disable

Martes, Hunyo 4, 2013

Mr. Genuis X Mr. Blood Sucker Book 1 (Part 1-4)


Author's note: Hinamon po ako ng isang reader na gumawa ng isang Gay themed love story na may touch ng fantasy, horror, comedy at drama. Isang malaking challenge po para sa akin ito. Sana po ay maibigan nyo. Happy reading..


Mga Kulay ng Tag-Araw
Presents:
Mr. Genuis X Mr. Blood Sucker
Book 1
May 25, 2013
By: Ai Tenshi
email@ai_tenshi@rocketmail.com



Ako po si Enchong 20 years old, nag aaral ako sa isang Science University dito sa siyudad. Ang aking kurso ay BS Chemistry. Bata palang kasi ako ay mahilig na akong mangulekta ng mga items at kung ano anong bagay na may kinalaman sa science. Dahil nga para sakin "Science Rocks!!". Marahil iyon ang dahilan kaya lumaki akong walang masyadong kaibigan maliban lamang sa alaga kong pusa at palaka.



Ngayon nag binata na ako. May taas akong 5'8 at medjo maayos naman ang build ng aking katawan. Hindi ako yung tipong hunk effect na mababasa nyo sa ibang story. Simple lang ako pero cute naman. Sabi nga ng mga classmate ko nung elementary ako kamukha ko daw si Boots yung alaga ni Dora the explorer. Syempre natuwa naman ako at kinilig sa mga sinasabi nila. Ang totoo nun hindi ko kilala si Dora the explorer kasi hindi naman ako nanonood ng cartoons nun, madalas kasi akong nakatutok sa mga Nat Geo na channel.
 
Nag mula ako sa isang mayamang pamilya, solong anak lamang ako. Ang papa ko ay isang professor sa isang university at ang mama ko naman ay isang model ng sabong panlaba. Sa commercial, yung may hawak na batcha at palo palo. Bata palang daw kasi si mama ay gusto na nitong mag artista. Pero wala silang kinalaman sa kwento na to. Bumalik tayo sa introduction ko, noong sumapit sa tamang edad ay mas lalo akong naging masigasig sa pag hahabap ng mga kakaibang bagay ukol sa siencya. At dito umikot ang buhay ko..



Part 1 "Ang Experiment X"




"Frenddd!!!!" Ang sigaw ng kaibigan kong si Oven

Si Oven nga pala ang bestfriend ko, ehh katulad nyo ay di ko rin alam kung bakit Oven ang pangalan nya. Basta ang kwento nya sakin ay pinanganak daw siya habang nasusunog ang pagkain sa Oven toaster sa loob bahay nila. Habang nanganganak daw yung mama nya ang sinasabi "Ang Oven!!! Ang Oven", at maya maya, binawian ng buhay ang mama nya dahil sa panganganak.. Ngayon, ang akala nung papa nya "Oven" ang gustong ipangalan sa kanya ng umaong ina. Kaya mag buhat nun iyon na ang naging pangalan nya.

"oh tol? Bakit? Mukhang may balita ka ahhh" ang sabi ko

"syempre naman friend, alam mo nanaman ako di papatalo, dahil ang chimis bukas! Ngayon ang broadcast!!! Hahah" ang sabi nito sabay hagalpak ng tawa.

"eh ano nga yun? Tawa ka ng tawa dyan" ang tanong ko

"frend, makinig ka, alam mo na ba ang latest?? Siguro hindi pa hano?.." ang sabi nya

Nagkamot ako ng ulo "latest saan?"

"latest update para sa ating final exam ngayong semester." ang sabi nya

"wow!! Talaga? Ano daw iyon?" ang excited kong tanong

"eto ha makinig ka.. Ganito daw ang requirements, mag reresearch tayo ng mga bagay na makakatulong sa pag papalusog ng katawan. O kaya naman ay mag papasa tayo ng mga investigatory project na eco friendly. Meaning?? friendly sa eco! Miss friendship at Miss Earth ang dating basta ganun!!!" ang paliwanag nya.

"ump" tado.. "eco friendly" yung mabuti para sa kalikasan. Hindi Miss Earth okay?? Nakakaloka ka Oven" ang sabi ko sabay batok sa kanya

"to naman binibiro lang kita frend, oh pano mag kita nalang tayo mamaya ha, mag reresearch lang ako kung ano ang maganda ipresent." ang sabi ni Oven

"tekka tol, may naisip ka na ba? O ideya kung ano ang ip-present mo?" ang tanong ko

"hmmm meron na syempre kaso mukhang nakaka challenge itong naiisip ko" ang sagot nya

"eh ano nga yon tol?" ang tanong ko

"basta nakaka challenge nga." ang ulit nito

"ehhh anong ngang nakaka challenge na yun?" ang pangungulit ko.

"basta nakaka challenge nga, at sa sobrang nakaka challenge nakalimutan ka na kung ano yun!! Hmmmmnn. Teka ha.. Alam ko na!! Gagawa akong isang potion na kapag inimom mo... BOOOOMMM!!! Darna!!!!!.. At magiging si Darna ka!! Oh diba bongga yun!!" ang sabi nito

Natulala ako sa sinabi ni Oven. Parang nawala ako sa katinuan noong mga oras na iyon. "tado ka talaga. Umalis ka na nga!! Ayan ka na naman sa sakit mo!!" ang sabi ko sabay hila sa kanya palayo. Ewan ko ba naman sa bestfriend ko lahat ng bagay ginagawang biro.

"sige friend, mag handa ka na rin ha. Mahirap na baka matalo pa kita. Haha" ang sabi nito habang lumalakad palayo.

"amff pati ako tataluhin pa nito" ang sabi ko sa aking isip.
 

Noong ding araw na iyon ay nag isip ako ng isang idea, gusto ko mag imbento ng isang bagay na makatutulong sa ating katawan upang maging immune ito sa lahat ng microorganisms sa paligid. I mean, yung kahit dapuan tayo ng mga bacterias ay hindi tayo agad mag kakasakit basta basta. Parang instant Vitamins para sa immune system. At ang ideang ito ang nag tulak sa akin para gumawa ng ibat ibang uri ng research tungkol sa mga halamang gamot at iba pang uri ng rare na chemicals. Dahil "science rocks!!"

Matapos kong ipunin ang lahat ng materials na kinakailangan pwede na tayong mag simula na tayo sa ating experiment. Tawagin nalang natin ito sa codename na "Experiment X"

So all we need is to apply the steps of the Scientific Method.

Step 1: Make Observations. Ofcourse you may think the hypothesis is the start of the scientific method, but you will have made some observation first, even if they were informal.

Step 2: Propose A Hypothesis. This term is use in "formal logic" or a "theory" on your previous observation.



Step 3: Design an Experiment to test the Hypothesis. Controlling and measuring variables. Actually meron tayong 3 types nito Controlled, Independent, and Dependent Variables.



Step 4 and 5: Test the Hypothesis and Accept or Reject the Hypothesis


Then you can draw your conclusion.


Ito ang ginawa kong batayan at method ng aking experiment. Kumuha ako ng mga materials katulad ng sulfur, lituim, acid, bromine at ibang mga organic plants na ginagamit sa mga medicinal fields.

Pinag halo halo ko ang lahat ng ito hangang maka buo ako ng isang potion at inilagay ko ito sa beaker at isinalin ko ito sa isang cylinder. Pagkatapos ay pina init ko ito sa sa Bunsen Burner gamit ang Tong. Gamit ang kaunting heat preassure ay mag pproduce ito ng isang matagumpay na medicinal syrup na maaring gamitin sa pag boost ng imune system, matindi pa to sa mga vitamins sa commercial.

 


"Hahahahahaha" ang tawa ko ng malakas. Syempre ganun naman talaga yung mga scientist kapag nag ssuccess ang experiment nila. Tumatawa ng malakas. "bwaahahahahaha". Habang nag sasaya. Hindi ko napapansin na napihit ko pala ang burner sa maximum level nito dahilan kaya lumakas ang apoy. Nag produce ito ng isang Chemical Reaction at sumabog sa harap ko.

"BOOOOMMMM"



Parang isang malakas na granda ang sumabog sa akin, nadamay dito ang aking buong personal laboratory. Nabalot ng makapal usok at hindi maipaliwanag na amoy ang buong kwarto dahilan ng pag kawala ko ng malay. At ito na ang huli kong natandaan..

Nagising nalang ako na madusing at puro bakas ng dumi sa katawan. Ubo dito at ubo doon ang aking ginawa. Nakita ko kung gaano ka dumi ang aking laboratory. Pero mas nalungkot ako noong malaman na bigo ang aking experiment. Pag minamalas ka nga naman talaga. Tsk..

Masakit man ang aking ulo ay nagawa ko pa ring linisin ang buong lugar, medjo groggy pa ako noong mga sandaling iyon. Pagkatapos tinungo ko ang banyo upang mag linis ng katawan.

Pagkalipas ng isang linggo..

Nag lalakad ako pauwi ng school ng makasalubong ko si Oven. May dala itong isang supot ng hinog na mangga.

"Tol, san mo dadalin yan?" ang tanong ko

"edi sayo..tara kumain muna tayo" ang aya nito

"sige ba. Alam mo naman na paborito ko ang mangga eh" ang sabi ko.

Doon kami kumain sa bakanteng parke. Nag balat ako ng mangga gamit ang isang maliit na kutsilyo.

"tol kumusta ang project mo?" ang tanong ko

"wala pa nga eh. Wala kasi akong maisip frend eh"

"hmmm ano ba kasi ang concept na gusto mo?"

"gusto ko, yung parang ganito." tumayo ito at sinabi "Sugar, spice and everything nice. Ito ang kinakailangan ko upang makabuo ng isang perpektong batang babae. Pero di sinasadyang natapunan ko ito ng chemical X. At nabuhay ang nga powerpuff girls!!" ang sabi nya

"hahaha, tado!! Umayos ka nga puro ka kalokohan dyan eh" ang sabi ko. Habang ng babalat ako ay biglang dumaplis ang patalim sa aking daliri at nahiwa ako..

"array!! Shitt!!" ang sabi ko. Tumulo ang dugo ko sa lupa. Pumatak ito sa isang halaman. Maya maya, Laki gulat ko ng unti unting nalanta at namatay ang halaman na pinatakan nito.

"nakita mo yun tol?" ang tanong ko kay Oven

"Alin friend?!" ang sabi nya

Namangha ako sa aking nakita "yung halaman tol, ayan oh!!"sabay turo ko sa isang lantang halaman.

"hahaha edi lantang halaman. Para yun lang?? Ano kaya yun!!" ang sabi nito

"hindi tol, pumatak yung dugo ko jan sa halaman na yan kaya nalanta yan." ang sabi ko

Maya maya, tumingin ito sa akin at naging seryoso ang mukha. At biglang "WEHH??"

"seryoso ako tol!" ang sabi ko

"ganon?! Prove it!!!" ang hamon nya

"sige eto manood kang mabuti ha" sabi ko. Inalis ko ang panyo na nakatakip sa aking daliri at muli ay pinadugo ko ito. Ipinatak ko ang aking dugo sa isang parte ng halamang katutubo pa lang.

Noong una ay walang nangyari kaya't tumaas ng kilay ni Oven. "Hmmmff, adik!" ang sabi nito

Maya maya, laking gulat nya ng siya mismo ang naka kita ng unti unting pag kalanta ng halaman.

"ano Oven, nakita mo na?" ang tanong ko

Tumungo ito at biglang hinimatay..

"oooyyy, tol, gumising ka.. Huyyy..." ang sabi ko habang sinasampal ang mukha ng aking best friend.

Ilang minuto din itong naka bulagta sa lupa bago ito matauhan. "Waaaaaa!!! ahhhh!!!! Halimaw!!! Halimaw!!!" ang sigaw nito

"PAKK!!" isang sapok ang binitiwan ko. "Heh!!tumahimik ka nga!! Halimaw ka dyan!! Amfff nakakainis ka naman eh.." ang sabi ko

"Arekup.. Sorry naman friend, nabigla lang ako. Teka, ano ba nangyari bakit nagka ganyan ka? Naging mutant ka?"

"Tado! Mutant ka dyan.. Ang totoo nun tol,.hindi ko rin alam. Basta ang natatandaan ko lang ay nag conduct ako ng isang experiment sa lab ko tapos nagkaroon ng chemical reaction.. Tapos BOoOOOMMM!!!! Sumabog... Hindi ko na alam ang nangyari" ang sabi ko

"so sa tingin mo ba may kinalaman yan pag eekspermento mo sa mutation ng beauty mo?" ang tanong nito

"hindi nga ako mutant ano kaba!!.. Hindi ko sure pero marahil may kinalaman yun sa pag babago ng dugo ko." ang sabi ko

Tumingin to sakin at nag dabog.. "ayan na nga ba sinasabi ko friend ehh. Kaka-science natin ayan na nga eh!!"

"hmmpp, wag ka na nga lumandi dyan, gumawa nalang tayo na paraan. Saka normal naman ako diba?" ang tanong ko

"O-oo naman friend normal ka sa labas pero sa loob.hmmm.. Hindi no. Pinaka mainam na gawin natin ay mag isip tayo ng paraan para maibalik ka sa dati"

"sige tol, uuwi na muna ko. Ayyy Teka tol, may nakalimutan akong sabihin" pinigil ko ito sa pag alis

"ano naman yun?"

"Tol kung pwede ay satin satin lang ito ha. Wag ka mag tatangka na ipagkalat ito kundi.." sabay tingin sa halaman

"ano kaba friend, syempre hindi no. Ayoko magaya dyan sa halaman, masyado pa kong bata para malanta hano" ang sabi nya habang nag pupunas ng pawis. Natakot yata ito.

"mainam na yung nag kakaintindihan tayong dalawa. Cge tol, bye na muna"

Tinahak ko ang daan pauwi ng bahay. Pati ako ay naguguluhan, hindi ko maiwasang isipin yung naganap kanina. Sa totoo lang wala naman akong nararamdaman na kahit ano sa katawan ko. Normal naman ang pakiramdam ko at maayos naman ang kalusugan ko.

Pag dating ko sa bahay, agad ako dumirecho sa aking mini laboratory at kumuha ako ng aking blood sample. Sinuri ko ito, hindi ko maipaliwanag pero normal ang dugo ko. Sinubukan ko rin ko rin ipatak ang dugo ko sa isang insekto at walang ano ano'y namatay ito. Doon ko na conclude na may lason ang dugo ko. Marahil ay side effect ito ng pag eekspermento ko noong nakaraang linggo. Hindi ko lang alam kung anong chemical ang nag bigay sakin nito pero isa lang alam ko. Hindi ito normal..


Kaya naman kinabukasan ay nanghingi kami ng tulong sa aming professor na si Dr. Elvis tungkol sa nararanasan kong kakaibang internal changes. Alam namin na siya lang ang eksperto sa ganitong bagay. Mahilig sya sa mga supernatural topics lalo't may kinalaman ito sa mga experiments.



"Ano doc matutulungan mo ba kami?" ang tanong ni Oven

"ngayon lamang ako naka encounter ng ganitong sitwasyon, kakaiba ang dugo mo Enchong, mayroon itong venom at ibang pang hindi maipaliwanag na minerals" ang paliwanag n Doc Elvis

"so ano doc, keri mo ba ng powers mong solusyanan yan?" ang sabad ni Oven

"pwede ba iho. Itikom mo muna ang bibig mo. Parang kang loro, Masyadong kang maingay" ang sabi nito kay Oven

Natawa si Oven "sabi ko nga doc. Sige silent na ko. Effect mo lang yang ginagawa mo"

"May naalala ako., may nilikha akong isang device na nakakapag pagaling ng kahit na anong sakit, ang kinakailangan lang ay sapat na kuryente na mag cconduct ng enerhiya. Halika at ipapakita ko sa inyo" ang sabi nito

Kaya naman sinundan namin si Doc patungong basement. Doon kasi naka tago lahat ng mga imbensyon nya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako na gagana sakin yung bagay na to, pero wala naman akong choice dahil wala akong maisip na solusyon para sa sarili ko.

Inalis nito ang isang puting kumot na naka tabing sa isang malaking bagay. "tada!! Eto ang tinatawag na Capsule 101. Ang capsule na ito ay may kakayahan na ibalik sa dati ang katawan ng isang tao. Kahit maputol pa ang kamay at paa nya ay magagawang ibalik ulit nito. At naniniwala ako na ito ang kailangan mo para maibalik ang normal na tipo ng dugo mo." ang paliwanag nya.

Sabagay wala namang mawawala kung susubukan diba? "paano naman po gamitin yan doc?" ang tanong ko

"madaling lang iho, kailangan mo lang ilagay ito sa isang open field na area kung saan mahahagip ito ng kidlat, pagkatapos ay papasok ka sa loob nito at pipindutin mo ang start botton." ang sabi ni Doc

"ehh ano naman po ang kinalaman ng kidlat sa sakit ng kaibigan ko? Magiging si Volta ba siya kapag tinamaan siya?" ang tanong ni Oven

Nag kamot si doc ng ulo, "pambihira ka naman Oven ang daming mong tanong" ang sabi ni Doc. "Ganito yan, noong sina-unang sibilisasyon, naniniwala ang mga griyego na ang isa sa pinaka mabisang paraan ng pang gagamot ay nag mumula sa elektrisidad. Nag pproduce kasi ito ng tinatawag na "kinetic energy" na siyang bumubuhay sa mga natutulog na cells at body organs. Na-oobserbahan nyo ba kapag may pasyente sa ospital na nag aagaw buhay? Kinukuryente ito gamit ang defibrillator para maibalik sa dati ang sirkulasyon ng katawan nya."

"nakuha ko ang ibig mong sabihin doc" ang sabi ko sa aking sarili. Medjo natawa lang ako dahil nakatulog na si Oven dahil sa haba ng paliwanag ni Doc Elvis.

Ay iyon nga ang naging set up. Pinahiram sa amin ni Oven ang Capsule 101. At tulad ng sabi nya, dalhin namin ito sa isang open area. Pero sa panahon ngayon ay malabong kumidlat kaya naman umuwi muna kami sa aming mga bahay at nag handa para sa aming experiment.

Kinabukasan ay nag paalam ako kila mama at papa. Sabi ko may camping kami nila Oven sa bundok. Nag dala akong knapsack, ang laman nito ay ilang damit, cellphone, ipad, tablet, at iba pang gadgets. Nag dala rin ako ng mga pagkain tulad ng de lata at mga noodles. Si Oven naman ay may dalang tent na aming tutulugan, syempre flashlight at ang hi-light ng event ang "capsule 101"

Nagtungo kami ni Oven sa bundok ng Bari bari o mas kilala sa tawag na "Lost Mountain". Aba!! eh malay kung bakit tinawag na ganun to. Eh ordinaryong bundok lang naman ito at hindi kalakihan. Kailangan ba lahat ipaliwanag ko sa kwentong ito. Grrr

So ayun narating namin ang naturang bundok. Humanap kami ng perfect spot para sa aming gagawing experiment. Tamang, ayon sa weather forecast ay uulan daw ngayon, kaya siguradong may kidlat na kasama iyon. Dali dali namin sinet-up ang device na capsule 101 at inilagay ito sa open area. Nagtayo na rin ng tent para kung sakaling gabihin ay may matutulugan kami.

Matapos ang set up. Presto!! Umulan na nga at may kasama pa itong kulog. Dali dali kaming pumuwesto ni Oven sa perfect spot. "Jusme lahat ng to gagawin ko para bumalik lang ako sa normal" ang sabi ko kay Oven

"Goodluck frend. Huhu. Naging isang mabuting kaibigan ka sakin. Hindi hindi kita makakalimutan. Huhu" ang sabi nito

"Tado. Umph" ang batok ko sa kanya.. "hindi pa ko mamatay okay. Baka gusto mong mauna na?" ang tanong ko

"haha, ikaw naman frend, di kana mabiro. Sige pumasok kana para makapag start na tayo" ang sabi nito

Nag desisyon na nga akong pumasok sa loob. Malalakas ang kidlat at kulog sa langit. Paniguradong ilang segundo pa ay tatamaan na nito ang capsule 101. Pero bago pa naman ako pumasok ay biglang kumidlat ng malakas at umikot ang capsule 101. Inaabsorb nito ang lahat ng energy sa paligid. Isang malakas na ilaw ang lumukob sa buong paligid at isang malakas na pag sabog ang naganap sa buong lugar.

BOOOMMMMM!!! Sinabayan pa ito ng malakas na ipo ipo. Hindi maipaliwanag pero ngayon lang kami naka kita ng ipo ipo na nag liliwanag..

"Ahhhhhhhh tollll kumapit ka sakin!!! Ang sigaw ko

"Ahhhhhhhhhh!!!!!" ang sigaw naming dalawa..

At iyon na ang huli kong natandaan..

Nung mag kamalay ako ay napansin kong tahimik na at payapa ang buong lugar. Magulong magulo ito. Agad kong ginising si Oven at nag punta kami sa loob ng tent. Hindi namin matandaan ang eksaktong nang yari pero isa lang sigurado namin, kailangan na namin maka uwi dahil wala na rin naman ang capsule 101, sira na ito.

Habang nasa loob kami ng tent ay may narinig kaming isang hingal. Para itong isang asong pagod na pagod. Habang tumatagal ay palapit ito ng palapit sa aming tent.

"tol, ano yun?!!" ang nya sakin

"sshhh, wag ka maingay tol, baka isang hayop iyon, mabuti pa kunin na natin ang ating mga bag at mag handa na tayo sa pag alis" ang sabi ko

Dali dali namin isinukbit ang aming mga knapsack. At nag handa sa pag alis.. Sumilip ako sa labas upang malaman kung anong uri ng hayop ang nasa labas ng tent.

Tahimik..

Madilim sa labas.. Wala akong masyadong maaninag..

Eksaktong kumidlat at nag liwanag sandali ang buong paligid..

Mukhang hindi naman hayop ang nasa labas. Tao ito...at shitttt!!! nakaka panindig balahibo ang kanyang itsura.. Isang lalaki na may mahabang buhok. Kulay pula ang mg mata nito. Mayroon itong mahahabang kuko at matutulis na pangil

 


"shit!!! Anong klaseng nilalang iyan?!" ang tanong ni Oven

"hindi ko alam, shhhhh wag ka maingay tol, baka marinig nya tayo" ang bulong ko sa kanya.

Ibayong kaba at pag kakilabot ang lumukob sa amin noong mga oras na iyon. Hindi namin alam na may ganitong nilalang na nabubuhay dito sa bundok ng bari bari..

Maingat kami ni Oven sa aming mga kilos. Baka kasi pag lumikha kami ng ingay ay matuon sa amin ang atensyon ng halimaw na ito..

Tahimik..

Tanging pag hinga lang ang maririnig mo sa amin noong mga sandaling iyon..

"kringgggggggggg!!! Kring!!!!!!!!!" 

Biglang nag alarm ang cp ko!!!! Hindi ko pala nailagay ito sa silent mode..

Nabasag ang katahimikan at nag tatakbo ang nilalang na may pangil at may matutulis na kuko sa aming tent.

"Puta!!!! Naleche na!!!" ang sigaw ko "takbo na tol!!!"

Dali dali namin nilisan ang tent at nag tatakbo sa loob ng gubat. Bahala na kung saan kami dalhin ng aming mga paa. Basta makatakas lang kami..

Malayo layo na rin ang aming natakbo. Hingal kabayo kami ni Oven. Halos malagutan kami ng hininga sa sobrang pagod. Akala namin ay nakatakas na kami sa halimaw na iyon. Pero sadyang mabilis ito. At halatang gutom na gutom na. Nakikita ko ang mga laway nya na tumutulo sa kanyang leeg.

"takbo tol!!!' ang sigaw ko.

Nagulat ako ng biglang lumundag ito at ilang sandali pa ay nahuli na nya ako.. "tol, tumakas kana!!! Takbo!!" ang sigaw ko.

Masyadong mabilis ang pang yayari. Walang ano ano'y kinakagat ako nito sa balikat. Hindi na ako naka sigaw sa sobrang pag kabigla. Ramdam na ramdam ko ang pangingisay ng aking kalamnan. Parang isang manok na ginilitan ng leeg ang aking katayuan. Ramdam ko rin ang kanyang matutulis at matatalim na pangil na unti unting bumabaon sa aking katawan..

Maya maya, ay may narinig akong sigaw "DARNA!!!!! PAKK!!!" si Oven pala yun at himampas ng matigas na kahoy ang ulo ng halimaw dahilan kayat natigil ito sa pag kagat sa akin. Ngayon sa kanya naman bumaling ang halimaw.

"ayyy!! Joke lang naman yun eh. Hindi ko sinasadya!" ang sabi ni Oven

"takbo Oven!!!" ang sigaw ko

"Frend natatakot ako!! Di ako makagalaw!!' ang sigaw nito

"Maarte ka!! Tumakas kana!!!" ang sigaw ko

"hindi talaga ko maka galaw frend. Promise! I swear! Hope to die! Close my heart!'' ang sigaw nito

"shit, nalintikan na" ang sabi ko sa sarili ko. "hoy Monster Inc!! Ako harapin mo!!" sabay bato sa ulo nito

Humarap ito muli sakin at nag tatakbo patungo sakin.."puta!! Isang kagat pa nito sakin matutuluyan na ko!!" ramdam ko ang hapdi ng sugat dulot ng pangil nya..

Malapit na ito sa akin, ng bigla itong huminto. Nag wala ito na animo nasisiraan ng bait. Walang katapusang hingal at ungol ang aming narinig noong mga oras na iyon. Parang may kung anong nangyayari sa katawan nya. Nag pagulong gulong ito at maya maya pa ay nangisay.. Kasabay nun ay ibinawian ito ng buhay.

Doon ko naalala na may lason ang dugo ko sanhi ng Experiment X. At ito nag ligtas sa aming buhay.

"ayy Clap clap!! Bongga ka frend!!" naka patay ka ng halimaw." maya maya ay napahinto ito sa pag palakpak at lumapit sa akin "teka frend ayos ka lang ba?"

"tol, may kagat ako, tuklap ang balikat ko, umaagos ang dugo sa katawan ko tapos itatanong mo kung okay lang ako? Ikaw okay ka lang ba?" ummp.. Sabi ko sabay batok sa kanya.

"sorry naman,.halika na alalayan na kita. Sana maka uwi na tayo. Promise pag naka uwi na tayo, humanda sakin yang doctor Elvis na iyan!" ang sabi nito

"shhh wag ka maingay tol, naririnig mo ba un?? Marami pa sila dito paligid. Di ko alam kung saang lugar tayo napadpad pero hindi ligtas dito!" ang sabi ko. "hayun tol, may kweba sa gawi dun. Doon muna tayo mag tago."

"mabuti pa nga. 5% lang ang chance natin mabuhay dito" ang sabi nya

Inalalayan ako nito papasok sa kweba. Hindi namin alam kung ano ang nandun sa loob pero mainam na yung mag tago kami doon.

Ilang minuto pa ay narating namin ang bukana ng kweba. Habang papasok kami ay may papalapit sa amin na mga anino.. "Mga halimaw!!!!" ang sigaw ko. May mahahang kuko at matatalim na pangil. Ang mag mukha nila ay parang aso na mabalahibo.

"Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Apat.. Lima.. Anim... Pito...Siyam...Sampu!! Hindi ko na sila mabilang tol" ang sigaw.

Agad kaming tumakbo, nag tago kami sa batuhan sa loob nito. May naisip akong paraan upang makaligtas si Oven. Dali dali kong inalis ang suot kong jacket at piniga ako ang sugat ko sa balikat. Dahil dito lalong dumaloy ang dugo nito.

"Arrggghhhh!!" ang ungol ko

"Frend ano ba ginagawa mo?" ang sabi ni Oven

"basta mag tiwala ka sakin" ang sabi ko

Inilagay ko ang aking kamay sa lugar na may sugat at may tumulong dugo dito. Napuno ng dugo ang aking mga kamay.. Walang ano ano'y pinahid ko ang aking kamay na may dugo sa braso ni Oven.

"frend!! Ano ba yan?!" ang tanong nya

"wag kana mag tanong, may lason ang dugo ko. Mapoprotekhan ka nito tol" ang sabi ko habang pinapahid sa katawan nya aking dugo.

Napaiyak si Oven sa aking ginawa. "salamat frend! Tunay kang kaibigan" at inakap ako nito.

Dali dali kong sinuot muli ang jacket ko upang matakpan ang sugat sa aking balikat. Masakit man ang aking buong katawan ay pinilit namin mag patuloy.

Agad kaming tumakbo, tila walang katapusan ang habulan na ito. Ngayon ay laban na ito para sa aming mga buhay.. Kun kanina ay isang halimaw lang ang kalaban namin. Ngayon ay hindi na namin ito mabilang. Pero kailangan namin maging matatag para makaligtas. Patuloy ang pag lakad namin sa kweba. Doon may nakita kaming liwanag.

"tol, ayun na ang exit!!" ang sabi ko. Doon ko narealize na hindi pala kweba ito, kundi isang higanteng tanel o lagusan pa punta sa labas

"bilisan na natin frend" ang sabi ni oven

Dali dali kaming tumakbo patungo sa lagusan. Nang biglang may humarang sa amin na tatlong halimaw. Galit na galit ito at halatang gutom na gutom.

"Waaahhh!! Frend ang dami nila!" ang sabi ni Oven

"wag ka maingay tol, akin na ang Flash light." ang sabi ko

"frend galingan mo ha!! Kayang kaya mo yan!!" ang sabi ni Oven habang nag tago ito sa likuran ko.

"walangya ka tol!! Ginawa mo kong shield!!" ang sabi ko

"ayos lang iyan frend, may lason naman ang dugo mo, siguradong makakaligtas ka" sabi nito

"bwiset ka!! Pag kinagat pa ko nito, wala nang matitira sa katawan ko!!" ang sabi ko

Dali dali kong kinuha ang flash light at tinipat ito sa mga mukha ng halimaw. Tulad nga ng hinala ko, bulag sila sa liwanag. Napansin ko kasi ang isang humahabol sa amin kanina. Nung kumidlat malapit sa tent ay nag takip ito ng mata.

"Ayos!!tara na tol!! Makakauwi na tayo." ang sabi ko

Agad kaming tumakbo patungo sa exit ng lagusan. Iniwan ko ang Flash light sa lugar kung saan mahaharangan ng liwanag ang aming daan upang hindi makatawid patungo sa amin ang mga nilalang na ito.

Matapos ang ilang minutong pag takbo. Sa wakas malapit na ang lagusan. "tol, makaka uwi na tayo sa wakas!!" ang sigaw ko

"salamat naman frend!! Gusto ko na makatakas sa bangungot na ito!" ang sabi ni Oven

Excited na akong maka labas sa lugar na ito. Sa ibang paraan nalang ako mag hahanap ng kasagutan para maging normal ako. Ang mahalaga ay maka uwi kami ng buo. Konti nalang nasa labas na kami..

Narating namin ang labas ng lagusan. Bigo kami sa pag aakalang naka labas na kami at makakauwi sa aming pamilya. Inikot ko ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang isang kakaibang lugar. Para itong sina unang sibilisasyon na napupuno ng malalaking bakod. Kumikidlat at kumukulog ang paligid.

"KAILLUN" ito naka sulat sa isang malaking bato.

"Diyos ko po!! Anong klaseng mundo ba ito??!!" ang tanong ko sa sarili ko.

Maya maya ay may nakita akong isang malaking paniki patungo ito sa lugar na kina tatayuan namin..

"tol dapaaa!!" ang sigaw ko

Pero huli na ang lahat. Dinagit nito ang aking kaibigang si Oven at lumipad ito palayo.. Sobrang bilis ng pang yayari...

"Ahhhhhhhhhh" ang sigaw ni Oven

"Ovvvennnnnn!!!! Tol!!!!!!!!!" ang sigaw ko.

Ngayon ay naka kulong kami sa isang mundong puno ng karimlan. Hindi ko alam kung ano pa ang nag hihintay sa akin sa dako pa roon..

Itutuloy
-----------------------------------------------------------------------------------


Mr Genuis X Mr. Blood Sucker

By AiTenshi 
Part 2 "Si Little Dracula"



Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko noong mga oras na iyon. Idagdag mo pa ang sakit ng katawan ko at kirot ng mga sugat na tinamo ko doon sa loob ng gubat. Pero ang pinaka malaking problema ay tinangay si Oven ng kung anong hayop na lumilipad na iyon. Labis akong nag aalala sa kalagayan nya. Sana ay maayos at ligtas siya kung nasaan man siya. Alam kong hindi siya basta basta magagalaw dahil may proteksyon siya sa kanyang balat at iyon ang aking dugo.

Binaba ko muna ang aking dalang knapsack at humanap ako ng lugar na mapag papahingahan.. Napapagod ang katawang lupa ko sa tindi ng aming pinag daanan kanina sa kamay ng nga halimaw na iyon. Doon ako sumilong sa dalawang magkatabing bato. Kubli naman ito at siguradong hindi ako basta basta makikita sa labas. Dito ay makakapag pahinga muna ako kahit sandali lang. Ipag papabukas ko nalang ang pag hahanap kay Oven.

Marahil, dahil sa sobrang pagod hindi ko namalayan nakatulog pala ako ng mahimbing. Naramdaman ko nalang ang liwanag na tumama sa aking mukha dala ng sikat ng araw. Ngayon ay lalo akong nahirapang igalaw ang aking balikat at braso dahil magang maga ito. Tiningnan ko ang aking sugat sa balikat, maitim na ito at nakalabas ang bahagyang laman dala ng pag sungkab ng halimaw kagabi. Kumuha ako ng alcohol sa knapsack at binuhusan ko ito.."Arggghhhh shit!!! Angg sakiitt!!!!" ang impit kong sigaw

Naisip ko tuloy, kung hindi malakas ang loob mo, ay hindi ka makaka survive sa lugar na ito. Baka gawin ka lang hapunan ng mga asong halimaw doon sa gubat..

Ilang minuto rin akong nag muni muni bago ko maisipang tahakin ang daan patungo sa maliit na bayan sa ibaba. "KAILLUN"pala ang pangalan ng lugar na ito. Kung titingnan mo ang bayan mula dito sa taas ay mukha itong unang sibilisasyon sa bansang china, o pwede rin naman roma o ehipto. Basta hindi ko maipaliwanag pero ang itsura nito..


Hindi na ako nag aksya ng panahon. Agad akong nag lakad pababa sa naturang bayan. Kataka taka lang dahil mataas na ang sikat ng araw pero hindi naman ito mainit. Malamig pa din dito parang laging gabi. Kaso nga lang ngayon ay maliwanag na.. Makalipas ang ilang oras na pag lalakad "leche malayo rin pala, akala ko malapit lang eh", ay narating ko ang bungad ng naturang lugar.

Para itong isang palengke sa kanila. Puno ng mga taong nag titinda ng pagkain, kakainin, mga gulay at isda. Parang ganun lang din sa palengke na makikita sa atin. At mga tao ang naninirahan dito.(mabuti naman). Maayos naman ang itsura nila, maliban lang sa kanilang suot na damit. Naiiba ang suot ko at dahil dito ay hindi maiwasang pag tinginan ako. Para akong isang alien noong mga oras na iyon. "nakaka tuwa daw ang suot kong damit at kakaiba daw ito".

Palakad lakad ako, pero wala naman akong patutunguhan hangang sa nakaramdam ako ng matinding gutom. Nakakagutom naman talaga ang mga tinda nila. Uso rin pala ang siopao dito..

"Ale, mag kano po ang ito?" ang tanong ko sabay turo sa siopao

"dalawang piso" ang sabi ng tindera.

"wow, nagkakaintindihan kami. Astig ha.. At ang siopao dalawang piso lang, sa atin 30 pesos to ah" ang sabi ko sa sarili ko

"pabili po ng dalawa" ang sabi ko sabay abot ng limang daang piso

"ano to??!!" Ang sabi ng ale

"pera po, 500 pesos mula sa year 2013!!!" sabay takbo palayo.

"hoy, mag nanakaw ka!! Bumalik ka dito!!!" iyon ang narinig kong sigaw ng aleng tindera ng siopao. Buti nalang mabilis akong tumakbo.. Hmmff nag bayad naman ako eh.. Ibang pera nga lang.. Hayyyyy. Nasan na kaya si Oven.

Wala na akong inaksayang oras, kailangan maka hingi agad ako ng tulong kahit kanino pa. Kaya naman dali dali akong nag tanong sa mga tao sa paligid. Ito lang kasi ang paraan para mahanap ko si Oven.

"manong, pwede pong mag tanong?"

"ano iyon iho?"

"meron po ba kayong kilalang tao na maka tutulong sa akin para mahanap ko ang kaibigan ko?"

"bakit iho, nasaan ba ang kaibigan mo?"

"mahirap pong paniwalaan pero tinangay po siya ng higanteng paniki"

"ahh, ganun ba. Naku iho hindi kita matutulungan sa ganyang bagay, mainam pa ay mag punta ka doon sa lugar na iyon. Nakita mo ba ang kastilyo na yun?" sabay turo sa kastilyong naka tayo sa di kalayuan

"opo, nakikita ko" ang sagot ko

"sila ang pamilyang may ari ng lupaing ito, sila ang namamahala sa lahat ng mga bagay dito sa bayan. Marahil ay matutulungan ka nilang hanapin ang kaibigan mo" ang sabi ni manong

"talaga po? Maraming salamat po" ang sabi ko

"wala iyon, sige humayo kana, mahirap kapag inabot ka ng dilim sa lugar na ito"

"sige po, aalis na ko, salamat po" ang sabi ko. Agad kong tinungo ang kastilyong sinasabi ni manong. Kung totoo ngang sila ang namamahala sa bayang ito, marahil ay matutulungan nila kong hanapin ang best friend ko.


Habang palapit ako sa kastilyo ay napapansin kong padilim din ng padilim sa ang paligid. Parang nawawala ang sikat ng araw. Eto nanaman po. Binalot nanaman ako ng matinding takot at kaba. Kaya naman nag tatakbo ako patugo sa pintuan ng naturang kastilyo. Bukas ang pinto nito kaya pumasok ako..


"tao po??" (taoo poo??) ang sabi ko. Aba't nag eecho ang boses ko

"tao po...???"

Wala yatang tao kayat dumirecho nalang ako sa bulwagan. Doon bumulaga sa aking ang isang higanteng pulang hagdan. At napaganda ng disenyo dito sa loob. Ang ganda ng style ng ceilings at mga chandelier na nakasabit dito.

Tahimik...

"Sino ka???" ang sigaw ng isang lalaking nasa itaas ng hagdan. Maya maya pa ay bumaba ito. Hindi ko nakitang bumaba siya. Kanina lang ay nasa itaas pa ito. Wala pang ilang segundo nandito na siya agad sa tabi ko. Paanong...

"Ano ginagawa mo dito?!!" ang tanong nya


Ngayon ay napag masdan ko na ang mukha ng lalaki. Matangkad nito, nasa 5'11 halos, mukha namang mag kasing edad lang kami. Maputi siya at parang hindi nasisikatan ng araw. Ang buhok ay naka brush up. Maganda at medjo singkit ang hugis ng kanyang mga mata. Matangos ang ilong, mapula ang labi. Perfect!!! Mukha siya artista sa telebisyon. Ang kanyang soot ay itim na tuxedo, hapit ito at makikita mo ang ganda ng kanyang katawan at may kapa pa ito. Reminds me of Dracula. Pero malayo eh, masyado siyang mangandang lalaki para maging blood sucker.



"hoyy, ano ginagawa mo dito??!!" ang sabi nya

Ang yabang ng hambog na to ahh.. "hoy ka din!! Hindi HOY ang pangalan ko ok? Ako si Enchong, at wag kana mag pakilala dahil hindi naman akong interesadong marinig ang pangalan mo!"

"ano ginagawa mo dito?" ang tanong nya

"hinahanap ko kasi yung bestfriend ko, at kaya ako nandito ay may nakapag sabi na may kinalaman daw kayo sa malaking paniki na dumagit sa kanya" ang sabi ko

"aba! Pinag bibintangan mo ba kami?!" ang tanong nito. Nawala ito sa tabi ko at napunta muli sa itaas ng hagdaan.

"hindi naman sa ganun pero..." natigilan ako ng biglang nawala ito sa itaas ng hagdan.

"Booooo!!" ang sabi nya sa likod ko at kinagulat ko yon. Paano nya nagagawang kumilos ng ganun kabilis

Pero di ako nag pasindak. "siguro may kinalaman ka sa pag kawala ng kaibigan ko no? Siguro kinidnap mo siya!!" ang paninisi ko sa kanya

"At bakit ko naman gagawin yun??!!" ang tanong nya

"eh kasi, baka ayaw mo ng may mga dayong tao dito sa nasasakupan mo kaya dinakip mo siya!!" ang bintang ko.

"nag papatawa ka ba? FYI hindi ko kayo pag aaksayahan ng oras dahil busy ako." ang sabi nito

"busy ka sa pang kikidnap ng tao!! Kasi bad ka!!! Ang sabi ko

"aba!! Baka hindi mo ko kilala!! Hindi ka ba natatakot na baka kainin kita ng buhay?!"ang sabi nito sabay labas ng kanyang matutulis na pangil

"hindi ako sumagot" naiinis ako sa kanya kayat irap lang ang isinagot ko dito

"hindi ka natatakot sakin?" ang tanong nya. Lumapit na ito sa akin at inilapit ang mga pangil nya sa mukha ko

"hindi, saka kahit kagatin mo ko hindi ako natatakot sayo. May lason ang dugo ko. Kaya pag kinagat mo ko, siguradong mamatay ka rin." ang sabi ko

Nag isip ito at tumingin akin ng seryoso "WEH??! Di nga?!" ang sabi nito

Sa totoo lang hindi naman siya nakakatakot eh, kung may maliligaw na babae dito ay mag papakagat nalang sila dito dahil napaka gwapo niya. Maski ako ay humanga sa taglay nyang pisikal na anyo.

"edi subukan mo!" ang hamon ko

"ayoko nga!! Hindi ka pa nga naliligo, ang baho mo amoy kang imbornal. Sasamahan nalang kita kay papa. Doon ka sa kanya makipag usap" ang sabi nito

Sinamahan nga nya ko sa kanyang ama. Ang pangalan daw ng kanyang ama ay si Count Guztavo. Ito ang pinaka makapangyarihan at kinatatakutan ng lahat dito sa KAILLUN.

"mabuti naman at nag karoon tayo ng bisita" ang sabi ni Count Guztavo

Nakakatakot ang boses nya, malalim, malaki at mahahalata mo talagang napaka powerful nya.

"Ang totoo po nun sir ay hindi po ako rito sa mundo nyo. Aksidente lang po ang pag kakapadpad namin ng kaibigan ko dito. Kaya po nandito ay gusto kong mag hingi ng tulong na maibalik siya. Dinagit kasi siya ng isang higanteng paniki kagabi." ang paliwanag ko

"Lapastangan ka!!" ang sabi ng lalaking anak nito "bakit ganyan ka makipag usap sa ama kong hari? !! Ang mga katulad nyo talagang mga mortal ay mababang uri!!" ang sigaw nito

Lumapit ito sa akin "makinig ka sakin mortal, unang una wala akong pakialam sa kaibigan mo, kung pag pira pirasuhin man sya ng halimaw ng dumukot sa kanya. Ika-lawa ang mga katulad nyo ay mababang uri!! Nakaka suka, nakaka diri, nakaka sulasok!!! Siguro ang ina at ama mo ay mababang uri din tulad mo!!" ang pang iinsulto nito. Kung ano kina ganda ng itsura nya, iyon naman ang kinasama ng ugali nya

" nakaramdam ako ng kakaibang pag kagalit noong mga oras na iyon. Iba kasi ang sakit kapag ang magulang mo na ang pinag uusapan"

Maya maya pa ay may sumugod na isang paniki sakin, pinag kakagat ako nito. "Sige Bembol!! Kagatin mo ang mortal na yan!!" ang utos nya






Ilang minuto rin akong ginagat ng paniking alaga nya, bago ito tuluyang nalason. Bakas na bakas sa mukha nya ang labis na pag kabigla. "Bemmboollll!!!" ang sigaw nito. "Lapastangan ka!! Pinatay mo ang alaga ko. Ngayon, pinatuyan mo lang na walang kwenta ang mga magulang mo! Mga mabababang uri!!!" ang insulto nito.

Natahimik ako. Sasabog na ang dibdib ko sa galit..

Lumapit ako sa kanya..

Isang malakas na Suntok ang pinaka walan ko. "PAKKK!!!" tumama ito sa mukha nya, "Bawiin mo ang sinabi mo!! Unang una sa lahat mahal ko ang mga magulang ko. Wala kang karapatan na insultuhin sila!!"

Isa pang suntok ang pinakawalan ko "PAKK!!" para yan sa bestfriend ko!! Mahal na mahal ko yun at hindi ko kayang mawala siya akin"

Sumagot ito. "bawiin mo ng suntok mo!! Hindi mo alam ang ginagawa mo!!!! Yung kaibigan mo ayaw mong mawala!! Samantalang si Bembol na kaisa isang kaibigan ko ay pinatay mo!! Lapastangan ka!! Hindi kita mapapatawad!!!" ang sigaw nito

Isang malakas na suntok ulit ang pinakawalan ko, "PAAAKKKKK!!!" dahilan para tumumba siya. Hindi ko alam kung bakit nag tayuan ang mga alalay ng mahal na hari, pati ang mahal na hari ay tumayo na rin.

"makinig ka sakin Little Dracula!!! Kung mahal mo ang kaibigan mo hindi kagagawa ng mga bagay na ikapapahamak nya!! Ano klaseng kaibigan ka? Ikaw mismo ang nag pahamak kay Bembol!!!"

"Itigil nyo na yan!! Tahimik!!" ang suway ni Count Guztavo

"Ikaw dayo" sabay turo sa akin. "Alam mo ba na ang pag suntok ng tatlong beses sa dugong bughaw na kagaya ng aking anak ay nangangahulugang "pag hingi ng kamay nya?" ito ay isang "marriage proposal"

Para kong hinataw ng martilyo sa ulo "Hah??" ang tanong ko. "Ano po ang ibig nyong nasabihin??"

"Ang ibig kong sabihin.. Ikaw dayo at ang aking anak ay Engage na!!! Wala kaming magagawa kahit na pareho pa kayong lalaki, iyon ay batas."

"dahil lang po sa sinuntok ko siya ng tatlong beses??" ang tanong ko

"Oo" ang sagot nito

Tumingin ako kay Little Dracula at nakita kong masama ang tingin sakin nito. Nanlilisik ang mga mata nito at wariy kakainin ako ng buhay.

Tahimik..

Tumayo ang mahal na haring Guztavo at sinabi nya ng buong lakas. "IKAW DAYO ANG BINATANG NAHIRANG UPANG MAGING KABIYAK NG AKING ANAK!!"

At lahat ng tao sa palasyo ay yumuko at lumuhod sa aking harap noong mga oras na iyon. Wari'y nag bigay galang sila sa akin..



Hindi ako makapaniwalang ang tatlong beses na pag suntok ko kay Little Dracula ay nangangahulugang isang marriage proposal..

Itutuloy..
------------------------------------------


Mr. Genuis X Mr. Blood Sucker 
Part 3 "si Rael"





Lee Young Hoon
"Rael"


"Kung naakala mong ituturing kitang fiance, nag kakamali ka!! Kinahihiya ko ang pangyayaring ito!!" ang sabi ni Little Dracula sabay walkout palabas

Ako naman ay tulala. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Alam ko na siya lang ang tanging pwede makatulong sakin para mahanap ko ang kaibigan ko. Pero sadyang magaspang talaga ang ugali nya.

"Wilson, samahan mo na siya sa kwarto nila, para makapag pahinga na siya" ang utos ni Count Guztavo

"Opo mahal na hari, ngayon din po" ang sabi ni Wilson

Tahimik..

Sinamahan ako ni Wilson sa gawing itaas ng palasyo. Mabait naman ang turing sa akin ng lahat. Maliban kay Little Dracula na medjo magaspang at mayabang ang ugali. Maya maya ay tumambad sa akin ang isang magandang pinto ng kwartong tutuluyan ko. Napakalaki nito at talaga namang daig pa ang nasa luxury hotel. Yun ng lang medjo madilim dito parang hindi nasisikatan ng araw. Dahan dahan kong binukas ang pintuan at bumulaga sa akin ang mukha ni Little Dracula.

"ano ang ginagawa mo dito sa kwarto ko?" ang tanong nya

"aba eh malay ko. Dito ko sinamahan ni Wilson, utos daw ng tatay mo na mag sama tayo sa iisang kwarto" ang sabi ko

"Arrrggghhhh" ang sabi nito sabay hampas ng kamay sa lamesa.

Nilapag ko ang aking knapsack sa sahig at pinag handaan kong kausapin siya ng mahinahon at malumanay..

"tol, tulungan mo naman ako oh, tulungan mo naman akong hanapin yung kaibigan ko" ang sabi ko

"at bakit ko naman gagawin yun?" ang tanong nya

"kasi ikaw lang yung alam kong pwedeng makatulong sakin eh, paki usap naman tol. Lahat gagawin ko para tulungan mo lang ako. Please" ang sabi ko

"hmmmff manigas ka!!" ang sabi nito

Hindi ko na napigilan ang pag daloy ng luha ko, sobrang nag aalala na ko kay Oven. Halos isang araw na kaming di nag kikita. Kaya naman lumapit ako sa kanyang harapan at nag maka awa ako. Nagawa ko ring lumuhod sa harap nya. "nakiki usap ako, tulungan mo naman akong hanapin yung kaibigan ko. Paki usap naman"

"umiiyak ka??" ang tanong nito

"naki uusap ako tol, please naman tulungan mo ko!" nasa ganung posisyon ako ng makaramdam ako ng labis na kirot sa aking balikat. Dahilan para mag dilim ang aking paningin. Maya maya ay tuluyan nang nilamon ng itim na kulay ang aking paligid at bigla nalang akong bumagsak sa sahig.

"Uyyy!! Gising!! Ooyy" ang sabi ni Little Dracula habang inuuga ako. Iyon ang huli kong natandaan.

Kinabukasan...

Umaga na noong mag kamalay ako. Hindi ko matandaan kung ano ang nangyari. Napansin kong may bundahe na ang aking balikat. At ginamot na ito.

"Master, gising na po pala kayo" ang sabi ni Wilson

"nasan po ako?" ang tanong ko

"nandito po kayo sa kwarto master" ang sagot nya. "kumusta po ang pakiramdam mo?"

"medjo maayos na po, ikaw ba ang gumamot sa akin?" ang tanong ko

"hindi po ako, si Master Rael po ang gumamot sa iyo. Naalala ko kagabi halos hindi na siya nakatulog sa pag babantay sayo. Ngayon ko lang siya nakitang labis na nag alala sa isang mortal" ang sabi nito

"ganoon po ba?" hindi ako makapaniwala na siya ang gumamot sa akin. May soft side din pala ang mokong..

Maya maya pa ay dumating na si Little Dracula. May dala itong pag kain at agad inabot sa akin. "oh, kumain ka!" ang sabi nya

Napangiti ako, kahit sa pagiging sweet ay trying hard sya. "ano to?" ang tanong ko

"bulag ka ba? Edi pag kain, wag kang mag alala karne ng baboy at isda yan, pinabili ko sa market kanina. Alam ko naman na di ka kumakain ng hilaw na karne diba?" ang sabi nito, sabay irap sakin

"wow, salamat tol ha, ang bait mo pala" ang sabi ko

"hmmmfff" yung lang ang sagot nya. At pinanood lang nya ko habang kumakain ako.

Tahimik..



"mga hellhounds, yun ang kumagat sayo." ang sabi nya

"hellhounds?"

"oo, sila yung mga mababangis na hayop doon sa forest of darkness, lahat sila ay mga hayok sa laman at karne ng tao. Maswerte ka at nakaligtas ka" ang sabi nito.



"ang dami nila at ang bibilis pa. Muntik na kaming mamatay" ang sabi ko

"oo nga, kaya nga maswerte ka, at alam mo ba halos kasing lalim ng isang ruler ang sugat mo? Mas halimaw ka pa yata sa akin eh. Naka tagal ka ng 24hrs sa ganoong kalagayan.anong klaseng nilalang ka ba?" ang tanong nito

"aba eh ewan ko!! Siguro may kinalaman ang lason sa dugo kung bakit ako nakatagal" ang sabi ko

"hindi ko alam kung paano ka nagkaroon ng ganyang abilidad pero arrgghhhhh mapanganib ka!!" ang sabi nito

"mahabang istorya tol, basta nag simula lang ito noong nag conduct ako ng isang malawakang hypothesis at gumamit ako ng mga chemicals katulad ng bromide, cyanide, sodium, at iba pa"ang sabi ko

"stop!!!, wala akong maitindihan sa mga sinasabi mo!!!" ang sabi nito habang nag tatakip ng tenga "at isa pa ha. Wag mo nga akong tinatawag na TOL o Little Dracula!! May pangalan ako!!"

"ahahaha, sorry, ano nga bang pangalan mo?" ang tanong ko

"ang pangalan ko ay Lord Raven Yamaguchi ChuChu BonBon Lucio Warren De ChenChen BoomShakalak CarlMicheal De Fraust Vrancic Jr the 16th.. RAEL for short" ang sabi nitong proud na proud sa kanyang sarili. "Ano masasabi mo sa pangalan ko? Ganda no?" ang tanong nya

Di ko namamalayan na nakutulog pala ako sa sobrang haba ng pangalan nya. "Jusme Rael lang pala ang name nya may ChuChu pa may Yamaguchi pa ang lakas talaga ng tama ng isang to"

"eeyyyy!!" gumising ka!! Nakaka badtrip ka naman eh, nag papakilala ko tapos tutulugan mo lang ako?? Hmmmm, di bale uulitin ko nalang ang pag papakilala. Ehem.. Ako si Lord Raven Yamaguchi ChuChu..."

"Stop!!! Stop!!!! Rael!! Oo ikaw si Rael. Tama na okay? Ang haba eh.." ang sabi ko

Pag katapos kong kumain ay kinuha ko mula sa knapsack ko ang aking Iphone. Baka sakaling may signal na para macontact ko si Oven. Itinaas ko ang iphone ko at nag hanap ako ng signal. At nag lakad lakad ako habang nakataas ang kamay ko.

"awwww ano yan??? Grrrrr ilayo mo sakin yan!!!" ang sabi ni Rael parang takot na takot ito

"eto ba? "Sabay turo sa aking cellphone

"oo!! Ilayo mo sakin ang bagay na iyan!!!" ang utos nito

"ano kaba tol, cellphone lang ito. Eto ang sikat na gadget sa mundo namin. Ginagamit ito upang natawagan o matxt mo ang kamag anak at kaibigan mo." ang sabi ko. "halika dito tol, tuturuan kita"

Tamihik..

Marahan naman itong lumapit sa akin at naki isyoso. Manghang magha siya habang pinipindot ko ang screen ng iphone ko. "eto mag laro ka, maraming games dito, candy crash, 4 pic one word, at eto temple run itry mo to." inabot ko sa kanya ang cp at inilagay ito sa game na temple run.

"pano to? Assteeg!!!" ang sabi nya

"ganito lang yan, kusang tatakbo ang lalaki na yan. Ang gagawin mo lang ay lumundag ka kapag sira ang daan, kunin mo rin yung mga coins dagdag score un okay?"

Mabilis naman pala siyang maka pick up ng instruction. Maya maya pa ay nag laro na ito. Manghang mangha ang mokong. Nakalimutan na nya ang tao sa paligid nya. Na adik na eh pano. Naka focus na lamang ito sa iphone at naka ngising parang isang baliw. Ang cute nya talaga.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, parang gusto ko may picture kaming dalawa together. Kaya inistorbo ko sya sa pag lalaro. "tol, may iba pang gamit ito" inilagay ko sa camera mode ang iphone at i-on ko ang flash. Medjo madilim kasi sa kwarto.

"ganito tol ha, nakita mo ba itong lente na ito? "Sabay turo sa lens ng camera

"ano akala mo sakin bulag??! Oo naman nakikita ko!!" ang sabi nito

"titingin ka lang dito ha." itinaas ko ang iphone. "tol lapit mo pa ung mukha mo sakin."

Agad naman nitong inilapit ang mukha nya. "ganito ba?" ang tanong nya

"oo yan!! Perfect. Tumingin ka dun sa lens na iyon. Ok.. Ready.. 1 2 3 click.. At nag flash ang camera..

"Grrrrrrrr" ang sabi nito. Nagulat ang mokong


Humagalpak ako ng tawa matapos makita ng picture naming dalawa. Naka ngiti ako. At siya naman ay nanlaki ang mata at nakalabas ang pangil nito. Naka kita na ba kayo ng pusang nagulat? Ganun ang itsura nya. Sa sobrang cute ay ginawa ko itong wallpaper. Isinoli ko ulit sa kanya ang iphone at nag laro nanaman ito.

Noong araw ding iyon ay nag iikot ikot muna ako sa buong palasyo. Nag hahanap ako ng shower room para doon ay makapag linis ako ng katawan. Mula nang dumating ako sa mundong ito ay hindi pa ako naliligo.

"Mr. Wilson, saan po ang shower room?" ang tanong ko

"ayan sa kabilang pinto, ang bath room na iyan ay pag aari ni Master Rael. Pero dahil fiance ka nya ay pwede mo na rin yan gamitin." ang sabi nito

"talaga? Wow, ayos! Salamat po" ang sabi ko. Agad kong tinumbok ang pinto ng bath room. Pag pasok sa loob ay namangha ako sa itsura nito. Para itong isang maliit na swimming pool, ang tubig nito ay nangagaling sa bunganga ng isang estatwang dragon.

Nakaramdam ako ng excitement kaya agad ako ng hubad wala akong tinirang saplot sa katawan.. Pero bago ako umakyat sa higanteng paliguan na ito ay kinuha ko muna sa knapsack ko ang ipod at isang maliit na speaker at pinatugtog ko ito. Hindi kasi ako sanay maligo ng walang music.

"Just give me a reason

Just a little bits enough

Just a seconds we're not broken just bent

And we can learn to love again"

Agad akong sumampa sa bathtab. "wew lamig!!! Maya maya bumukas ang pinto ng bathroom at pumasok dito si little dracula este si Rael pala. Naka tapis ito ng twalya. Kitang kita nag matipunong dibdib nito at ang ganda ng kanyang katawan. Para siyang isang model ng bench body. Minsan iniisip ko kung buhay ba talaga ang nilalang na ito o isang manikin lang na gumagalaw. Napaka perpekto nya.

"ano ginagawa mo dito?" ang tanong nito

"edi naliligo, malamang bathroom to diba?" ang sabi ko

Natahimik ito at hindi naka imik. Nasupalpal ang lolo mo.. Maya maya binaling nito ang tingin sa aking ipod at speaker.

"ano yang maingay na bagay na iyan? Patayin mo yan ngayon din!!" ang utos nito

"ipod yan. Music player sa daigdig namin" ang sabi ko sabay tayo at pinatay ko ito

Natingin ito sa hubad kong katawan. At tiningnan din nya ang katawan nya. Pag kumparahin ba. "bakit may buhok ka dyan??" ang tanong nito sabay turo sa ari ko

"natural!! Ano ka ba lahat nalang kwinestyon mo!! Grrr, wag ka na nga matanong!!" ang sabi ko at bumalik ulit ako sa tubig

Lumapit ito sa ipod. Kinuha nya ito at inalog alog nya. Para nag tataka siya dahil ang liit nito para mag produce ng ganoong kalakas na sound waves. Pinidot nya ito..

Just give me a reason..

Just a little bit's enough...

Halos lumuwa ang mga mata nya sa sobrang pagkagulat noong tumugtog ito. At galit na galit ito sa akin. Sinasadya ko daw lagi na takutin siya..

Inalis nito ang tapis nyang twalya at bumulaga sa akin ang hubad nyang katawan. Napaka kinis at napaka flawless nga nito. Wala ni kahit na isang pekas sa katawan. Wala rin itong buhok. Di ko tuloy maiwasang mag biro

"haha, tuli ka rin pala? Uso pala dito yun?" ang biro ko

Tumaas ang kilay nito. "Oo naman!! Ano akala mo sa akin? Cheap??" sabi nito

"Hayy naku, suko na talaga ko sa katarayan ng draculang ito" ang bulong ko

"ano sabi mo?mataray ako?narinig ko yun!!" ang sabi nito

"grabe ka naman, wala naman akong sinabing ganun!"

"aba't nag sisinungaling ka pa. Isang daang beses na mas malakas pang amoy at pandinig ko sayo kaya maririnig ko lahat ng sinasabi mo!!"

"alam mo, parang di ako tatagal na maging asawa mo, alam mo kung bakit? Kasi ang bibig mo parang Armalite!! Bratatatatattatattt!! Ganyan" ang sabi ko

"ewan ko sayo. Hmmfff" ang sabi nito

"teka Rael, nasaan ang iphone ko?!" ang tanong ko

"tinago ko sa kwarto" ang sagot nito

Ngumiti ako "sige sayo na yun!!"

Tumingin ito sa akin at ngumisi na parang isang aso "talaga?!"

"O-oo naman, bastat tulungan mo lang akong hanapin ang kaibigan ko" ang sabi nito

Biglang humaba ang nguso nito "sabi na nga ba, may binabalak ka eh!!'

Biglang lumungkot ang mukha ko, drama effect symepre "Please naman tol, tulungan mo na ko oh, nag aalala na ko sa kanya. At 3 araw na rin kaming di nakakauwi. Malamang nag aalala na samin ang mga magulang namin.huhuhu".

"wag ka na nga umiyak!! Cge na cge na tutulungan na kita!!Arte arte!" ang sabi nya

"talaga?" ang sigaw ko

"Oo na!!" ang sabi nito

Sa sobrang tuwa ko ay umakap ako sa kanya at hinalikan ko ito sa labi. "salamat tol, salamat talaga!!"

Parang natulala siya. "b-bakit mo ko hinalikan?" ang tanong nya

"eh ano naman ang sama, fiance mo naman ako" ang sabi ko

"oo nga, pero sa batas lang iyon! Hindi mo ko pwedeng halikan basta basta." ang sabi nito

"bakit may ibang ibig sabihin ba ang halik dito?" ang pag tataka ko

"meron, pag hinalikan mo ko parang sinabi mo na rin ang salitang "mahal kita!" ang sabi niya. "bakit mahal mo ba ko?"

Para kong nabusalan sa kanyang sinabi, hindi agad ako naka imik.. Hindi ko alam kung mahal ko siya. At hindi pa ako naka experience mag mahal ng kapwa ko lalaki..

Tahimik...

"hayaan mo na nga!" ang sabi nito sabay tayo at nag tapis ito ng twalya

"teka san ka pupunta?" ang sabi ko

"tapos na ko!!" ang maiksing sabi nito. At tinumbok nya ang pinto palabas ng bathroom. Medjo na upset yata siya sa akin..

Agad ko naman siyang sinundan. "teka tol, hintayin mo ko" ang sigaw ko. Pero di ko na to naabutan. Kaya tumuloy na ko sa aming kwarto. Doon ay naabutan ko siyang nag bibihis ng damit. Suot nya ang isang long sleeve at isang black na pantalon, napaka formal nito at mukhang ka galang galang. Idagdag mo pa ang buhok nyang naka brush up at hagod na hagod.

"may lakad ka?" ang tanong ko

"may darating na bisita si papa, dapat nandun ako sa baba." ang sabi nya

"sinong mga bisita?"

"mga taong bayan. Tumutulong kasi kami ni papa sa kanila. Nag papamigay kami ng mga tulong at ang mga sobrang yaman namin ay pinamamahagi namin sa kanila." ang sabi nito

"wow" napahanga naman ako sa mag ama na to. Talagang hindi natin pwedeng husgahan ang libro ayon sa kanilang takip. Kahanga hanga naman talaga sila. Bukod sa mapag kawang gawa ay matulungin sa mga mamamayan ng nasasakupan nila.

"pwedeng sumama?" ang tanong ko

"huwag na, dumito ka nalang. Saka kalat na sa bayan na ikaw ang mapapangasawa ako. Baka pag kaguluhan ka pa nila sa labas" ang sabu nito

"tol, gusto mo ayusin natin yang outfit mo?para maiba naman?" tanong ko. Naalala ko meron akong short, rubber shoes at tshirt sa knapsack ko. Siguradong bagay na bagay sa kanya un

"anong aayusin?" tanong nya..

"basta ako bahala tol" hinubad ko ang mga suot niyang damit at pinalitan ko ito ng short, tshrt na kulay puti na body fit at rubber shoes."

"ayan tol, ang gwapo mo! Bagay na bagay sayo. Mukha kang 18 years old, hehe"

"hmpp, talaga? Ang totoo nun 102 years old na ko!" ang sabi nya

"ha?" nabigla ako sa aking narinig. "akala ko 20 ka lang kagaya ko"

"hindi ako tumatanda, kasi immortal ako." ang sabi nya

"immortal? Ang sarap yata maging ganyan no?" ang sabi ko

"hmmm, hindi rin" ang maikling sagot nito.

Tahimik..

Pinaupo ako si Rael sa harap ng salamin. At ginulo ko ang buhok nito. Kinuha ko ang Hair Wax sa aking bag.

"ano yan?!" ang sabi nito

"ano kaba wag ka matakot. Wax lang to pang ayos ng buhok. Baguhin naman natin yang hairstyle mong parang dinilaan ng hellhound sa gubat"ang sabi ko

"hmmmfff, kung makapang lait ka naman Enchonggo!!" ang sabi nito sabay tawa.

Napangiti ako. Ngayon ko lang kasi siya nakitang tumawa.

Maya maya ay inayos ko na ang kanyang buhok. Ginawa ko itong korean style. Eto kasi ang trending hairstyle sa mundo namin. Nag tataka man sya kung ano ang ginagawa ko sa buhok nya ay nag pa ubaya nalang. Makalipas ang ilang minuto, tapos na ang pag aayos ko sa buhok nya. "pucha, nakaka demonyo ang kanyang kagwapuhan, nababakla na yata ako" ang sabi ko sa sarili ko.

Ilang sandali rin nyang sinuri ang kanyang buhok. "ito ba ang uso sa mundo nyo?" ang tanong nya.

"oo naman, halos lahat ganyan ang gustong hairstyle" ang sabi ko

"hmmmm, Maganda.." ang sabi nya sabay ngiti. Kahawig na kahawig nya ang isang korean actor si Lee Young Hoon (oh mag reresearch sya hehe)


"bababa na ko, nandyan na ang mga bisita." ang sabi nito

"sige tol, mag ingat ka." ang sabi ko. Habang pinanood ko siyang bumaba ng hagdan. Mukha siyang artista noong mga oras na iyon.

Makalipas ang ilang oras

Hapon na nung maka balik ito. Agad ko siyang sinalubong at kinamusta ang lakad nya. Ang sabi nya sakin ay marami daw nagwapuhan sa kanya sa bagong nyang ayos. At labis ko naman itong kinatuwa. Pag dating nya dit sa kwarto ay may dala itong isang supot na may lamang siopao.

"para sayo" ang sabi nya. "nalaman ko kasi na paborito mo pala yan kaya binili ko" ang dagdag nya

"wow, oo tol, paborito ko to.. Teka, pano mo nalaman na paborito ko to?" ang tanong ko

"naka usap ko kasi yung tindera ng siopao kanina. Bumili ka daw sa kanya kaso ibang pera ang binayad mo" ang sabi nito

"hahahaha" medjo nahiya naman ako. "hindo ko kasi alam na iba pala ang pera dito"

"ayos lang yon. Alam naman nila na mapapangasawa kita eh kaya pinatawad ka nila" sabi ni Rael

Nag bitiw ako ng isang malalim na buntong hininga "hayyy mabuti naman"

"mag pahinga na tayo, maaga pa natin hahanapin ang kaibigan mo bukas" ang sabi ni Rael

"oo nga pala, sige tol, dyan kana sa kama. Tapos dito nalang ako sa sofa mahihiga" ang sabi ko

"tumabi kana sakin. Malaki naman tong kama. Wag ka mag alala hindi kakainin." ang sabi nya

"hindi naman ako takot sayo eh. Saka alam kong mabait ka kaya may tiwala ako sayo. Isa pa pag kinagat mo ko, paniguradong papangit ang imahe mo. Ano nalang ang sasabihin nila pag nalaman nilang kinagat mo ang mapapangasawa mo? Edi bababa ang ratings mo nyan." ang sabi ko

"hmmm, sabagay tama ka dyan." humiga ito at inunat ang kanyang braso "halika na, mahiga kana dito"

"ha? Saan?"

"dito sa braso ko" ang sabi ni Rael

"seryoso ka?!"

"mukha ba kong nag bibiro?!" ang sagot nito

Hindi na ko naka imik..humiga nalang ako sa kama at umunan sa kanyang braso. Mukha kaming mag asawa noonv mga oras na iyon. Maya maya pa ay humarap ito sa akin at ginawaran ako ng isang halik sa labi..

"Mahal kita Ench, sana matanggap mo ko" ang sabi nito at inakap ako ng mahigpit.

Ito ang unang gabi na nagtabi kami ni Rael sa pagtulog, pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga bisig nya. Hindi ko man alam kung kailan pa siya nag simulang nagkagusto sakin, ang mahalaga ngayon ay magkasama kami. At bukas na bukas din ay hahanapin ang aking kaibigan.. Si Oven

Itutuloy...

--------------------------------------------------


Mr. Genuis X Mr Blood Sucker
Part 4: "Ang pag mamahal ni Rael"




Maaga na noong magising kami. Hinayaan ko lang ang aking katawan na naka akap kay Rael. Nagawa ko pang umunan sa kanyang dib dib. Maya maya ay inakap ako nito at inilock ang kanyang dalawang kamay sa aking katawan.

"namimiss mo na yung pamilya mo no?" ang sabi nito

"paano mo nalaman na iyon nga ang iniisip ko tol?" ang tanong ko

"kasi na babasa ko sa tibok ng puso mo, naiintindihan ko lahat ng agam-agam mo." sabi nya

"marunong ka rin mag basa ng isip at damdamin ng tao?" nagtataka kong tanong

"oo naman, kaya nga alam kong mahal mo rin ako kahit hindi mo ito sinasabi eh" ang sabi nya

Tahimik..

Umakap ako ng mahigpit sa kanya at tumingin ako dito. Tumingin din sya sa akin at sinabing "Mahal din kita"

Ngumiti ako, ibig sabihin lahat ng sinasabi ko sa aking sarili ay nababasa nya. Naku mahirap palang mag taksil dito baka mapatay ako nito.

"bumangon na tayo, pag katapos natin mag almusal, pupunta tayo kay Nico yung kaibigan kong dambana para malocate nya ang kinalalagyan ng kaibigan mo" sabi ni Rael

Sumang-ayon naman ako sa gusto nya. Dali dali kaming bumangon at kumain. Sabay na rin kaming naligo sa bathroom. At nag paalam kami sa papa nya na hahanapin ang aking kaibigan. Supportive naman ang papa nya dahil nag pahanda ito ng isang hukbong sundalo ng palasyo para samahan kami sa pag hahanap. Naka ayos na ang lahat sa harap palasyo. Kami nalang ni Rael ang hinihintay. Bago kami bumaba ay sinoutan ako ni Rael ng isang kwintas. Ito daw ang magiging proteksyon ko laban sa mga kalaban.

"ingatan mo yan ha, yan ang mga sisilbing proteksyon mo kung sakaling may umatake sa atin" ang sabi nya

"salamat tol, iingatan ko, pangako po" at inakap ko siya

"huwag kang matakot ha, nandito lang ako" ang bulong nito. "mauna na akong bumaba para maayos ko ang kabayong sasakyan natin." Bumaba ito at nag tungo sa harap ng palasyon kung saan nag hihintay ang hukbong sasama sa amin.

Malalim ang iniisip ko noong mga oras na iyon. Maraming gumugulo sa isip ko katulad ng biglaang pag dating ko dito. Matagal tagal na rin akong nawawala sa mundo namin, im sure na hinahanap na ako ng mga magulang ko. Baka nakasama na ko sa "Lost and Found" sa mga dyaryo o kaya pina media na ako. Kung pwede ko lang sabihin kila papa na maayos naman ang kalagayan ko para hindi na sila mag alala sa akin. Hayyy nakaka stress talaga. Kung hindi matibay ang isip ko malamang ay nabuwang na ko.

Sinalubong ako ni Rael sa hagdan at isinuot nito s akin ang jacket na ginagamit nya lagi. Paborito daw nya ito. At para na rin hindi ako lamigin. Nauna na ito lumabas ng palasyo at naka sunod lang ako.

Ilang minuto pa ay nakalabas na rin ako sa pinto ng palasyo. Doon ay nakita ko ang lahat na nakahanda na para sa gagawin naming pag lalakbay. Habang lumalakad ako ay nakita ko si Rael na naka ngiti ito at hinihintay nya ako sakay ang kabayong gagamitin namin.

Palapit na sana ako sa kanila ng biglang umilaw ang lupang tinatapakan ko. At unti unting nag laho ang katawan ko "aahhhhhh Raellll!!" ang sigaw ko. Katulad ito ng liwanag na nag dala sa akin dito. "tulungan mo ko!!" ang sigaw ko

"Enchonnngg!!!!" ang sigaw ni Rael habang nag kakadarapa ito pa punta sa akin.. Nag kagulo na rin ang mga sundalo sa paligid.

Ilang saglit pa ay tuluyan na akong nilamon ng liwanag.. At nag laho ang aking katawan sa lupang aking kinatatayuan..

Nung magkamalay ako, natagpuan ko ang aking sarili na naka higa sa isang bakanteng lote. Hindi ko alam kung paano ko na punta dito marahil ay may kinalaman ang liwanag kanina kaya ako nandito. Inikot ko ang aking mga mata. Pamilyar ang lugar na ito..


Tahimik..

Doon ko narealize na naka uwi na pala ako. Ang bakanteng lote na ito ay ang parke na madalas namin tamabayan ni Oven kapag kumakain kami ng mangga.

Agad akong bumangon, kahit medjo groggy pa ako ay pinilit kong lumakad. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako malulungkot. Pero ang mahalaga makikita ko na sila mama at papa. Sa wakas. Agad akong tumakbo papunta sa aming bahay. Pag dating ko sa pintuan ay nakita ko agad sila mama at papa na kumakain sa kusina. Dali dali akong tumakbo patungo sa kanila.

"ma!! Pa!!!" ang sigaw ko, agad akong umakap sa kanila. "ma, pa sorry po.. Miss na miss ko po kayo. Nakabalik na po ako" ang sabi ko

"ha? Miss mo na kami agad? Samantalang "tatlong oras" palang tayong di nag kikita. Kaka alis mo lang kaya kanina. Akala ko ay mag cacamping kayo ni Oven?" ang sabi ni papa

"nag lalambing ang baby ko. Halika nga dito, siguro wala ka nang allowance hano?" ang sabi ni mama

Tila natulala ako sa aking narinig. Halos isang linggo na ako sa mundo nila Rael samantalang tatlong oras palang akong nawawala dito? Ang ibig sabihin ay mas mabilis lumipas ang oras doon sa Kaillun kesa dito sa Earth. Hindi ko naman masasabi na nananaginip ako dahil nasakin pa rin ang kwintas na ibinigay ni Rael, tapos may bakas pa rin ng sugat na kagat ng hell hound sa aking balikat. Teka... Si Oven kaya ay naka balik na rin?

Nag paalam ako kay mama at papa, sabi ko ay aakyat lang ako sa kwarto ko, pag dating sa loob ay mabilis ko dinial ang telepono. Tumawag ako sa bahay nila Oven.

"hello po" ang sabi ko

"helo?" ang sabi sa kabilang linya

"hello po tito, si Ench po ito. Tanong ko lang po kung naka uwi na si Oven?"

"ayy iho, wala pa siya dito. Akala ko ay nasa camping kayong dalawa? Hindi pa siya bumabalik buhat kanina." ang sabi ng papa nya

"ganoon po ba tito? Siguro po may dinaanan lang siya kung saan. Cge po maraming salamat po" ang sabi ko

Agad akong nag isip. Bakit wala pa si Oven sa kanila. Samantalang naka uwi na ako? Hindi kaya.. Shit!! Baka nasa Kaillun pa siya hanggang ngayon. Kung tama nga ang hinala ko kailangan kong bumalik doon sa mundo na iyon para iligtas si Oven. Ngunit ang problema ay hindi ko alam kung paano ko babalik doon. Sana nandito si Rael para tulungan ako.

Nag isip ako ng paraan, isa isa kong hinimay ang bawat pang yayari sa aking isip. Binalikan kong pilit kung paano kami napunta ni Oven sa mundong iyon. Ang alam ko lang ay kumidlat kasabay nun ay may lumabas na isang liwanag at doon ay nag travel kami papunta sa mundong iyon.

At noong mga oras na iyon ay nabuo ang desisyon na babalik ako para iligtas si Oven. Kaya naman nag handa akong muli para bumalik sa bundok ng bari bari kung saan nag simula ang lahat.

Kumuha ako ng gamit, katulad ng mga flash light, pagkain at syempre nag dala ako ng patalim para kung sakaling mapadpad ako sa gubat ng hellhounds. Nag lagay din ako ng mga damit at ilang personal na gamit sa aking knapsack. Dali dali akong nag paalam kila mama at papa. Sabi ko ay mawawala akong ng ilang araw dahil may aasikasuhin akong project para sa final exam. Pumayag naman sila at binigyan pa ako ng pera. Umakap ako ng mahigpit sa kanila at hinalikan ko sila bago ako umalis.

Nag byahe ako patungo sa bundok ng bari bari. Hindi ko alam kung paano ako makaka balik sa mundo nila Rael pero kailangan kong bumalik sa kahit na anong paraan. Pag dating ko dito ay dali dali akong tumakbo at nag punta sa spot kung saan nag simula ang lahat. Maayos naman ang panahon, walang ulan at walang kahit ano. "Paano ako makakabalik dun? Paano?" Ang tanong ko sa sarili ko.

Makalipas ang ilang oras ay wala pa ring nangyayari, inabot na ako ng alas 9 ng gabi sa lugar na iyon. Tila nawawalan na ako ng pag asa. Nag orasyon na ko, nag dasal ng taimtim na pabalikin ako pero wala pa din.

"Rael!!! Tulungan mo naman ako!! Gusto kong bumalik!!' ang sigaw ko

Pero wala pa din.. Nawalan na ako ng pag asa. Unti unting namuo ang luha sa aking mga mata. "g-gusto ko bumalik, parang awa nyo na"

Maya maya natuon ang atensyon ko aa kwintas na ibinigay ni Rael sa akin. Hinubad ko ito sa aking leeg at itinaas ko!! "kung totoo ka!! Tulungan mo ko!!!Maawa ka sakin, kailangan kong iligtas ang kaibigan ko.. At... At... gusto kong makasama si Rael!!!!!"

Pero walang nangyari..

Tahimik...

Isang malakas na ingay ang aking narinig.. Nag dilim ang buong kalangitan at humangin ng malakas. Nakita ko ang isang liwanag na nag mumula sa malayo at unti unti itong palapit sa akin.. Alam ko na ito na yung liwanag na mag dadala sa akin sa Kaillun. Hinayaan ko lang na lumukob sa akin ang liwanag.. "hintayin mo ko Oven, Rael. Pabalik na ako".

At tuluyan na nag laho ang aking katawan..

Namalayan ko nalang ng bigla akong sumulpot sa ere sa harap ng kastilyo nila Rael. "Ahhhhhhhhh" ang sigaw. At nalaglag ako sa fountain area..

"Akeruppp, ang sakit nun ah" sabay himas sa bewang.

"Master Enchong!!" ang sigaw ni Wilson

"Mr. Wilson, kumusta po? Patulong naman oh" ang sabi ko

Agad akong tinulungan ni Mr. Wilson na umalis sa fountain area. Bakas sa mukha nito ang sobrang tuwa. "Master, salamat naman at bumalik ka."

"oo nga po, ang akala ko ay hindi na ako makakabalik eh" ang sabi ko

"ganun din ang akala namin Master, biruin mo ay halos tatlong linggo kana nawawala, ang akala namin ay iniwan mo na kami." ang sabi nya

"ganun po ba? Kumusta po si Rael?" ang tanong ko

Biglang lumungkot ang mukha ni Mr. Wilson. "haist, si Master Rael po ay laging matamlay, laging naka tulala at nanging malulungkutin buhat nung umalis ka. Hindi na rin ito lumalabas ng kastilyo at lagi itong walang ganang kumain. Ayaw nyang makipag usap kahit kanino" ang sabi nito

Nakaramdam ako ng matinding pag kaawa. Kaya naman agad ako tumakbo papunta sa kwarto ni Rael upang kumustahin ito.

Agad akong pumasok sa kwarto. At nakita ko si Rael, natutulog ito. Nakabaluktot na parang isang fetus. At mukhang mawalan ito ng ganang mag ayos ng sarili. Hindi katulad dati halos inaabot siya ng isang oras sa pag susuklay.

Hinaplos ko ang kanyang mukha at hanggang sa magising ito. Ngumiti ako para syempre pag dilat ng mata nya ako ang makikita nyang naka ngiti. Ilang oras palang kaming nag hihiwalay pero halos tatlong linggo na pala sa kanya.

Unti-unting dumilat ang mata nito. At mukha hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. "nag balika ka?" at inakap ako nito. Hindi nya napigilan ang pag iyak at pag hagulgol. "akala ko tuluyan ka nang binawi sakin, hindi ko kaya!!' ang iyak nito

Inakap ko siya at ginawaran ng halik "miss na miss kita tol" ang sabi ko

"miss na miss din kita.. Akala ko mabibyudo na ako eh" ang sabi nito.

Nag lapat muli ang aming mga labi. At doon ay hindi na namin napigil ang aming mga sarili. Nagpalitan kami ng maaalab na halik. Mapupusok tila amin lang ang mundo. Maya maya pa ay kapwa na kami naka hubad at walang saplot. Pagulong gulong kami sa kama at doon ay nag buno kami ng walang saplot. Walang katapusang palitan ng halik at mga laway ang  aming ginawa.. nalalasahan ko ang matatamis na dila nya at naamoy ang mabangong hininga. Bumaba ang aking halik patungo sa kanyang leeg pababa ng kanyang dib dib..  “ahhhhhhh” ang nasabi nya habang sinisip sip ko ang kanyang utong..

Hindi na ito nakapag pigil pinahiga nya ako at pinatungan. Siya naman daw ang mag ttrabaho. Hinalikan nya ako sa labi, tenga, pababa ng leeg, pati baba ko ay hindi na rin naka ligtas. Maya maya, bumaba ang halik nya sa aking dib dib at dinilaan nya ang aking utong.. napaka galing nyang mag romansa. Tama nga sila napaka fasionate ng mga Dracula pag dating sa pakikipag talik. “Anggg sarapppp toll sige pa.”

Tumayo ito at itinapat ang kanyang ari sa aking mukha. Tayong tayo ito. Alam ko ang gusto nyang iparating. Gusto nya susuhin ko siya. Isinubo ko ang makinis at mapula nyang ari. Nasa 7 inches ito at walang buhok. Nag lalabas masok ang kanyang ari sa aking bibig.. Habang ang kamay naman nya ay jinajakol ang pag kalalaki ko.

Nag halikan ulit kami at itinulak nya ako padapa. Alam ko ang nais nyang gawin habang pumatong siya sa akin.. “teka tol!!! Wagggg!!!” ang sigaw ko..
“shhh, ako bahala plsss? Gusto kong maging isa tayo” ang sabi nito
“malake yan tol ehhh…” sabi ko
“dahan dahan lang naman.. ako bahala” sabi nya

Kumuha ito ng langis sa drawer at nilagyan ang kanyang ari, pagkatapos ay nilagyan din nya ang aking butas. “relax lang tol ha” dumapa ito sa likod ko at tinitutok ang kanyang ari. Naramdaman ko ang ulo ng alaga nya na tumatama sa mismong butas ko. Parang hirap ito makapasok.

“tol, ayaw naman. Wag na kaya?” ang sabi ko

“relax lang kasi.. ako bahala” ang sabi nito

Ilang minuto rin syang bumubunggo sa likod ng biglang pumasok ang ulo nito sa hindi ko inaasahang pag kakatao. “AHHHHHHHHHHHHH, arrayyyyy kupppp” ang sigaw ko. Hindi muna gumalaw ito at hinayaang naka pasok ang ulo ng kanyang ari sa aking butas..

Nakaramdaman kong nawawala na ang sakit kayat umulos pa ito hanggang maibaon lahat. Ang weird ng pakiramdam. Para akong madudumi na hindi ko malaman. “ahhhhh,, ahhhhhh” ang unggol nito habang umuulos sya. Sa una ay mabagal lamang hanggang naramdaman ko na bumibilis ito at parang nag wawala sa likod ko. “Ahhhhhhhh, tol dahan dahan lang” pero wala itong naririnig..
Maya maya, tinagilid na ang katawan ko. Patagilid naman kami. Hinawakan nya ang aking hita at itinaas ito. Doon muli ay umulos ito ng todo. Doon ko naramdaman na parang may namumuong tamod sa aking bayag at loob. Parang ilang ulos pa nya ay sasabog ako. “Malapit na ko tol” ang sigaw ko. Lalo nyang binilisan ang pag ulos nya hanggang tumilamsik ang katas ko sa cover ng kama. “Hetoo naaaa  aahhhhhhhh” nilabasan ito sa loob ko..

Matapos ang mainit na tagpo ay nag yakapan kami na kapwa hubot hubad. At nag pasyang mag pahinga. Tila hindi pa rin ito makapaniwala sa aking pag babalik.

"i love you" ang sabi nya

At sinuklian ko naman ito "i love you too"

At mula sa oras na ito ay mas lumalim pa ang samahan namin ni Rael. Nahiya nga ang pacific ocean sa lalim nito. Dito s mundong ito kahit mag yakapan kami o mag halikan sa public ay tanggap ng tao dahil alam nila ng engage na kami at nakatakdang ikasal sa tamang panahon. Sino ba naman kasi ang mag aakalang ang tatlong suntok ko ay nangangahulugang pag popropose.. Nakakaloka talaga ang mundo na ito.

Bumalik ang sigla ni Rael, at napansin ng mga tao sa palasyo ang pag malaking pag babago sa kanya. Ngayon ay naging mas masayahin ito at laging naka ngiti. Parang punong puno ito ng buhay at enerhiya.

At syempre itinuloy na namin ang planong pag hanap sa kaibigan kong si Oven. Kasama ng hukbong sandatahan ng palasyo ay nag tungo kami sa isang maliit ma village sa kaharian ng Kaillun. Ang village na ito ay tinatawag na "Madren Town" dito naninirahan ang mga "dambana" o mas kilala sa literal na tawag na "engkantada at engkantado". Sila ang nag cocontrol sa mga "Flora" o mga halaman sa mundong ito. Naniniwala si Rael na sa tulong nila ay makikita namin kung nasaan si Oven. Hindi ko man maintindihan ang iba pang detalye pero ang mahalaga ay may tutulong na sa amin.



 Pinuntahan namin ang matalik na kaibigan ni Rael (hindi si Bembol no) isa itong dambana. Siya si Nico. Kung titingnan mo ay parang ordinaryong tao lamang ito. May taas na 5'7 at maganda rin ang hubog ng kanyang pangangatawan. Mas maputi nga lang si Rael (given naman na dun kasi Dracula si Rael hindi ito naarawan hehe) Gwapo rin si Nico at mabait ito. Unang kita mo palang ay approachable na siya. Di kagaya ni Rael, mayabang at medjo hambog sa una.
  
Pinaliwanag ko ang lahat kay Nico tungkol sa pag kakatransfer namin sa mundong ito, at pati pag kawala ni Oven ikwinento ko rin. Naintindihan naman ako nito.

"sige, hahanapin natin. Kailangan lang natin ay isang halaman na galing dyan sa hardin. Sa pamamagitan ng halaman ay makaka tugon tayo sa lahat ng flora sa buong lugar at doon ay mahahanap natin ang kaibigan mo." ang sabi ni Nico

Inumpisahan namin ang pag hahanap kay Oven. Umupo kami sa isang lugar na puno ng mga halaman. Hinakan ni Nico ang aking kamay at hinawakan din nya ang kamay ni Rael. Pumikit kami...


 Tahimik..

Maya maya, tila may mga imahe na nabubuo sa isip ko. Para kaming lumilipad. Kung saan saan kami nakakarating. Nandyan yung makaka kita ako ng bundok, bangin, pati ilalim ng dagat ay nakikita ko rin kahanga hanga ang abilidad ni Niko.

Pinag patuloy namin ang pag lalakbay namin sa isip. Maya maya ay may nakita kaming isang lugar. Sobrang dilim dito. Halos wala na kaming makita. Nagulat ako ng nag sasalita si Nico

"Oven! Naririnig mo ba ko?" ang sabi nito

Maya maya ay sumagot si Oven "sino ka?"

"huwag ka matakot Oven, isa akong kaibigan. Kasama ko ang kaibigan mong si Enchong dito, gusto namin malaman kung nasaan ka?"

"hindi ko alam kung nasaan ako. Basta ang alam ko madilim sa lugar na ito" ang sabi nito

"may nakikita ka bang daan para maka alis ka sa lugar na iyan?" ang tanong ni Nico

"Walang daan. Mapanganib." ang sabi nito.

"Ilarawan mo ang lugar para mapuntahan ka namin Oven" ang sabi ni Nico

"Madilim, may palasyong yari sa bato, ang daan nya ay napapaligiran ng mga apoy at kung ano ano pa, marami kaming bihag dito" ang sabi ni Oven

Maya maya, may narinig pa kaming isang boses, nakaka kilabot ito at nakakatakot.

Eto ang narinig namin, "AKALA NYO BA MAKAKALUSOT KAYO SA AKIN?? ISANG BLOODSUCKER, ISANG DAMBANA,AT ISANG MORTAL! SUMPAIN KAYO...!!!"

"MGA INUTIL!!! LAPASTANGAN!! MAG BABAYAD KAYO!!!!"

Naramdaman kong nanginginiig ang kamay ni Nico at Rael. Parang may kung anong pwersa ang nag tulak samin palayo. At sumiklab ang apoy sa lugar na kinalalagyan namin. Nasunog ang mga halaman ni Nico.

"tol nasusunog!!" ang sigaw ko. Dali dali kaming kumuha ng tubig s balon upang maagapan ang pagkasunog ng bahay ni Nico.

"Hindi ordinaryong halimaw lang ang dumukot sa kaibigan mo tol" ang sabi ni Nico

"Si Rascal ang kutob ko" sabi ni Rael

"Yun din ang hinala ko" ang sabi ni Nico. (OP ako.. Silang dalawa lang nag kakaintindahan.)

"Si Rascal ay isang demonyong nilalang na naninirahan sa ilalim ng mundong ito. Kampon nya ang mga hellhounds sa gubat at makapangyarihan ito. Mortal siyang kalaban ng aking ama." ang sabi ni Rael



"Mukhang magiging malaking hamon para sa atin na iligtas ang kaibigan mo." ang sabi ni Nico

"Hindi tayo susuko. Pupunta tayo kay Rascal bukas na bukas din at babawiin natin ang kaibigan mo." ang sabi ni Rael. Halatang desidido ito.

"sasama ko. Kinakailangan nyo ng tulong ko" ang sabi ni Nico

At iyon nga ang napang desisyunan namin. Lulusob kami sa kampo ng nilalang na bumihag kay Oven. Wala ng atrasan ito...

Patnubayan mo kami.. Panginoon!!!

Itutuloy..




























Walang komento:

Mag-post ng isang Komento