Ngayon ko lang nakita muli ang pangil niya.
Nanlilisik ang mga mata nya at napupuno ng dugo ang kanyang mukha. Hindi na
siya ang Rael na kilala ko.
Nag hihiyaw si Rascal, at lalong tumindi ang galit nito.
Hinitak nya ang katawan ni Rael at kinagat din ito. Ngayon ay nag kagatan
silang dalawa. Kagat siya ni Rael sa leeg. At kagat naman nya si Rael sa
balikat. Tumulo ang dugo sa sahig. Tanging unggol nalang na parang mga hayop
ang naririnig ko.
Hindi ko na kinaya ang pang yayari, napahagulgol nalang ako.
Dali dali kong kinuha ang espada at isinaksak ko ito sa katawan ni Rascal.
"Bitawan mo si Rael dimonyo ka!!!"
Kinagat ko rin ko rin si Rascal sa braso.. "Pwe!!! Ang
alat!!!" ang sigaw ko. Lalo ko pang idiin ang pag saksak ng espada sa
katawan nito dahilan para bumitiw siya sa pagkaka kagat kay Rael. Halos wasak
na pala ang balikat ni Rael at umaagos ang dugo mula rito.
Laking tuwa ko ng maalis ang pangil nya sa balikat ni Rael.
Pero mabilis pa sa kidlat AKO naman ang kinagat nito. Naramdaman ko nalang na
bumaon ang pangil nya sa aking balikat. Tumatalsik ang dugo ko aking katawan.
Lalo itong ginagalit ni Rael kaya sumampa ito sa ulo nya kinagat ito sa batok..
Maya maya pa ay naputol ang isang kamay ni Rascal. Si Nico
pala ang may kagagawan ito. Kahit malala ang kalagayan nito ay sumugod pa rin
ito
"Bitawan mo ang kaibigan ko. Shet kang panget
ka!!!!" ang sigaw ni Oven. May hawak itong kahoy at inampas sa muka si
Rascal. Pero masyasadong matigas ang mukha nito "Ayyy nabale!!" ang
sabi ni Oven. Nag hanap ito ng pwedeng ipang hampas kay Rascal ng matuon ang
attensyon nya sa espadang naka saksak dito. Hinugot nya ito at dali daling
isinaksak sa leeg ni Rascal. Dahilan para tuluyang mag wala ito.
Tumilapon ang aking katawan sa malayo, ganun din ang katawan
ni Rael. Ngayon ay umaagos na ang dugo sa katawan ni Rascal. Bali na ang kanang
kamay nito. Wala na itong sungay at buntot. Malaking damage din ang nagawa ng
kagat ni Rael.
Maya maya pa ay may narinig kaming mga yabag.. Palapit ito
sa kwartong pinag lalabanan namin. "Pucha!!! May mga hukbo ng hellhounds
na palapit sa amin." Ano gagawin ko.?
Wala na kaming lakas. Si Oven walang malay ganun din sa
Nico. Malubha na rin Rael. At manhid na rin ang katawan ko.
Tahimik...
Laking gulat ko ng biglang tumilapon ang katawan ni Rascal
malapit sa akin. "Paano nangyari un?" ang tanong ko sa sarili ko
Si Rael!! Nakabangon ito, pero bakit iba na ang itsura nya.
Nanlilisik ang mga mata nito, may buntot at mahaba ang mga kuko nito. Ibang iba
na siya sa Rael na kilala ko. Lumundag ito at pumatong kay Rascal. Kitang kita
ko kung paano nya kainin ang katawan ni Rascal. Pero nanlaban ito at muli ay
tumilapon sa malayo ang katawan ni Rael..
Akmang lalapitan nya si Rael, kaya pinilit kong tumayo.
Nanginginiig ang aking tuhod at tumutulo ang aking dugo. Nakita kong naka dapa
na Rael at bumalik na ito sa dating anyo nya. Noong mga oras na iyon alam kong
wawakasan na ni Rascal ang buhay ni Rael. Kayat mabilis akong tumakbo para
pigilin siya.
Pinulot ko ang espada at sinaksak ito sa likod nya. Saking
bumaling ang atensyon nito at muli ay kinagat nya ako sa aking balikat. Wala na
akong magawa. Katapusan ko na. Naramdaman kong winasiwas nya ang katawan ko sa
ere.
Lungayngay at wala na akong lakas. Habang kagat ako nito ay
napatingin ako kay Rael. Doon ay tumulo ang luha ko. Nag kamalay na pala ito at
pinipilit tumayo.
Kagat ako nito sa balikat, pero pinilit kong mag salita
"Sorry tol, hindi ako malakas para tulungan ka. Eto lang yung kaya kong
gawin, wag ka mag alala may lason yung dugo ko. Ilang saglit pa ay eepekto na
to. Patawad kung hindi ko nasabi agad na mahal kita."
Unti unti akong nakaramdam ng kirot. Umaabot na sa buto ko
ang pangil nya. Pero pinilit ko pa rin mag salita.. Tumulo ang luha ni Rael,
alam kong narating na nya ang limitasyon nya.
"Rael, aalagaan mo yung sarili mo, lagi kang mag aayos,
mas bagay sayo yung korean hairstyle ang gwapo mo dun. Hindi lahat ng bagay
nadadaan sa init ng ulo ha. "Ahhhhhhhhh". Gusto ko pa naman ikasal
kasama ka. Sorry kung hindi ko na magagawa un.. May mga panahon na mahihirapan
ka, pero wag ka susuko, kahit mag kaiba pa tayo, kahit ano ka pa.. Mahal na
mahal kita."
Pumikit nalang ako..
Ilang saglit ang lumipas, naramdaman kong lumuluwag ang pag
kagat sa akin ni Rascal. Alam kong umeepekto na ang lason na nasipsip nya mula
sa dugo ko. Pero kasabay nito ang pag dilim ng paningin ko. Pareho kaming
bumagsak sa lupa. Naka tingin ako sa kanya. Naka nga nga ito wala nang ulirat.
Kasabay nito ang unti unti pag payat ng katawan nya. Ilang saglit pa ay buto na
lamang ito. Narinig kong umalulong ang mga hellhounds paligid tanda ng pag
hihinagpis sa pagkawala ng hari nila
Naramdaman ko ang duguang kamay ni Rael na humahaplos sa
akin. "kumapit ka tol, parating na sila papa.. Kaya natin to. Wag mo ko
iwan. Ayoko ng mag isa. Pag nawala ka, hindi ko alam kung kakayanin ko
pa." iyon ang narinig ko..
Naramdaman ko na maraming tao sa paligid. Marahil ay
dumating na ang rescue. Akap akap pa rin ako ni Rael at hindi ako binibitawan
nito..
Sa wakas tapos na rin ang silakbo ng labanan..
Itutuloy..
-----------------------------------------------------------------
Mr.Genius X Mr. Blood Sucker
Part 6: "Ang tagumpay ng Pag-ibig"
Final Part Book 1
Enchong
Rael
Author's note: Inubos ako ng part 5, kaya nag rest muna ako
ng dalawang araw. Maraming nag tatanong sakin kung paano ko naisip yung mga
skills nila Rael at Nico. Ganito yun, Ang unang idea ko kay Nico ay dapat
"swordsman" siya kaso naisip ko na hindi bagay sa isang "Floral
God" ang maging swordsman saka baka talbugan nya si Rael. (magaling ang
fans ni Rael). Eh saktong nanonood ako ng Pokemon, Tapos nakita ko si Balbasaur
na nag rarazor leaf. Doon nabuo ang idea ko na gawin itong skills ni Nico.
Tungkol naman kay Rael, ang unang naisip ko sa kanya ay
maging "water bender" hahaha. Kaso saan ka naman naka kita ng
"blood sucker" na water bender haha. Actuall naalala ko dati nakipag
suntukan ako sa sobrang galit ko sinuntok ko yung pinto ng classroom. Nasira ko
ito. Haha..doon na buo ang idea ko sa skills ni Rael.
Tungkol naman sa story. Iniwas ko ito sa love story na ala
edward at bella. Kasi alam ko na iyon ang iisipin ng iba. Kaya nilagyan ko ito
ng touch na pag ttravel sa ibang mundo. Pinakita ko ang kaibihan ng oras sa
earth at sa kaillun.
Ok.ok.. Eto na ang part 6..
Enjoy reading..
June 1, 2013
*****************************************************
Part 6
Unti unting bumalik ang malay ko. Nakita ko agad si Rael,
naka ngiti ito sakin.. "asan ako?"
"naka uwi na tayo. Tapos na ang labanan, nanalo
tayo" ang sabi nito
"salamat naman." ang sabi ko
Sumasakit pa ulo ko, at ang buong katawan ko. Napansin kong
puno ako ng bundahe ng katawan.
"akala ko, hindi kana gigising eh" ang sabi nito
"natakot tuloy ako"
"bakit naman?" ang tanong ko
"eh kasi halos pitong araw ka nang natutulog, kaya nga
pitong araw na rin ako di natutululog eh" ang sabi nito
"ngee, bakit naman hindi ka natutulog ha? Nag aadik ka
hano?" tanong ko
"hindi no, kasi binabantayan kita" ang sabi nito,
sabay bitiw ng matamis na ngiti
"nakuuu... Sana nag security guard ka nalang no"
sabi ko
Natawa ito "security guard naman ako eh... ng puso
mo."
"nakuu...san mo ba natutuhan yan?" ang tanong ko
"tinuro sakin ng kaibigan mo, iyon daw kasi ang uso sa
mundo nyo" sabi nya
"teka, babangon ako... Asan nga pala si Oven?! Si Nico?
Kumusta sila? Anong nangyari noong...."
"shhhhh.. Tama na. Wag na muna mga isip okay, wag kana
muna bumangon at makakasama sayo, isa pa maayos na ang kalagayan ni Oven at Nico.
Mag kasama sila ngayon nag iikot sa palasyo. Noong mawalan ka ng malay ay
dumating sila papa para tumulong. Naagapan namin ang kalagayan mo" ang
sabi ni Rael
Ngumiti ako, pakiramdam ko ay gumaan ang loob
ko."salamat naman at ligtas ang lahat tol"
"nga pala Ench, naipaliwanag ko na rin kay Oven kung
paano mo ko naging fiance."
"oh ano reaksyon nya?"
"edi natawa. Sa mundo nyo daw kasi ang ibig sabihin ng
tatlong suntok ay "knock out"..
"hahaha. Oo naman. Kasi pag nasuntok ka ng tatlong
beses ay paniguradong tulog ka" ang sabi ko
"ayun nga. Nagulat ng kami ng biglang suntikin ni Oven
si Nico ng tatlong beses. Edi ayun bulagta sa Nico. Akala kasi nya ay magiging
fiance nya ito. Hindi nya alam ay iba ang lahi ni Nico hahaha"
"haha gaga talaga si Oven. Hanggang dito nag
sasabog" ang sabi ko.
Tahimik...
Sumampa si Rael sa kama at tumabi sa akin. Inakap ako nito.
"ummmphhh miss na miss kita." ang sabi nito
Napako ang tingin ko sa kamao nya. Nakita kong puro gasgas
ito. Kamay naman kinuha ko ito at hinimas ko. "masakit pa?"
"hindi na.. Ummm, natakot ka ba sakin??" ang
tanong nito
"oo naman.. Sinira mo kaya yung gubat. Baka pag nag
away tayo at magalit ka sakin pati itong mukha ko sirain mo rin." ang biro
ko
"hahaha. Syempre di ko gagawin sayo yun. Mahal kita
eh" sabi nito. "nga pala sa isang linggo na yung kasal natin."
"ha? Bakit ang bilis? Kaninong idea??" ang tanong
ko
"idea namin lahat.. Bakit ayaw mo ba?" ang sagot
nito
"eh syempre gusto ko." ang sabi ko
"eh ganun naman pala eh..dapat mag pagaling kana agad
para makapag handa na tayo. Tapos honey moon agad. Grrrr."
"ang libog mo!!" sabi ko sabay piga sa bukol nya
"arekup!!." ang sabi nito. At nag tawanan kami..
Lumipas ang ilang araw at mabilis akong nakarecover. Syempre
sa tulong n rin ng mga kaibigan ko at sa tulong na rin ni Rael. Nandyan yung
pinag sisilbihan nya ko, at lagi nya tinatanong kung may masakit na sakin. Pati
nga sa Cr naka sunod yan. Pag medjo natagalan ako bigla syang papasok sa loob.
Bumalik sa normal ang lahat at syempre abala na rin ang mga
tao sa palasyo para sa nalalapit na kasal namin ni Rael. Di ko tuloy maiwasang
itanong sa kanya kung yung Ina ba nya ay sinuntok din ng tatlong beses ang
tatay nya kaya kinasal ang mga magulang nya. Tawa lang ang sinagot nito. "nag
kagustuhan silang dalawa, walang suntukang naganap." iyon ang sabi ni
Rael. So ngayon lang pala nangyari na may kasalang magaganap dahil sa
panununtok. At kapwa pa kami lalaki.
Tatlong araw bago ang kasal ay nag tungo kami sa
pag-gaganapan nito. Isang lumang templo ito na may mataas na hagdan. Ang
templong ito daw ay sagrado at binabantayan ng kanilang mga ninuno. Kapansin
pansin ang isang malaking estatwa na may hawak na isang dambuhalang sulu.
Parang ganun sa torch sa olympics. Sisindihan daw ito sa oras ng seremonya.
May pamahiin din daw sila na dalawang araw bago ang kasal,
dapat daw ay hindi muna kami mag kita ni Rael. Kaya naman nung araw ding iyon
ay sinamahan ako ni Nico sa lugar nila para doon muna mag stay.. Si Oven naman
ay naiwan sa palasyo para asikasuhin ang gagamitin ni Rael sa araw ng kasal.
Huling gabi bago ang kasal ay hindi ako makatulog..
"tol, bakit gising ka pa? Big day mo bukas ah"
"di ako makatulog eh, ang dami kong iniisip" ang
sabi ko
"alam mo, ngayon lang ngumiti si Rael sa buong buhay
nyan. Laging mainitin ang ulo nya. Kapag nakikipag laban kami wala siyang paki
alam samin. Wala siyang paki alam kung masira man nya lahat ng bagay sa paligid
nya. Pero nung nakaraang pakikipag laban namin ay napaka ingat nya. Ang sabi
nya sakin "baka raw masaktan ka" kaya ingat na ingat sya. At noon ko
lang din sya nakitang umiyak ng todo. Noong mga panahon ginagamot ang lahat ng
sugat sa katawan mo. Halos hindi siya maka kain at hindi ito natutulog para
lang bantayan ka. Binago mo si Rael" sabi ni Nico
Tahimik..
"mahal ko si Rael kaso hindi ako taga rito, mag kaiba
kami ng mundo." ang sabi ko
"Enchong, kung nag mamahalan kayo, at wagas ito susunod
at susunod sayo si Rael,.kahit saan ka mag punta. Ang mahalaga tol, mahal nyo
ang isat isa." ang sabi nito
"naintindihan to Nico. Salamat ha. Mabuti nandyan
ka" ang sabi ko. At inakap ko ito.
Pinilit kong iwaglit sa aking isip ang mga negatibong agam
agam na gumugulo dito. Tama nga si Nico. Kung mahal namin ang isat isat ay
pupunta ako kahit saan sya mag punta...
Kinabukasan...
Ito ang araw ng kasal namin ni Rael..
Lahat ay nakahanda na, ang mga banda, ang mga tao, at ang
buong templo.
"Handa kana ba tol?" ang tanong ni Nico
Ngumiti ako.. "Oo naman"
Tahimik..
Lumakad na ako patungo kay Rael..
Mula sa paligid ay tumugtog ang isang pamilyar na kanta mula
sa aking ipod. At ito ang nag silbing background music ko habang lumalakad..
Lyrics..
Wherever You Will Go..
(official theme song of Mr. Genius X Mr. Blood Sucker)
So lately, I've been wonderin
Who will be there to take my place
When I'm gone, you'll need love
To light the shadows on your face
If a great wave should fall
It would fall upon us all
And between the sand and stone
Could you make it on your own
If I could, then I would
I'll go wherever you will go
Way up high or down low
I'll go wherever you will go
And maybe, I'll find out
The way to make it back someday
To watch you, to guide you
Through the darkest of your days
If a great wave should fall
It would fall upon us all
Well I hope there's someone out there
Who can bring me back to you
Runaway with my heart
Runaway with my hope
Runaway with my love
I know now, just quite how
My life and love might still go on
In your heart and your mind
I'll stay with you for all of time
If I could turn back time
I'll go wherever you will go
If I could make you mine
I'll go wherever you will go
Habang lalakad ako ay hindi ko mapigilang mapaluha. Naalala
ko ang lahat ng pinag daanan namin ni Rael, yung mga oras na nakapasan ako sa
kanya. Mga oras ng asaran at tawanan namin. At syempre nun araw na nakita ko
siya at sinusungitan nya ko. Lahat ng ito ay nag flash back sa aking isipan..
Habang palapit ako kay Rael ay naka ngiti ito. Naka suot ito
ng kulay itim na toxedo at naka kapa. Ang buhok nito ay kamuha ng buhok ng
koreano si Lee Min Ho. Nangiti tuloy ako. Alam kong si Oven ang may kagagawan
nito.. Lalo tumingkad ang kagwapuhan nya..
(author's note: naalala ko yung buhok ni Goo jun pyo a.k.a
Lee min ho. Ganun ang hairstyle ko noong nanalo ko ng 1st runner up sa lakan
last year 2012)
Ibayong kaba ang nararamdaman ko habang papalapit ako kay
Rael. Halo halong emosyon ang nangibabaw sa aking pag katao. Nakita kong
itinaas ni Rael ang kamay nya alam kong nais abutin ang aking kamay habang
umaakyat ako ng hagdan patungo sa kanya.
Ilang saglit pa ay mag kaharap na kaming dalawa at
magkahawak ng kamay.. Sumindi ang apoy sa torch. At ng simula na ang ritwal ng
aming pag iisang dib dib.
Ini-abot sa akin ng matandang taga gabay ang isang binilot
na papel. Ito daw ay nag lalaman ng isang sumpa na babasahin ko para sa aming
pag iisang dib dib. At ganun ang ibinigay nya kay Rael.
Ibang klase ang ritwal ng kasal dito. Hindi katulad sa aming
mundo na nag papalitan ng wedding vows at wedding ring..
Ilang minuto pa ay binuksan ko na ang binilot na papel o mas
kilala sa tawag na scroll sa aming mundo. Binasa ko ang nilalaman nito.
"mula sa apat na sulok ng mundo. Mula sa taga pag
bantay ng kalawakan at kalangitan. Mula sa Diyos ng pag ibig, pag asa at
katarungan. Inaanyayahan ko kayong bumaba mula sa kalangitan at basbasan ang
aming kasal. (maya maya ay biglang lumakas ang apoy sa torch)
"Ako si Enchong ay nangangako sayo Rael, na mamahalin
kita at susundin bilang aking asawa at kabiyak sa hirap at ginhawa."
"Ako si Rael, ay nangangako sayo Enchong na magiging
tapat ako at masunurin sa lahat ng oras. Mamahalin kita at aalagaan. (unti
unting nabasag ang boses ni Rael at umiyak na ito) kahit nasaan ka pa, kahit
ano pa ang ginagawa mo ay mamahalin kita ng buong tapat. Punpuntahan kita kahit
saan ka mag punta, at mananatili ako sayo sa lahat ng oras.."
At inutusan kami ng matandang gabay na itapon ang scroll sa
apoy at ginawa namin ito.. Lalong lumakas ang apoy sa torch. Ito daw ay tanda
na tinatanggap ng mga Dyos na taga bantay ang aming sumpaan.
At ginawaran ako ni Rael ng isang halik sa labi.. Nag
palakpakan ang mga taong nanonood. Kami ngayon ni Rael ay mag asawa na.
Bumaba si Rael ng hagdan para salubungin ang lahat ng mga
taong bumabati sa amin. Ako naman ay nanatili lamang sa itaas ng altar upang
panoorin siya..
Maya maya ay nakita kong umaakyat si Oven palapit sa akin
para batiin ako. Ganun din si Nico na may dalang isang kumpol na bulaklak na
ibat ibang kulay.
"Congrats Frend.." sabi ni Oven, sabay akap sa
akin
"Congrats tol, sabi ni Nico" at inabot sa akin ang
dala nyang bulaklak. Bumaba siya agad para batiin si Rael. At naiwan naman kami
ni Oven sa taas ng altar.
Masayang masaya ako noong mga oras na iyon at parang isang
panaginip ang nangyayari sa akin.. Ngayon ay mag asawa na kami ni Little
Dracula este Rael pala. Nakangiti ako habang pinapanood ko si Rael na kumakamay
sa mga tao. Bakas na bakas ang saya sa kanya mukha.. Kumaway pa ito sakin at
nag flying kiss.
Makalipas ang ilang minuto ay paakyat na muli ito sa hagdan.
May kataasan din kasi ang hagdan. Binubuo ito ng 30 na baitang bago maka panic
sa itaas. Naka.ngiti ito habang umaakyat at tila sabik na sabik ito.
Nasa ganun posisyon ng biglang nag liwanag ang ilalim ng
lupang tinatayuan namin ni Oven.. "Ang liwanag na ito ay katulad ng
liwanag na nag dala samin dito". Uuwi na ba kami? Pano si Rael?? Lumakas
ang kabog ng aking dib dib kasabay nito ang pag tingkad ng liwanag sa aming
paligid..
"Raeeellllll" ang sigaw ko
Bakas na bakas sa mukha ni Rael ang labis na takot.
"Nandyan na ko!!! Wag ka mawawala, wag mo iiwan!!" ang sigaw nito.
Unti-unting nag laho ang katawan ni Oven na nasa aking tabi.
Maya maya pa ay nilukuban narin ako ng liwanag at parang nag mistulang
transparent ang aking balat. Nakita kong tumatakbo si Rael papunta sa akin at
nag kakandarapa ito.
"Raellll!!" ang huli kong nasambit bago ako
tuluyang mag laho..
Tahimik..
Namalayan ko nalang ang aking sarili sa na nakahiga sa isang
parte ng bundok bari bari kung saan nag simula ang lahat. Tama nga ang hinala
ko. Naka uwi na kami. Pero ang suot ko ay hindi nag bago. Suot ko pa rin ang
damit na ginamit ko sa kasal kanina lang.
Masakit ang aking ulo, at medjo nanginginiig pa ang aking
katawan ng sandaling iyon. Agad kong ginising si Oven "tol, naku uwi na
tayo sa mundo natin" ang sabi ko
Inikot ko ang aking mata sa paligid nag baka sakali akong
may tumulong sa akin dahil wala pa ring malay si Oven.
Mula sa kinalalagyan namin ay biglang kumabog ang dib dib
ko..
Kabog kabog kabog...
Bukod kasi kay Oven ay may isang katawan pa ang naka
handusay sa lupa at walang malay. Agad ko itong nilapitan.. Kumakabog ang aking
dib dib habang hinahawak ko ang kanyang katawan..
Tahimik..Tanging pag hinga ko lamang ang naririnig ko..
Marahan kong itinihaya ang katawan ng lalaking ito..
At napasigaw ako.."RAELLL!!!!!!!!!"
Nakabalik kami ni Oven sa aming sariling mundo. Pero hindi
sinasadyang nasama si Rael dito. Paano siya mabubuhay sa mundong hindi nya
kinagisnan? Dapat ko ba itong ika tuwa o dapat ko ba itong ikabahala??..
(End of Book 1)
Author's note: maraming salamat po sa pag babasa.
Eto po ang mga dapat abangan sa Book 2 ng Mr Genuis X Mr
Blood Sucker
"Ibubunyag na ang lihim ng nakaraan ni Rael, Tuklasin
din natin lunas ng lason sa katawan ni Enchong. May mga bagong adventure at
syempre bagong kalaban na nag hihintay. At higit sa lahat.. Ang buhay ni Rael
sa mundo ng mga mortal"
Maraming salamat po..