disable

Martes, Hunyo 4, 2013

Mr. Genuis X Mr Blood Sucker BOOK 1 (Part 5-6 end)



Mr. Genuis X Mr Blood Sucker
 Part 5 "Ang Silakbo ng Labanan"

(author's note: unti unti po akong inuubos ng kwentong ito. Dobleng imahinasyon ang kinakailangan kong iaapply kumpara sa pag gawa ng ordinaryong kwento. Pasiencya na po sa mga epic failed na cenes hehe)



Ipinag patuloy namin ang pag lalakbay. Nag plano kami kung paano sasalakay sa dangeon ni Rascal. Napag alaman kasi namin na bukod kay Oven ay maraming dinukot ito upang gawing alipin sa kastilyo nya. Ang pasukin ang kaharian ni Rascal ay hindi raw basta basta kayat kinakailangan ng isang malaking hukbong sandatahan. Mula daw kasi sa gubat ay daang hellhounds at kung ano anong nilalang na uhaw sa dugo at sa laman ang makaka harap mo.

Nasa gitna palang kami ng pag lalakbay ay kalahati na agad ang nalagas sa aming hukbo dala ng maraming kalaban sa daan. Bumagsak na rin ang kabayong sinasakyan namin ni Rael kaya mula dito ay pinasan nalang nya ako.

"Mas maka bubuti siguro na kami nalang ang tumuloy sa gubat, pag lumagpas kami dito ay makakarating na kami sa dangeon ni Rascal" ang sabi ni Rael

"tol ano ibig mong sabihin?" ang tanong ni Nico

"Ang ibig kong sabihin, mas matahimik ang pag salakay natin kung kaunti lamang tayo. Madali kasing natutunugan ng kalaban kung marami tayong nag lalakabay. Ang nais ko ay pauwiin na ang hukbo" ang sabi ni Rael

"tol, hindi natin pwedeng gawin iyon. Hindi naman biro ang dami ng kalaban sa paligid" ang sabi ni Nico

Pero pina nindigan ni Rael ang kanyang desisyon. "Ang iba sa inyo ay bumalik na ng Kastilyo at ibalita sa aking ama ang mga nangyari. Humayo na kayo" ang utos ni Rael

Kitang kita ko ang pagiging seryoso nya. Napaka powerful ng imahe nya ngayon. Talagang hinubog sya ng kanyang ama para maging hari sa hinaharap. At iyon ang labis kong hinangaan.

Iyon nga ang set up, mula dito, kami nalang ang papasok sa gubat upang mas maging matahimik ang aming pag salakay. Pag nalampasan namin ang gubat na iyon ay makikita na namin ang kaharian ni Rascal. Kumbaga sa laro ay isang level nalang bago mo makaharap ang pinaka big boss. Ang kaibahan nga lang.. Kami ang mismo lumalaban..

"natatakot ka ba?" ang tanong sakin ni Rael

"O-oo" ang sagot ko

"mag tiwala ka sakin ha. Ako bahala" ang sabi nito

Umakap ako sa likod nya ng mahigpit at pinag patuloy namin ang pag pasok sa gubat. Ang bilis.... Para kaming lumilipad.. Kung itatanong nyo kung ano ang pakiramdam ng naka pasan kay Rael. Simple lang. Para kang naka sakay sa isang roller coaster na bumubulusok pababa. Ganun kabilis. Hindi rin naman nag papahuli si Nico dahil mabilis din itong kumilos katulad ni Rael.

Pag dating sa gubat ay pinag tago ako ni Rael sa isang malaking bato at tinabingan nya ito. Iniwan nito sa akin ang isang espada at sinabing. "gamitin mo ito para ipag tanggol ang sarili mo, mag tago ka lang dito at manood." sabay kindat sa akin.


Bakit ganun cool na cool pa rin siya. Oh sadyang mayabang lang talaga siya? Ahh ewan bahala na..

Nakita kong nag uusap sila ni Nico. Maya maya ay pumuwesto sila sa gitna kung saan makukuha nila ang atensyon ng mga hellhounds. Nakita kong itinaas ni Rael ang sleeves ng kanyang damit hanggang braso. At sumuntok ito sa lupa.


Isang ordinaryong suntok lamang iyon pero nag produce ito ng malakas na impact dahilan para yumanig at mag biyak ang lupa. Hindi ako makapaniwala sa mala halimaw na lakas ni Rael. Parang hinataw ng higanteng Maso ang paligid.



Maya maya ay nag lapitan na ang daang hellhounds sa lugar na kina tatayuan nila. At sumiklab ang labanan. Dalawa laban sa isang daan. Hindi yata patas iyon..

Kakaibang abilidad ang agad pinamalas ni Nico, Lahat ng mahawakan nyang dahon ay nagiging patalim na may kakayahang pumutol ng kahit na anong matigas na bagay. Ilang segundo pa ay halos lumilipad na lahat ng dahong ito na parang may buhay at hinihiwa ang lahat ng nasa paligid. Iyon ang nag silbing proteksyon nya sa katawan upang walang makalapit sa kanyang kalabanan.

 


Maya maya, isang mag kakasunod na yanig ang aking narinig. Parang malalakas na pag sabog. Si Rael pala iyon.. Hindi ito gumagamit ng kahit na anong mahika katulad ni Nico. Purong lakas lamang ang gamit nito. Pero "wag ka" mala libong halimaw ang lakas nya. Bawat suntok nya ay nag bibigay ng pagyanig sa paligid. Lahat ng matamaan ng kamao nya ay nagigiba at iiwan ng malaking ukit o "CRATER". Dahilan upang tuluyang magiba ang gubat. Napaka destructive nya. Ilang segundo pa ay parang inapakan na ng isang libong dinosaur ang paligid.



 


(author's note: mahabang oras ang ginugol ko sa pag iisip ng akmang na skills para kay Rael. Ayoko kasi na gumagamit siya ng magic dahil mag mumukha siyang femenine. Kaya pure strength nalang ang ginawa ko para mas lalo syang mag mukhang leading man. Hindi ko pinalaban sa eksena si Enchong para lalo siyang mag mukhang Main Cast)

Natakot tuloy ako. Pano pag nag away kaming dalawa. Baka maging pulbos nalang ako. Mahirap yata mag karoon ng asawang ganito tiyak na maaunder ako.

Makalipas ang maka ilang minutong pagyanig ay naging mapayapa ang buong paligid. Naitumba ni Rael at Nico ang daang hellhounds sa loob ng ilang sandali. Nakatakot tuloy lumapit sa kanila.. Pero mas nangibabaw ang pagkamangha ko.

"boss labas na." ang sabi Nico habang inililihis nya ang batong pinagtataguan ko

"salamat. Ayos lang ba kayo?!" ang tanong ko

"oo naman. Wala nga kaming galos oh" ang sabi ni Nico

Tiningnan ko si Rael na nakatayo sa di kalayuan. Cool na cool lang ito. At ngumiti sa akin sabay thumbs up..parang sinasabi nya "ayos ba?"

Ngumiti ako at tumango..

Natawa ito at nag sasayaw. Pagiling giling na animo nag sstripe dancing.. "tsk, sira ulo talaga. Nakuha pang mag sayaw ng mokong. Parang hindi napapagod.

Lumapit ito sa akin at inakap ako. "nasaktan ka ba?" ang tanong nito

"ummmpphh" sinabunutan ko siya.

"arekup!! Bakit ba?" ang tanong nya

"tinago mo ko kaya ako dito, sabay turo sa bato, edi natural okay ako" ang sabi ko

"hahaha, oo nga pala. Para makasigurado lang na hindi ka mapapahamak." ang sabi nito. "tara na" sabay buhat sa akin.

"teka nga, ibaba mo muna ko." ang sabi ko

Natawa si Nico. "Mukhang under ka nyan Rael ahhh."

"oo tol, under ako nito. Bossing ko to eh" ang sabi ni Rael.

Pumasan ako sa kanya at tumulak na kami patungo sa last stage pag lalakbay. Ang dangeon ni Rascal. Habang palapit kami sa kanyang kaharian ay padilim din ng padilim. Namumula ang kalangitan. Siguro ganito ang itsura ng impyerno. Alam kong ramdam ni Rael na humihigpit ang kapit ko sa kanya tanda ng natatakot ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang nag hihintay sa amin doon.


Nung matawid namin ang isang mahabang tanel, doon ay bumulaga sa amin ang kaharian ni Rascal. Tama nga si Oven napapaligiran ito ng apoy at maraming sundalo ang naka bantay dito. Mga sundalong Hellhound. Pero this time ay nag level up ang beauty nila dahil may mga suot na itong armor at may hawak na spear. So ang tawag sa kanila ay "Captain Hellhound Spear." Mas malalakas at mas mabibilis sila kaysa sa nasa gubat.



Nagtago kami sa mga batuhan at doon ay humanap ng tyempo. "Ench, Pag nakalapit na tayo sa gate ay huwag kang hihinga, dahil once na huminga ka ay maamoy nila dahil isa kang mortal" ang sabi ni Nico

"ano ang gagawin ko? " ang tanong ko

"mag tiwala ka kay Rael" ang sagot ni Nico

"Ganito ang plano, guguluhin ko ang mga bantay, at pag nasa akin na ang mga attensyon nila ay pumasok kayo sa loob. nasa gawing kanan ang himpilan ng mga alipin. Baka nandun ang kaibigan mo." ang sabi ni Nico

Humanga ako sa talino at tatag ni Nico. Parang alam na alam nya lahat. Bukod sa malakas ito ay matalino pa. "naiintindihan ko Nico" ang sabi ko

"Cge umpisahan na natin ang palabas." ang sabi nito

Lumabas ito ng taguan at nag punta sa pader kung saan maraming Captain Hellhounds na nag babantay. Pinilit nyang mag pahabol dito hanggang kaunti nalang ang matirang naka bantay sa tarangkahan. At muli kong nakita ang mga sumasayaw na dahon sa paligid. iyon ang mag razor na ginamit nya kanina lang..

Agad naman akong binuhat ni Rael..Pumasan ako sa kanya. "Wag kang hihinga, para hindi tayo maamoy ok?" ang sabi nito

"naintindihan ko" huminga ako ng malalim at pinigilan ko ito.

Mabilis pa sa kidlat na tumakbo si Rael. Mas mabalis ito kaysa kanina. Halos walang naka pansin sa amin na pumasok na kami.. Umikot kami sa himpilan ng mga alipin, upang hanapin si Oven. "Shit, hindi ko na kayang pigilin ang pag hinga ko" lalong humigpit ang kapit ko kay Rael.

"Konti nalang tol." ang sabi nito

"Raell bilisan mo!! Mamatay na yata ako. Please!" ang sabi ko sa aking sarili

Umakap nalang ako sa kanya. Hindi ko na talaga kaya. Halos mamatay na ako sa pag pigil ng aking hininga. Buti nalang ay huminto na si Rael sa pag takbo.

"HAAAAHHHH!!!!" ang tanging nasabi ko. parang mas pagod pa ko kay Rael noong mga oras na iyon.

"Okay ka lang ba? Sorry ha" sabi nito ay inakap ako

"ayos lang yon, tara hanapin na natin si Oven" ang sabi ko

Marahan kaming lumakad patungo sa mga selda ng alipin. Nag babaka sakali kaming nandun si Oven. At hindi nga kami nag kamali.

"Lapitan mo na yung kaibigan mo, mag babantay ako dito sa labas" ang sabi ni Rael

"cge" at umakap ako dito. hinalikan ko ito sa labi. Ngumiti naman ito. At inakap ako.

Agad kong pinuntahan ang selda kung saan nandun si Oven.

"psst, Oven!!" ang tawag ko



Humarap si Oven sa akin, para itong naka kita ng multo "Frend!!!! Huhuhu. salamat nandyan kana. Akala ko mamatay na ko dito" ang sabi niya

Dali dali kong sinira ang kandado ng selda. At doon ay pinatakas ko si Oven. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya at napaiyak ako "Tol, nag alala ko sayo. Patawad kung ngayon lang ako. Wala akong mahanap na pwedeng makatulong sa akin dati. Sana mapatawad mo ko." ang sabi k

"Wala yun frend.. alam ko naman na di mo ko matitiis. saka hindi naman tayo taga rito. Alam kong mahirap gumalaw sa mundong hindi ka kabilang." ang sabi nito

Nag iyakan kaming dalawa noong mga oras na iyon. Masayang masaya ako dahil buhay ang kaibigan ko.

"psst!! " ang tawag ni Rael "Pwede ba, mamaya nyo na ituloy ang landian nyo!! umalis na tayo dito" ang sabi nito

"Amfff" ang tanging nasabi ko. Mapanira talaga ng moment yang si Rael.

"teka sino ba yun?" ang tanong ni Oven

"si Rael yun, fiance ko" ang sabi ko

"Hah?? Huwaat? Ikaw frend ha iba kana talaga, mag tatampo na ko nyan. Pati dito lumalab-life ka" ang sabi nito

"hay, basta tol, mahabang storya." ang sabi ko.

Habang palabas kami ng selda ay may dumating na mga Captain Hellhounds. Palapit na ito sa amin. Ibayong kaba ang naramdaman ko noong mga oras na iyon at napakapit ako ng mahigpit kay Oven. "Patay, nacorner kami".

Tahimik..
 

Maya maya, laking gulat ko ng biglang iharang ni Rael ang katawan nya sa amin. "Dumirecho kayo sa loob nun at mag tago. Ako na bahala dito." sabay turo doon sa isang pintuan papasok ng palasyo. 





Mabilis kaming tumakbo ni Oven sa loob nito. Iniwan namin si Rael na kaharap ang halos walong mababangis na Hellhounds. Noong makapasok kami ay isang malakas na pag sabog ang aming narinig. Kasabay nito ang mga pag yanig sa lupa. Ito ay nag mumula sa pwesto nila Rael.

Marahil ay lumalaban na ito. Naalala ko na bawat suntok nya nag dadala ng malakas na pwersa. Pero kahit na. Hindi ko maiwasang mag alala sa kanya. Habang tumatakbo kami ni Oven ay halos tumulo ang luha ko. Nag alala ako sa kalagayan ni Rael at Nico.

Tahimik..

"KAPAG WALA ANG PUSA, SIGURADONG MAG LALARO ANG DAGA" ang sabi ng isang boses na nag mumula sa di kalayuan

Agad ko hinugot ang espadang binigay sakin ni Rael at inilagay ko ang aking katawan sa "Combat stand". Nakita ko si Oven na hawak ang isang malaking kahoy at mukhang handa na rin ito sa bakbakan. "Sino ka?!!" ang sigaw ko

"GANYAN BA KAYONG MAKIPAG USAP SA ISANG HARI? MGA LAPASTANGAN!!!!" ang sabi nito

Halos mabusalan ako. "patay na si Rascal" ang sabi ko sa aking sarili. Wala pa naman si Nico o si Rael para mag tanggol samin.

Pinilit kong labanan ang takot sa akinf katawan "Wala akong paki alam kung sino ka. Lumabas ka dyan at mag harap tayo!!" ang sigaw ko

"Frend ano kaba, baka maya maya lumabas nga yan eh!!." ang sabi ni Oven sa akin. Kaya sumigaw din ito "Joke lang yun, nag bibiro lang ang kaibigan ko. Sige Hide ka lang dyan. Okay lang kami dito"

Tahimik...

Nakikiramdam kami ni Oven. Kakaiba ang katahimikan sa paligid. Halos tumulo ang pawis ko sa sobrang kaba.. Lalo na nung maramdaman kong may tao sa likod ko. Kaya naman dali dali akong humarap sa kanya.

Nakakapangilabot ang aking nakita. Isang lalaking matangkad halos nasa 7ft ang laki nito. May sungay at mahaba ang kanyang pangil. Ang kamay nya ay napapaligiran ng mga balahibo at matutulis ang kanyang mga kuko.Ang paa nya ay parang sa kambing na puro balahibo din. At may hawak ito isang malaking spear. At may dalawang buntot. Nanlilisik na kulay pula ang mga mata nya. Isa siyang Demonyo...




"Takbo oven!!!" ang sigaw ko. Ang bilis ng pangyayari. Kinalmot ako nito sa harap at bumaon ang mga kuko nya sa aking dib dib. Sanhi upang masira ang damit ko. Tumulo ang dugo sa aking bibig at nabitawan ko ang hawak ko espada. Maya maya ay binuhat ako nitp at itinapon sa kung saan.

"enchong!! Frend!!!" ang sigaw ni Oven. Lalapitan ako nito ng biglang siyang hampasin ng spear at tumilapon ito sa malayo.

Pinilit kong bumangon. Kumuha ako ng isang bato, at binato ko ito sa ulo. "kung akala mo natatakot ako sayo!! Hindi!!! Ang panget mo kaya!!! Panget ka!!!" ang sigaw ko.

Dali dali kong pinulot ang espadang biningay ni Rael at tumakbo ako papunta sa kanya.. "Yahhhhhhhhh!!" pero bigo ako, ni hindi man lang ako naka lapit sa kanya. Muli akong kinalmot nito at this time sa likod na ako tinamaan. Sumabog ang dugo aking likuran. Ramdam ko rin ang pag tulo ng dugo sa aking bibig.

Tahimik.. Tanging pagtawa lang ng demonyo ang naririnig ko..

Maya maya, ay biglang tumilapon ang katawan ni Rascal sa malayo. Ang bilis ng pang yayari. Nakita ko nalang na biglang sumulpot si Rael naka tayo ito at may bahid ng kagat at dugo sa katawan. Hindi ko alam kung anong klaseng laban ang ginawa nya sa labas pero bakas sa itsura nito na nahirap siya.

Agad akong tinakbo nito. "Encbong!!! Gising!!! Anong nangyari.??"

"A-ayos lang ako." ang sagot ko

"Anong ayos? Tingnan mo nga ang itsura mo!! Naliligo ka sa sarili mong dugo!!" ang sabi nito

Agad akong dinala nito sa gilid katabi ni Oven. Hinang hina ang katawan ko. Umiikot na rin ang paningin ko

"Frend!! Ang laki ng sugat mo" hinubad ni Oven ang damit nya at inilagay ito sa sugat ko sa dibdib para tumigil ang pag dugo nito.

Maya maya ay sumulpot na rin si Nico sa harap namin. Puro sugat ito at puro kalmot sa katawan. "ayos lang ba kayo? Dumito lang kayo. Hindi biro ang kalaban ni Rael" ang sabi nito

Habang lumakad si Nico ay nag labasan muli ang dahon sa paligid nya at this time ay mas malalaki ito. Halos kasing ito ng Plato. Alam kong matalim ang bawat gilid nito. Kasabay ng pag sugod nya ay siya naman pag tilapon ni Rael sa di kalayuan. Napansin ko ang paligid napuno na pala ito ng uka o crater. Sanhi ng pag suntok ni Rael.

Wala pang ilang minuto ay biglang tumilapon din si Nico sa harap namin. Puro dugo ang katawan nito. "Nico!" ang sigaw ko. Hindi ko na alam kung sino tatawagin ko. Tumulo nalang ang luha ko. Bakit kailangan mauwi sa ganito ang lahat? Bakit kailangan may dugo pang dumaloy? Hindi ko na kayang makitang nag hihirap sila.

Pinilit kong tumayo para puntahan si Rael. Hanggang ngayon ay naka handusay pa rin ito sa di kalayuan.

"Rael!! Rael!!! Gumising ka." nakita ko may kagat pala ito sa kanyang braso at ilang malalaking kalmot sa dib dib.

Papalapit na sa amin si Rascal. Nakita kong bali na palang ang isang sungay nito at putol na ang isang buntot nya

"mga lapastangan kayo!! Mag babayad kayo sa pag parito nyo dito" ang sabi nito habang palapit sa amin.

Nag tatakbo ako para kunin ang espada. Ipag tatangol ko sila kahit ano mangyari. Sinalubong siya, gamit ang espada ay tinapyas ko ang isa pa nyang buntot. Dahilan para magalit ito.

Akmang kakagatin ako nito.. Pero mula sa likod nya ay nakita kong sumulpot si Rael at kinagat nya ito sa leeg. Ngayon ay nakasampa si Rael sa likod nya at naka kagat ito. Ngayon ko lang nakita muli ang pangil niya. Nanlilisik ang mga mata nya at napupuno ng dugo ang kanyang mukha. Hindi na siya ang Rael na kilala ko.

Nag hihiyaw si Rascal, at lalong tumindi ang galit nito. Hinitak nya ang katawan ni Rael at kinagat din ito. Ngayon ay nag kagatan silang dalawa. Kagat siya ni Rael sa leeg. At kagat naman nya si Rael sa balikat. Tumulo ang dugo sa sahig. Tanging unggol nalang na parang mga hayop ang naririnig ko.

Hindi ko na kinaya ang pang yayari, napahagulgol nalang ako. Dali dali kong kinuha ang espada at isinaksak ko ito sa katawan ni Rascal. "Bitawan mo si Rael dimonyo ka!!!"

Kinagat ko rin ko rin si Rascal sa braso.. "Pwe!!! Ang alat!!!" ang sigaw ko. Lalo ko pang idiin ang pag saksak ng espada sa katawan nito dahilan para bumitiw siya sa pagkaka kagat kay Rael. Halos wasak na pala ang balikat ni Rael at umaagos ang dugo mula rito.

Laking tuwa ko ng maalis ang pangil nya sa balikat ni Rael. Pero mabilis pa sa kidlat AKO naman ang kinagat nito. Naramdaman ko nalang na bumaon ang pangil nya sa aking balikat. Tumatalsik ang dugo ko aking katawan. Lalo itong ginagalit ni Rael kaya sumampa ito sa ulo nya kinagat ito sa batok..

Maya maya pa ay naputol ang isang kamay ni Rascal. Si Nico pala ang may kagagawan ito. Kahit malala ang kalagayan nito ay sumugod pa rin ito

"Bitawan mo ang kaibigan ko. Shet kang panget ka!!!!" ang sigaw ni Oven. May hawak itong kahoy at inampas sa muka si Rascal. Pero masyasadong matigas ang mukha nito "Ayyy nabale!!" ang sabi ni Oven. Nag hanap ito ng pwedeng ipang hampas kay Rascal ng matuon ang attensyon nya sa espadang naka saksak dito. Hinugot nya ito at dali daling isinaksak sa leeg ni Rascal. Dahilan para tuluyang mag wala ito.

Tumilapon ang aking katawan sa malayo, ganun din ang katawan ni Rael. Ngayon ay umaagos na ang dugo sa katawan ni Rascal. Bali na ang kanang kamay nito. Wala na itong sungay at buntot. Malaking damage din ang nagawa ng kagat ni Rael.

Maya maya pa ay may narinig kaming mga yabag.. Palapit ito sa kwartong pinag lalabanan namin. "Pucha!!! May mga hukbo ng hellhounds na palapit sa amin." Ano gagawin ko.?

Wala na kaming lakas. Si Oven walang malay ganun din sa Nico. Malubha na rin Rael. At manhid na rin ang katawan ko.

Tahimik...

Laking gulat ko ng biglang tumilapon ang katawan ni Rascal malapit sa akin. "Paano nangyari un?" ang tanong ko sa sarili ko

Si Rael!! Nakabangon ito, pero bakit iba na ang itsura nya. Nanlilisik ang mga mata nito, may buntot at mahaba ang mga kuko nito. Ibang iba na siya sa Rael na kilala ko. Lumundag ito at pumatong kay Rascal. Kitang kita ko kung paano nya kainin ang katawan ni Rascal. Pero nanlaban ito at muli ay tumilapon sa malayo ang katawan ni Rael..

Akmang lalapitan nya si Rael, kaya pinilit kong tumayo. Nanginginiig ang aking tuhod at tumutulo ang aking dugo. Nakita kong naka dapa na Rael at bumalik na ito sa dating anyo nya. Noong mga oras na iyon alam kong wawakasan na ni Rascal ang buhay ni Rael. Kayat mabilis akong tumakbo para pigilin siya.

Pinulot ko ang espada at sinaksak ito sa likod nya. Saking bumaling ang atensyon nito at muli ay kinagat nya ako sa aking balikat. Wala na akong magawa. Katapusan ko na. Naramdaman kong winasiwas nya ang katawan ko sa ere.

Lungayngay at wala na akong lakas. Habang kagat ako nito ay napatingin ako kay Rael. Doon ay tumulo ang luha ko. Nag kamalay na pala ito at pinipilit tumayo.

Kagat ako nito sa balikat, pero pinilit kong mag salita "Sorry tol, hindi ako malakas para tulungan ka. Eto lang yung kaya kong gawin, wag ka mag alala may lason yung dugo ko. Ilang saglit pa ay eepekto na to. Patawad kung hindi ko nasabi agad na mahal kita."

Unti unti akong nakaramdam ng kirot. Umaabot na sa buto ko ang pangil nya. Pero pinilit ko pa rin mag salita.. Tumulo ang luha ni Rael, alam kong narating na nya ang limitasyon nya.

"Rael, aalagaan mo yung sarili mo, lagi kang mag aayos, mas bagay sayo yung korean hairstyle ang gwapo mo dun. Hindi lahat ng bagay nadadaan sa init ng ulo ha. "Ahhhhhhhhh". Gusto ko pa naman ikasal kasama ka. Sorry kung hindi ko na magagawa un.. May mga panahon na mahihirapan ka, pero wag ka susuko, kahit mag kaiba pa tayo, kahit ano ka pa.. Mahal na mahal kita."

Pumikit nalang ako..

Ilang saglit ang lumipas, naramdaman kong lumuluwag ang pag kagat sa akin ni Rascal. Alam kong umeepekto na ang lason na nasipsip nya mula sa dugo ko. Pero kasabay nito ang pag dilim ng paningin ko. Pareho kaming bumagsak sa lupa. Naka tingin ako sa kanya. Naka nga nga ito wala nang ulirat. Kasabay nito ang unti unti pag payat ng katawan nya. Ilang saglit pa ay buto na lamang ito. Narinig kong umalulong ang mga hellhounds paligid tanda ng pag hihinagpis sa pagkawala ng hari nila

Naramdaman ko ang duguang kamay ni Rael na humahaplos sa akin. "kumapit ka tol, parating na sila papa.. Kaya natin to. Wag mo ko iwan. Ayoko ng mag isa. Pag nawala ka, hindi ko alam kung kakayanin ko pa." iyon ang narinig ko..

Naramdaman ko na maraming tao sa paligid. Marahil ay dumating na ang rescue. Akap akap pa rin ako ni Rael at hindi ako binibitawan nito..

Sa wakas tapos na rin ang silakbo ng labanan..

Itutuloy..
 -----------------------------------------------------------------



Mr.Genius X Mr. Blood Sucker
Part 6: "Ang tagumpay ng Pag-ibig"
Final Part Book 1

Enchong

Rael

Author's note: Inubos ako ng part 5, kaya nag rest muna ako ng dalawang araw. Maraming nag tatanong sakin kung paano ko naisip yung mga skills nila Rael at Nico. Ganito yun, Ang unang idea ko kay Nico ay dapat "swordsman" siya kaso naisip ko na hindi bagay sa isang "Floral God" ang maging swordsman saka baka talbugan nya si Rael. (magaling ang fans ni Rael). Eh saktong nanonood ako ng Pokemon, Tapos nakita ko si Balbasaur na nag rarazor leaf. Doon nabuo ang idea ko na gawin itong skills ni Nico.

Tungkol naman kay Rael, ang unang naisip ko sa kanya ay maging "water bender" hahaha. Kaso saan ka naman naka kita ng "blood sucker" na water bender haha. Actuall naalala ko dati nakipag suntukan ako sa sobrang galit ko sinuntok ko yung pinto ng classroom. Nasira ko ito. Haha..doon na buo ang idea ko sa skills ni Rael.

Tungkol naman sa story. Iniwas ko ito sa love story na ala edward at bella. Kasi alam ko na iyon ang iisipin ng iba. Kaya nilagyan ko ito ng touch na pag ttravel sa ibang mundo. Pinakita ko ang kaibihan ng oras sa earth at sa kaillun. 

Ok.ok.. Eto na ang part 6..

Enjoy reading..

June 1, 2013

*****************************************************
Part 6

Unti unting bumalik ang malay ko. Nakita ko agad si Rael, naka ngiti ito sakin.. "asan ako?"

"naka uwi na tayo. Tapos na ang labanan, nanalo tayo" ang sabi nito

"salamat naman." ang sabi ko

Sumasakit pa ulo ko, at ang buong katawan ko. Napansin kong puno ako ng bundahe ng katawan.

"akala ko, hindi kana gigising eh" ang sabi nito "natakot tuloy ako"

"bakit naman?" ang tanong ko

"eh kasi halos pitong araw ka nang natutulog, kaya nga pitong araw na rin ako di natutululog eh" ang sabi nito

"ngee, bakit naman hindi ka natutulog ha? Nag aadik ka hano?" tanong ko

"hindi no, kasi binabantayan kita" ang sabi nito, sabay bitiw ng matamis na ngiti

"nakuuu... Sana nag security guard ka nalang no" sabi ko

Natawa ito "security guard naman ako eh... ng puso mo."

"nakuu...san mo ba natutuhan yan?" ang tanong ko

"tinuro sakin ng kaibigan mo, iyon daw kasi ang uso sa mundo nyo" sabi nya

"teka, babangon ako... Asan nga pala si Oven?! Si Nico? Kumusta sila? Anong nangyari noong...."

"shhhhh.. Tama na. Wag na muna mga isip okay, wag kana muna bumangon at makakasama sayo, isa pa maayos na ang kalagayan ni Oven at Nico. Mag kasama sila ngayon nag iikot sa palasyo. Noong mawalan ka ng malay ay dumating sila papa para tumulong. Naagapan namin ang kalagayan mo" ang sabi ni Rael

Ngumiti ako, pakiramdam ko ay gumaan ang loob ko."salamat naman at ligtas ang lahat tol"

"nga pala Ench, naipaliwanag ko na rin kay Oven kung paano mo ko naging fiance."

"oh ano reaksyon nya?"

"edi natawa. Sa mundo nyo daw kasi ang ibig sabihin ng tatlong suntok ay "knock out"..

"hahaha. Oo naman. Kasi pag nasuntok ka ng tatlong beses ay paniguradong tulog ka" ang sabi ko

"ayun nga. Nagulat ng kami ng biglang suntikin ni Oven si Nico ng tatlong beses. Edi ayun bulagta sa Nico. Akala kasi nya ay magiging fiance nya ito. Hindi nya alam ay iba ang lahi ni Nico hahaha"

"haha gaga talaga si Oven. Hanggang dito nag sasabog" ang sabi ko.

Tahimik...

Sumampa si Rael sa kama at tumabi sa akin. Inakap ako nito. "ummmphhh miss na miss kita." ang sabi nito

Napako ang tingin ko sa kamao nya. Nakita kong puro gasgas ito. Kamay naman kinuha ko ito at hinimas ko. "masakit pa?"

"hindi na.. Ummm, natakot ka ba sakin??" ang tanong nito

"oo naman.. Sinira mo kaya yung gubat. Baka pag nag away tayo at magalit ka sakin pati itong mukha ko sirain mo rin." ang biro ko

"hahaha. Syempre di ko gagawin sayo yun. Mahal kita eh" sabi nito. "nga pala sa isang linggo na yung kasal natin."

"ha? Bakit ang bilis? Kaninong idea??" ang tanong ko

"idea namin lahat.. Bakit ayaw mo ba?" ang sagot nito

"eh syempre gusto ko." ang sabi ko

"eh ganun naman pala eh..dapat mag pagaling kana agad para makapag handa na tayo. Tapos honey moon agad. Grrrr."

"ang libog mo!!" sabi ko sabay piga sa bukol nya

"arekup!!." ang sabi nito. At nag tawanan kami..

Lumipas ang ilang araw at mabilis akong nakarecover. Syempre sa tulong n rin ng mga kaibigan ko at sa tulong na rin ni Rael. Nandyan yung pinag sisilbihan nya ko, at lagi nya tinatanong kung may masakit na sakin. Pati nga sa Cr naka sunod yan. Pag medjo natagalan ako bigla syang papasok sa loob.

Bumalik sa normal ang lahat at syempre abala na rin ang mga tao sa palasyo para sa nalalapit na kasal namin ni Rael. Di ko tuloy maiwasang itanong sa kanya kung yung Ina ba nya ay sinuntok din ng tatlong beses ang tatay nya kaya kinasal ang mga magulang nya. Tawa lang ang sinagot nito. "nag kagustuhan silang dalawa, walang suntukang naganap." iyon ang sabi ni Rael. So ngayon lang pala nangyari na may kasalang magaganap dahil sa panununtok. At kapwa pa kami lalaki.

Tatlong araw bago ang kasal ay nag tungo kami sa pag-gaganapan nito. Isang lumang templo ito na may mataas na hagdan. Ang templong ito daw ay sagrado at binabantayan ng kanilang mga ninuno. Kapansin pansin ang isang malaking estatwa na may hawak na isang dambuhalang sulu. Parang ganun sa torch sa olympics. Sisindihan daw ito sa oras ng seremonya.





May pamahiin din daw sila na dalawang araw bago ang kasal, dapat daw ay hindi muna kami mag kita ni Rael. Kaya naman nung araw ding iyon ay sinamahan ako ni Nico sa lugar nila para doon muna mag stay.. Si Oven naman ay naiwan sa palasyo para asikasuhin ang gagamitin ni Rael sa araw ng kasal.

Huling gabi bago ang kasal ay hindi ako makatulog.. "tol, bakit gising ka pa? Big day mo bukas ah"

"di ako makatulog eh, ang dami kong iniisip" ang sabi ko

"alam mo, ngayon lang ngumiti si Rael sa buong buhay nyan. Laging mainitin ang ulo nya. Kapag nakikipag laban kami wala siyang paki alam samin. Wala siyang paki alam kung masira man nya lahat ng bagay sa paligid nya. Pero nung nakaraang pakikipag laban namin ay napaka ingat nya. Ang sabi nya sakin "baka raw masaktan ka" kaya ingat na ingat sya. At noon ko lang din sya nakitang umiyak ng todo. Noong mga panahon ginagamot ang lahat ng sugat sa katawan mo. Halos hindi siya maka kain at hindi ito natutulog para lang bantayan ka. Binago mo si Rael" sabi ni Nico



Tahimik..

"mahal ko si Rael kaso hindi ako taga rito, mag kaiba kami ng mundo." ang sabi ko

"Enchong, kung nag mamahalan kayo, at wagas ito susunod at susunod sayo si Rael,.kahit saan ka mag punta. Ang mahalaga tol, mahal nyo ang isat isa." ang sabi nito

"naintindihan to Nico. Salamat ha. Mabuti nandyan ka" ang sabi ko. At inakap ko ito.

Pinilit kong iwaglit sa aking isip ang mga negatibong agam agam na gumugulo dito. Tama nga si Nico. Kung mahal namin ang isat isat ay pupunta ako kahit saan sya mag punta...

Kinabukasan...

Ito ang araw ng kasal namin ni Rael..

Hinatid ako ni Nico sa templo kung saan ay lalakad ako papunta sa altar.. Suot ko ang isang puting long sleeve na gawa sa halaman at puting pants na gawa sa talulot ng bulaklak. Ang kampo ng mga dambana ang gumawa ng damit ko. Mula dito sa kinatatayuan ko ay lalakad ako papunta kay Rael.



Lahat ay nakahanda na, ang mga banda, ang mga tao, at ang buong templo.

"Handa kana ba tol?" ang tanong ni Nico

Ngumiti ako.. "Oo naman"

Tahimik..

Lumakad na ako patungo kay Rael..

Mula sa paligid ay tumugtog ang isang pamilyar na kanta mula sa aking ipod. At ito ang nag silbing background music ko habang lumalakad..

Lyrics..

Wherever You Will Go..

(official theme song of Mr. Genius X Mr. Blood Sucker)

So lately, I've been wonderin

Who will be there to take my place

When I'm gone, you'll need love

To light the shadows on your face

If a great wave should fall

It would fall upon us all

And between the sand and stone

Could you make it on your own

If I could, then I would

I'll go wherever you will go

Way up high or down low

I'll go wherever you will go

And maybe, I'll find out

The way to make it back someday

To watch you, to guide you

Through the darkest of your days

If a great wave should fall

It would fall upon us all

Well I hope there's someone out there

Who can bring me back to you

Runaway with my heart

Runaway with my hope

Runaway with my love

I know now, just quite how

My life and love might still go on

In your heart and your mind

I'll stay with you for all of time

If I could turn back time

I'll go wherever you will go

If I could make you mine

I'll go wherever you will go


Habang lalakad ako ay hindi ko mapigilang mapaluha. Naalala ko ang lahat ng pinag daanan namin ni Rael, yung mga oras na nakapasan ako sa kanya. Mga oras ng asaran at tawanan namin. At syempre nun araw na nakita ko siya at sinusungitan nya ko. Lahat ng ito ay nag flash back sa aking isipan..

Habang palapit ako kay Rael ay naka ngiti ito. Naka suot ito ng kulay itim na toxedo at naka kapa. Ang buhok nito ay kamuha ng buhok ng koreano si Lee Min Ho. Nangiti tuloy ako. Alam kong si Oven ang may kagagawan nito.. Lalo tumingkad ang kagwapuhan nya..

(author's note: naalala ko yung buhok ni Goo jun pyo a.k.a Lee min ho. Ganun ang hairstyle ko noong nanalo ko ng 1st runner up sa lakan last year 2012)

Ibayong kaba ang nararamdaman ko habang papalapit ako kay Rael. Halo halong emosyon ang nangibabaw sa aking pag katao. Nakita kong itinaas ni Rael ang kamay nya alam kong nais abutin ang aking kamay habang umaakyat ako ng hagdan patungo sa kanya.

Ilang saglit pa ay mag kaharap na kaming dalawa at magkahawak ng kamay.. Sumindi ang apoy sa torch. At ng simula na ang ritwal ng aming pag iisang dib dib.

Ini-abot sa akin ng matandang taga gabay ang isang binilot na papel. Ito daw ay nag lalaman ng isang sumpa na babasahin ko para sa aming pag iisang dib dib. At ganun ang ibinigay nya kay Rael.

Ibang klase ang ritwal ng kasal dito. Hindi katulad sa aming mundo na nag papalitan ng wedding vows at wedding ring..

Ilang minuto pa ay binuksan ko na ang binilot na papel o mas kilala sa tawag na scroll sa aming mundo. Binasa ko ang nilalaman nito.
 

"mula sa apat na sulok ng mundo. Mula sa taga pag bantay ng kalawakan at kalangitan. Mula sa Diyos ng pag ibig, pag asa at katarungan. Inaanyayahan ko kayong bumaba mula sa kalangitan at basbasan ang aming kasal. (maya maya ay biglang lumakas ang apoy sa torch)

"Ako si Enchong ay nangangako sayo Rael, na mamahalin kita at susundin bilang aking asawa at kabiyak sa hirap at ginhawa."



"Ako si Rael, ay nangangako sayo Enchong na magiging tapat ako at masunurin sa lahat ng oras. Mamahalin kita at aalagaan. (unti unting nabasag ang boses ni Rael at umiyak na ito) kahit nasaan ka pa, kahit ano pa ang ginagawa mo ay mamahalin kita ng buong tapat. Punpuntahan kita kahit saan ka mag punta, at mananatili ako sayo sa lahat ng oras.."

At inutusan kami ng matandang gabay na itapon ang scroll sa apoy at ginawa namin ito.. Lalong lumakas ang apoy sa torch. Ito daw ay tanda na tinatanggap ng mga Dyos na taga bantay ang aming sumpaan.

At ginawaran ako ni Rael ng isang halik sa labi.. Nag palakpakan ang mga taong nanonood. Kami ngayon ni Rael ay mag asawa na.

Bumaba si Rael ng hagdan para salubungin ang lahat ng mga taong bumabati sa amin. Ako naman ay nanatili lamang sa itaas ng altar upang panoorin siya..

Maya maya ay nakita kong umaakyat si Oven palapit sa akin para batiin ako. Ganun din si Nico na may dalang isang kumpol na bulaklak na ibat ibang kulay.

"Congrats Frend.." sabi ni Oven, sabay akap sa akin

"Congrats tol, sabi ni Nico" at inabot sa akin ang dala nyang bulaklak. Bumaba siya agad para batiin si Rael. At naiwan naman kami ni Oven sa taas ng altar.

Masayang masaya ako noong mga oras na iyon at parang isang panaginip ang nangyayari sa akin.. Ngayon ay mag asawa na kami ni Little Dracula este Rael pala. Nakangiti ako habang pinapanood ko si Rael na kumakamay sa mga tao. Bakas na bakas ang saya sa kanya mukha.. Kumaway pa ito sakin at nag flying kiss.

Makalipas ang ilang minuto ay paakyat na muli ito sa hagdan. May kataasan din kasi ang hagdan. Binubuo ito ng 30 na baitang bago maka panic sa itaas. Naka.ngiti ito habang umaakyat at tila sabik na sabik ito.

Nasa ganun posisyon ng biglang nag liwanag ang ilalim ng lupang tinatayuan namin ni Oven.. "Ang liwanag na ito ay katulad ng liwanag na nag dala samin dito". Uuwi na ba kami? Pano si Rael?? Lumakas ang kabog ng aking dib dib kasabay nito ang pag tingkad ng liwanag sa aming paligid..

"Raeeellllll" ang sigaw ko

Bakas na bakas sa mukha ni Rael ang labis na takot. "Nandyan na ko!!! Wag ka mawawala, wag mo iiwan!!" ang sigaw nito.

Unti-unting nag laho ang katawan ni Oven na nasa aking tabi. Maya maya pa ay nilukuban narin ako ng liwanag at parang nag mistulang transparent ang aking balat. Nakita kong tumatakbo si Rael papunta sa akin at nag kakandarapa ito.

"Raellll!!" ang huli kong nasambit bago ako tuluyang mag laho..

Tahimik..

Namalayan ko nalang ang aking sarili sa na nakahiga sa isang parte ng bundok bari bari kung saan nag simula ang lahat. Tama nga ang hinala ko. Naka uwi na kami. Pero ang suot ko ay hindi nag bago. Suot ko pa rin ang damit na ginamit ko sa kasal kanina lang.

Masakit ang aking ulo, at medjo nanginginiig pa ang aking katawan ng sandaling iyon. Agad kong ginising si Oven "tol, naku uwi na tayo sa mundo natin" ang sabi ko

Inikot ko ang aking mata sa paligid nag baka sakali akong may tumulong sa akin dahil wala pa ring malay si Oven.

Mula sa kinalalagyan namin ay biglang kumabog ang dib dib ko..



Kabog kabog kabog...

Bukod kasi kay Oven ay may isang katawan pa ang naka handusay sa lupa at walang malay. Agad ko itong nilapitan.. Kumakabog ang aking dib dib habang hinahawak ko ang kanyang katawan..

Tahimik..Tanging pag hinga ko lamang ang naririnig ko..

Marahan kong itinihaya ang katawan ng lalaking ito..

At napasigaw ako.."RAELLL!!!!!!!!!"

Nakabalik kami ni Oven sa aming sariling mundo. Pero hindi sinasadyang nasama si Rael dito. Paano siya mabubuhay sa mundong hindi nya kinagisnan? Dapat ko ba itong ika tuwa o dapat ko ba itong ikabahala??..



(End of Book 1)



Author's note: maraming salamat po sa pag babasa.

Eto po ang mga dapat abangan sa Book 2 ng Mr Genuis X Mr Blood Sucker

"Ibubunyag na ang lihim ng nakaraan ni Rael, Tuklasin din natin lunas ng lason sa katawan ni Enchong. May mga bagong adventure at syempre bagong kalaban na nag hihintay. At higit sa lahat.. Ang buhay ni Rael sa mundo ng mga mortal"

Maraming salamat po..




















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento