Ako si Boy Epic Failed
By AiTenshi
1 message received
"im
sorry Franco, talagang hanggang dito nalang tayo. Sinubukan naman natin
diba? Kaso wala talaga eh. Makaka move ka rin. Sana maging mag kaibigan
pa tayo after this. Goodbye"
At eto ang huling txt msg na
nareciv ko mula kay Nica. Si Nica yung gf kong taga Cebu. Long distance
kasi kaming dalawa. Pero kahit na nga ba long distance ang relationship
namin ay minahal ko naman siya ng sobra. Biruin mo tinitipid ko ang
sarili kong baon para lang ipang load sa kanya, kung minsan naman
tumatawag ako sa kanya. Eh daig ko pa nga ang nag ttrabaho sa call
center kung maka effort ako sa pag tawag sa kanya 24/7. Yun nga lang
parang nag sawa siya kasi hindi naman daw kami nag kikita kaya wala rin
akong nagawa kundi pumayag sa gusto nyang mag hiwalay kami.
Okay
lang naman sakin. Medjo naiyak lang ako. Luge ako eh.. Cyempre maiiyak
ka talaga dahil ikaw ba naman ang gumastos araw araw sa load, ang laki
ng nagastos ko, nasayang ang investment ko. Napayaman ko na nga si Aling
Bebang kakapaload no. Isang malaking "amff" talaga iyon para sakin.
Tawagin
nyo nalang ako sa pangalang Franco. 20 years old. Medjo maganda naman
ang built ng katawan ko. 5'7 ang height at tisoy ang kutis. Kasi nga
only Belo touches my skin. Who touches yours?? Haha. Joke lang!! Balik
tayo sa self introduction ko... Ayun nga tisoy ako kasi nasa lahi namin
iyon. Solo lang akong anak ng mama at papa ko. Masasabi kong may kaya
naman kami sa buhay, i mean hindi nag hihirap at hindi rin naman
nagugutom. Sakto lang..
Ayos naman ang takbo ng buhay ko. Nag
aaral naman ako sa isang exclusive na school at maganda naman ang
performance ko doon. Infact ay nasa top 10 ako sa ranking ng most
outstanding student sa campus. Perfect na sana eh, kaso nga lang kung
ano yung kinatalino ko sa mga subjects sa school ay iyon naman ang kina
bobo at kinamalas ko pag dating sa love life.
Sa daming ng naging
ex gf ko..wla ni isa ang tumatagal halos lahat ay "Epic Failed" yung
term na ito ay ginagamit lang kapag na reach mo ang maximum level ng
pagiging bigo. Siguro na reached ko na ang level na yun. Alam mo yun
siguro ay record breaker na ako kung bibilangin.. Hahaha. Siguro kung
literal na napupunit ang puso malamang ay confetti na itong akin sa dami
ng heart break.. hehehehe.. Marahil ay ito ang dahilan kung bakit ako
binansagang Boy Epic Failed.. At ito po ang kwento ng masalimuot pero
nakakatuwang buhay pag ibig ko..
Part 1.
Ilang araw
na rin ang nakakalipas mag buhat noong mag hiwalay kami ni Nica. Araw
gabi ay naka titig ako sa cellphone ko nag babaka sakaling mag txt sya
sakin. Pero bigo ako.. Hindi na nya ako naalala. Isang malungkot na araw
ito para sa akin. Kaya naman naisipan kong mag lakad lakad muna sa
labas. Kasabay ng mabigat na pakiramdaman ko ay siya naman pag buhos ng
malakas na ulan. Damang dama ko ang lamig ng paligid. Hindi ko alintana
ang ginaw na dumdaloy sa akin katawan noong mga oras na iyon..
"Franco!!!! Franco!!!" ang tawag ng bestfriend kong si Cedrick.
"tol, bakit? Storbo ka naman eh. Nag eemote ako dto bigla kang susulpot jan. Walang basagan ng trip pre." ang sabi ko.
"kalimutan
mo na nga yang ex gf mong taga planet Pluto tol, tra na mag laro nalang
tayo ng basketball, one on one tol??" ang sabi nya sa akin
"wooo.nakita mong umuulan eh" ang sabi ko
"oo
nga umuulan..masarap kayang mag laro habang umuulan. Iyon naman kung
takot ka lang na matalo ulit kaya ayaw mo ha" ang sabi nya sa akin.
Hindi
ako naka imik. Kasi naman mas matangkad sa akin si Ced. Sa taas nyang
5'11 at magandang pangangatawan ay daig pa nya ang isang modelo sa
tindig. Sya ang Campus heartrob sa aming paaralan at talaga naman
tinitilian siya ng mga babae o bakla.
"hmmm, next time nalang tol, wala talaga akong gana mag laro ngayon." ang sabi ko
"ahh
ganun ba? Sayang naman.. Hmmm may naisip ako. Tara nalang mamaya doon
sa computer shop mag laro tayo ng online games o kaya makipag chat tayo
para malibang ka? Saka para na rin maayos yang takbo ng utak mo. Para
kang isang bangkay sa lalim ng mga mata mo.. Hindi ka ba natutulog ha?"
ang sbi nya
"Tado!! Cyempre natutulog ako, yun nga lang medjo
mahirap lang makapag relax ngayon past few days, alam mo naman na hindi
pa ko nakaka move on kay Nica my darling.. Hmmmm online game ba
kamo???magandang idea yan tol. Sige mag kita tyo mamayang hapon. Uuwi
muna ako para mag bihis." ang sabi ko.
"cge tol, kita tayo mamaya
ha. Doon nalang tayo sa computer shop sa tabi ng karenderya. Sira kasi
ang application ng desktop ko" ang sabi nya..
"cge magkita nalang tayo mamaya." sabi ko habang pinapalipit ang basa kong damit..
So
ganun nga yung set up na napagkasunduan namin ni Ced. Kaya nag pasya na
rin akong umuwi ng bahay upang mag palit ng damit. Minsan naiisip ko
sana nag kapalit nalang kami ni Ced ng katawan. Hindi ko naman
sinasabing naiinsecure ako sa kanya ha. Sayang lang kasi dahil ang torpe
nya. Ang gwapo nya pero nakaka isang gf palang siya. Siguro kung sa
akin na punta ang katawan nya malamang hindi na ko mr.epic failed.
Hayyyssstt ano ba tong naiisip ko. Pag depress talaga kung ano ano ang
pumapasok sa isip ko.
Ilang sandali pa ay narating ko na ang
pintuan ng aming bahay nang marinig kong ng riring ang aking cellphone..
Kaya naman dali dali akong pumasok sa loob upang sagutin ito.. Kaba ang
bumalot sa aking katawan.. "baka si Nica ito" ang sabi ko sa sarili.
"shhhiitttt!!! Hindi nga ako nag kamali.. Si Nica nga..
"hello" ang excited kong sagot. Halos marinig ko na ang kabog ng aking dib dib. Kabog kabog kabog...
"hello Franco, kumusta kana?" ang tanong nya.
Tila
may kung anong kuryenteng dumaloy sa aking katawan nung marinig ko ang
kanyang mala anghel na tinig.. "e-eto hindi ok, namimiss na kasi kita"
ang sabi ko
"ganun ba? I missed you too" ang sabi nya..
Parang
lulundag ang puso ko sa kaligayahan noong mga sandaling iyon. Ibayong
pag katuwa ang aking naramdaman.. " so ibig sabihin ba nito ay.."
Tahimik..
Tila
tumahimik sa kabilang linya. "Franco, buntis ako.. Naalala mo ba si
Dodong? Siya ang ama, at sa isang Linggo ay ikakasal na kami."
Wari'y
sinukluban ako ng langit at lupa.Parang may kung anong sumabog sa aking
pandinig..Parang binagsakan ako ng isang malaking granada sa tenga.
Hindi agad ako naka imik sa sinabi nyang iyon. Kung gaano kataas ang
metro ng kaligayahan ko ay siya namang biglang pag bagsak nito.
"teka teka ha... Ano? Buntis ka? Kay Dodong? Yung anak kapit bahay nyo?" ang bigla kong tanong
"Oo siya nga Franco. Nalasing kasi kami. Aksidente ang nangyari." ang paliwanag nya
"Aksidente?
Ano yan nabangga ka ng etits kaya ka nabuntis ganun ba???" ang naiinis
ko sabi. "saka bakit ka pa tumawag?.para lang sabihin mo to at para
saktan ako ganun ba?"
"im sorry Franco, hindi ko sinasadya. Gusto
ko lng malaman mo ang lahat lahat. Siguro ito na ang huling beses na
makaka usap mo ako."
Hindi ko na napigil ang pag patak ng luha sa
aking mga mata. Ang sakit sakit na talaga. "sige Nica masaya akong
nakilala kita. Mag iingat ka lagi" ang sabi ko sabay pindot ng End Call
button. Ayoko na makarinig ng kahit na anong salita o paliwanag mula sa
kanya.
Labis akong nag hinagpis sa aking nalaman. Iyon siguro ang
dahilan kung bakit nakipag hiwalay siya sa akin. Alam nyo ung feeling na
napupuno ng galit ung dib dib mo. Kailangan ko itong ilabas.. Kaya
naman minabuti kong tumakbo sa bakanteng lote at doon ay mag labas ako
ng sama ng loob. Tanging hangin at puno lamang ang saksi sa aking pag
dadalamhati..
"Panginoon!! Bakit??? Bakit lagi nalang akong
nasasaktan????? Bakkit?? Wla naman akong ginagawang masama ahhh..
Goodboy naman ako.. Bakit lagi nalang akong bigo???hindi ko na kaya!!!!!
Hindi ko na kaya!!!!! Ang sakit sakit na!!! Huhuhu... Mabuti pa tamaan
nalang ako ng kulog at kidlat ngayon para matapos na ang pag hihirap
ko!!!"
Tahimik...
Laking gulat ko ng biglang kumulog ng
malakas halos parang may daang bombang sumabog sa kalangitan. Kasabay
nitong bumagsak ang isang matalim ng kidlat na tumama sa isang poste sa
di kalayuan.. Takot ang aking naramdaman.. Kaya naman kinausap kong muli
si Lord
"Lord, Joke lang naman. Ikaw naman hindi kana mabiro.
Akala ko lang naman magadang scene yun sa storyang ito eh.. Promise Good
boy na ko. Mag momove na ko."
Kaya naman dali dali kong nilisan
ang lugar na iyon sa takot na rin na baka tamaan nga ako ng kulog at
kidlat. Sa kabila ng lahat ay tuliro pa rin ako. Napansin ko ang oras
halos ganap ng 7:00pm. Nakalimutan ko na rin ang usapan namin ni Ced na
mag lalaro ng online games sa computer shop malapit sa karenderyang
kinakainan namin.
Maaga akong humiga sa aking higaan. Para makapag
pahinga na rin ako. Ilang oras pang lumipas ngunit hindi pa rin ako
dinadalaw ng antok. Ilang biling at baligtad din ang aking ginawa ngunit
wla talaga. Hindi ko alam kung ano ang sumagi sa aking isip at naisipan
kong lumabas at mag tungo sa isang bar para uminom. Sumakay ako ng taxi
(hindi ako marunong mag drive eh) at nag pahatid ako sa pinaka malapit
ma bar. Pag dating ko dito ay agad akong umorder ng maiinom at pulutan
sa waiter. Tungga dito at lunok doon aking ginawa. Walang patid na pag
inom ng alak ang aking ginawa. Hanggang namalayan ko nalang na medjo
tinatamaan na ako ng espiritu ng kalasingan..
Namumungay ang aking
mata at halos di ko na maaninag ang mga taong dumaraan. Hanggang
maramdaman ko nalang na may isang babaeng mahaba ang buhok na tumabi sa
akin at hinimas himas ang aking likod. Marahil ay napansin nyang sobra
na ang nainom ko at dulot ito ng kalasingan.
Unti unti pa ay
nagdilim ang aking paningin. Nalamayan ko nalang na sinakay ako ng
sasakyan at dinala kung saan. Marahil ay nag maganda loob ang babaeng
nakatabi ko kanina. Siguro na awa siya sa kalagayan ko. Huminto ang
sasakyan kung saan at inalalayan ako ng isang tao patungo sa isang
silid. Malamig dito at naramadaman kong hiniga na ako doon. Matapos ang
lahat ay wala na akong ibang matandaan pa..
Kinabukasan....
Kahit
masakit ang aking ulo dahil sa hang over ay nagawa ko nang idilat ang
aking mga mata.. Nasa isang silid ako hindi ko alam kung isa ba itong
hotel o motel. Kinapa ko ang aking katawan at nagulat ako dahil wala na
akong saplot. Tanging brief lamang ang natira sa akin..
Inikot ko
ang aking mga mata at laking gulat ko ng may katabi ako babae.
Nakatagilid at nakatalikod ito sakin. Tanging ang itim at unat na buhok
lamang nya ang aking nasisilayan..Ang haba at ang ganda ng kanyang
buhok. Ang bango nito at para siyang isang modelo ng shampoo. Napansin
kong naka hubad ito at naka kumot lamang sa gawing dib dib..
"shiitttttt,
may nangyari ba???, baka nagalaw ko siya kagabi." ito ang tanong na
namuo sa aking pag iisip. Hindi agad ako naka galaw sa sobrang kaba.
Pero anyway kung may nangyari nga JACKPOT ako mga tol!! Ang kinis. Ang
sexy. Ang puti ng balat nya.. Pag humiling to ng round 2 o 3 hanggang
kaya ko ay ibibigay ko. Sukdulang mangayayat ako.haha
Parang may
kung anong kiliti na dumaloy sa aking katawan sanhi upang tumigas muli
ang aking pag kalalaki. Kaya naman nag lalaway akong tinitigan ang
kanyang likod. Isa.. Dalawa.. Tatlo...namuo ang maka mundong pag nanasa
sa aking pagkatao.. Bahala na!!! Susunggaban ko na ito..
Dahan
dahan akong bumangon upang itabi ang aking katawan sa kanya.. Aktong
aakapin ko na siya ng bigla itong magising at humarap sa akin.
"Ohh
papa gising ka na pala??" ang sabi nya.. Nanlaki ang aking mga mata.
Namutla ako. Ang tinig nya ay mas malaki pa sa boses ko. Ang lalim ng
boses nya.. Nagulantang ako at lumayo sa kanya..
"Waaahhhhhhhhhh!!!
B-bakkla!!!!! Bakla ka palang hinayupak ka!!!" ang sigaw na
dumadagundong at halos rinig na yata ito sa buong motel
"wehhhh
ang OA mo naman papa. Kung maka bakla ka naman parang ngayon ka lang
naka kita ng bakla ahhh. Parang kagabi lang ehhhhh todo bigay ka pa sa
pag halik at pag dila sa maganda at sexy kong katawan eh" ang sabi nya
habang hinahawi hawi ang kanyang buhok. "at dapat nga mag pasalamat ka
pa sakin dahil hindi kita pinabayaan doon sa bar no." ang dag dag pa nya
"tadong
to!! Sana pinabayaan mo nalang ako, kesa naman pinapak mo ang katawan
ko. Ni rape mo kong hinayupak..!!" ang sabi ko sa kanya.
"ang
kapal ng facesung mong bagets ka ha. FYI ikaw ang unang chumorva sakin.
Chinoplat choplat mo ang beauty ko kagabi dahil akala mo dyosa ako. Sabi
mo panga "Sarah Geronimo ang beauty ko no". Tingnan mo nga itong leeg
ko. May chikinini na." sabay turo sa leeg nya.
"pwe pwe!! Rapist ka!!! Rape!! Rape!!! Ni rape mo ko! Pinag samantalahan mo ang aking murang katawan!!" ang sigaw ko
"FYI
ikaw ang nag samantala sa akin. Ikaw at yan Aaaayyyy hahaha. Wag na nga
sabihin." ang sabi nito na habang nakatingin sa bukol ko. Pansin na
pansin ito dahil naka brief lang ako.
"shiittt!!" Dali dali akong
bumalikwas sa kama at tinungo ko ang aking damit sa sahig. Agad ko itong
sinuot at nag paalam sa kanya. "aalis na ko, salamat nalang sa pag
asikaso mo sa akin kagabi"
"ayyy ganun ba? Ayaw mo ng round 2?
hahaha, salamat din papa. Nag enjoy ako. Sa uulitin ha.." may halong pag
kakilig ang sabi nya.
Kaya naman minabuti ko nang umalis bago pa
mag dilim ang aking mata at baka ma suntok ko lang siya. Oo nga at wala
naman nawala sa akin. Isang ligo lang ito. Basta't ang mahalaga ngayon
ay makatakas ako sa piling ng baklang aswang na ito. "Arrrrgggghhhh ang
tanga ko talaga!!' hayyyssttt kaya lang ano nalang ang sasabihin ni
Cedrick pag nalaman nya ito...
2 days later..
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
ang malakas na tawa ni Cedrick. Rinig ito sa buong classroom.. "Langya
ka tol. Di mo naisip na Bakla yun?? Hahaha. Epic Failed ka
talaga!!!haha. Naisahan ka ng bakla. Haha.. Ano tol masarap ba??"
"tado!!
Sinabi ko na sayo na wala akong matandaan db? Saka malay ko bang bakla
un. Pag nakatalikod eh Sarah Geronimo ang itsura. Eh nung humarap
petrang kabayo pala." ang sabi ko
"hahahaha.. Ang malas mo talaga
pag dating sa ganyan tol. Pero ayos lang iyon lalaki ka naman. Walang
mawawala sayo. Mag ingat ka nalang next time. Saka tol, mag pahinga ka
muna sa panliligaw ng babae. I mean, mag rest ka muna. Para kang CR eh
hindi nababakante eh. Hinga hinga din pag may time ha." ang sabi ni Ced
"Hmmff para namang sinabi mo na ang landi -landi ko. Para ang kati- kati ko ahhhh." ang naiinis kong sambit
"hahaha joke lang naman tol. Ito naman napaka sensentive." ang sabi nya
Habang
nag uusap kami ay biglang nag tilian ang mga classmate kong babae. Para
silang naipitan ng tuka. Kung maka sigaw ay daig pa ang mga die hard
fan ng mga artista. Kaya naman agad kaming tumayo upang tingnan kung
bakit naging weird ang mga classmate kong kababaihan..
"Ahhhhh
kaya naman pala dumating na si Lester. Sya yung bagong Campus Crush.
Balita ko isa daw yang transferee mula sa Manila. May sabi sabi na
mayroon daw itong hindi magandang record doon kaya daw na kick out ito.
Classmate ko kasi sya sa ibang subjects." ang sabi ni Ced
"ahhhh.. Edi meron ka na palang karibal dito sa campus?" ang biro ko
"hahaha. Tado.. Wala naman sa isip ko iyon." ang sabi nya.
Kung
tutuusin halos di nag kakalayo ng looks si Ced at Lester. Pareho silang
matatangkad at magagandang lalaki. Parang mga artista kung susumahin.
Di katulad ko napaka common ng itsura ko. Kung hindi pa ko masipag mag
aral malamang lalo akong hindi mag eexist dito sa campus. Minsan ay
nakakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na parang na iinsecure ako kay
Ced pero pilit ko itong winawaglit sa aking pag iisip dahil hindi ito
makakabuti sa akin.
"tol, eyyy okay ka lang ba? Ang lalim ng iniisip mo ah." ang sabi ni Ced
"ahhh ano? May sinasabi ka ba tol?" ang tanong ko..
"tamo
di ka nakikinig eh. Sabi ko mamaya doon ka muna umuwi sa bahay. Kasi
wala akong kasama. Wala si mommy at daddy eh ok lang ba?" ang sabi nya.
"ahhh oo naman tol. Basta dapat may miryenda ha haha" ang pabiro kong tugon
"hmnm oo naman. Mag luluto ako mamaya ng miryenda. Ayos ba iyon?"
"col. Apir!! High five!!" ang sabi ko.
Kinatuwa
naman ni Ced ang pag sang ayon ko. Sa kanyang paanyaya. Kaya naman
napag pasyahan kong doo n umuwi pag katapos ng klase. Kilala naman siya
ng mga magulang ko dahil madalas ay dumadalaw din sya sa bahay. At
syempre ganun din naman ako dahil kilala din naman ako ng parents nya.
Kinahapunan
ding iyon ay umuwi kami Ced sa bahay nila. Maayos naman dito sa kanila.
Mahahalata mong may kaya rin sila sa buhay. May 2nd floor, maliit na
swimming pool sa harap at may entertainment room kung saan pwede kang
kumanta o manood ng movie sa big screen. Solong anak din siya katulad
ko. Ang mommy nya ay isang nurse at ang daddy naman nya ay isang
abogado. Noong nag sabog yta ng swerte ang Dyos ay sinalo lahat ni Ced.
Pag
akyat namin ng kwarto nya ay pinahiram nya ako ng short at tshirt na
gagamitin ko habang naka stay ako doon. Sabay kami nag bihis, wala
namang malisya dahil sanay naman kami na nag kaka kitaan ng katawan saka
pareho naman kaming barako.
Matapos ang hapunan ay nag inuman
naman kami. Kumuha siya ng corned beef at ilang canned goods sa kusina
bilang pulutan. Nag kwentuhan kami ng kung ano anong topic, tungkol sa
mga naging gf namin, sa paborito naming team sa mga sports. Hanggang
lumalim na ang gabi at kasabay nito ang tila pag kahilo namin dahil na
rin sa naparami na ang aming nainom. Kaya naman nag pasya na kaming
umakyat sa silid ni Ced upang doon nalang ituloy ang aming inuman. Wala
naman kasing pasok kinabukasan kaya ayos lang na mag inom kami.
Tinungo
ni Ced ang kanyang music player at pinatugtog nito ang isang kanta "The
one you Love" yata ang title ng kantang ito at doon siya nag sayaw na
animo isang macho dancer sa bar. Stripped dance ang ginagawa nya habang
hinuhubad nya ang kanyang pang itaas na damit. Halos humagalpak ako sa
katatawa dahil na rin sa kalokohan nyang ginagawa. Ilang minuto rin
tumagal ang kabulastugan nya bago ito nakaramdaman ng pagod.. tumabi ito
sa akin na halos hinahabol ang kanyang pag hinga. "shitt tol, napagod
ako hahaha" ang sabi nito.
"sira ka kasi akala mo naman maakit mo ako ng ganun ganun lang? nag kakamali ka hahaha" ang sagot ko
"tado,
hindi naman kita inaakit, pinakita ko lang sayo yung talent ko' ano
ayos ba?" ang tanong nito habang nag bitiw ng nakaka lokong ngiti
"hmmm, pwede na, pwede kana palang mag side line doon sa bar malapit sa campus hahahaha" ang pabiro kong sagot.
Ngunit
hindi na ito umimik, pakiramdam ko tuloy ay hindi maganda ang punch
line kong binitawan.. kaya naman pinag patuloy nalang namin an gaming
inuman. May tig-2 bote pa kami kaya naman minadali na naming itong
ubusin. Ramdam ko na rin ang pag bigat ng talukap ng aking mga mata at
pakiramdam ko ay mabubuwal na ako. Wala pa ring tigil ang aming
kwentuhan, hanggang lumalim ito at napunta na sa usapang sex.
"Tol, ilang beses ka naba nakipag sex?" ang tanong niya
"ha? Bakit mo naman naitanong?" ang sagot ko
tumingin ito sa akin at natawa "hehe, wala lang gusto ko lang malaman, saka ayos lang naman db?"
"oo
naman, cge aaminin ko na. Virgin pa ko tol. Wala pa kong nakakasex na
babae ok? Nakakahiya man pero wala talaga. Yung bakla noong nakaraang
gabi ay hindi counted doon." Ang sabi ko
"hahahaha, ang hina mo
naman tol eh, ako isang beses palang doon sa nagging ex ko dati pa. pero
dala lang iyon ng curiousity kaya naming ginawa." Ang sagot nya.
Tahimik....
Hindi
ko alam kung ano ang susunod na sasabihin ko. Kaya nag papakiramdaman
nalang kami.. yung nariring ko yung tik tak ng orasan sa kwarto.
"tol," ang pag basag nya sa katahimikan
"hmmm bakit?" ang tanong ko
"tol, pakitaan tayo ng ari" ang sabi nya
Hindi
ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi nya pero parang nakaramdam ako
ng hindi maipaliwanag na pakiramdam, parang may kung anong nag iinit sa
aking tyan noong mga oras na iyon. Ngunit bago pa naman ako sumagot ay
laking gulat ko na naka hubo na pala ito at nilalaro ang kanya pag
kalalaki. Nasa 7 inches ito at napapaligiran ng buhok sa katawan.
"tol,sabayan mo na ko please" ang sabi nya
Nag
dadalawang isip ako, pero mas nangibabaw sa aking yung kakaibang
pakiramdaman na nararamdaman ko noong mga oras na iyon. Kaya naman nag
hubad na rin ako ng aking short at brief. Doon ay bumulaga sa kanya ang
aking pag kalalaki. Hindi naman ito kalakihan pero masasabi kong sapat
lang para sa isang Asian. 6 inches. Tumabi ako sa kanya at doon ay
sinimulan naming ang pag taas baba ng aming pag kalalaki.
Laking
gulat ko noong nilapit nya ang kanya labi sa aking mukha at hinalikan
nito ang aking mga labi. Nanlaki ang aking mata ng mamalayan kong mag
kasugpong na ang aming mga nguso. Wala akong experience makipag halikan
sa kapwa ko lalaki pero nakaramdam ako ng kakaibang sarap. Kaya naman
lumaban ako ng halik sa kanya. Hanggang mag laro ang dila naming sa
bibig ng bawat isa.. Tanging ungol lang naming ang musikang nangibabaw
sa silid na iyon. Walang patid na halikan habang nag taas baba ang aming
kamay sa aming mga alaga. Ilang minuto pa noong marating namin ang
sukdulan... pareho kami lupaypay at pagod na pagod. Tila nawala ang
espiritu ng alak sa aking katawan..
Makalipas ang aming mainit na
mga tagpo ay unti-unti ng namuo sa isip ko ang isang malaking
katanungan... bakit ko nagawang makipag halikan sa isang lalaki? Bakit
hinalikan ako ni Ced? Silahis ba siya? Bakit nakaramdam ako ng kakaibang
pakiramdam noong mag oras na iyon? Isang malaking katungan at pag
dududa sa aking sarili ang namuo sa aking pag katao noong mga oras na
iyon. Wala akong kamalay malay na ang eksenang ito ang babago sa takbo
ng aking normal na pamumuhay.
Itutuloy..
Ako si Boy Epic Failed
By: AiTenshi
Part 2
Matapos
ang tagpong iyon sa pagitan namin ng bestfrend kong si Ced ay unti
unting namuo ang mg katanungan sa aking isipan. Halos hindi na ako
dinalaw ng antok dahil nakakaramdam ako ng pagka guilty. "Bakla ba si
Cedrick o baka ako ay.... Arrrggghhhhh"... "shitt ka Franco bakit ang
tanga tanga mo!!" ang sigaw ko sa aking sarili..
Hindi ko na
namalayan ang pag lipas ng oras. Sumapit na ang umaga pero ganoon pa rin
ang pakiramdam ko. Kaya naman napansin ni Ced ang pagiging tulala ko.
"tol? Ayos ka lang ba?"
"oo tol, may iniisip lang ako"
"ano ba yun?"
"ahh ehh w-wala to. Never mind"
"iniisip mo ba yung kagabi?" ang tanong nya..
Tila
binuhusan ang ng malamig sa tubig noong marinig ko yun kayat hindi agad
ako nakapag bitiw ng salita. "ha??? Ah ehhh.. Oo tol.. Iyon nga"
"alin dun? Yung halikan ba natin?"
"oo" ang maigsi kong tugon. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso kaya naman sa sahig nalang ako tumingin.
"ayos lang yun tol" ang cool nyang sagot.
"so wala lang sayo yun?" ang tanong ko
"wala namang masama diba?halik lang naman iyon" sabi nya
"Arrgghh may masama.. Masama yun dahil pareho tayong lalaki. Hindi yun maiintindihan ng publiko" ang sabi ko
"so mali un para sayo?" ang tanong nya
"oo" ang sagot ko
"eh
bakit ka pumayag kung mali yun? Saka paano ka pa maiintindihan ng
publiko kung ang sarili mo ay hindi mo maintindihan?" look tol,
matatanda na tayo. Dapat ay mature na tayo pag dating sa ganito bagay."
ang paliwanag nya.
"mature ako tol, may mga bagay lang talaga na
hindi ko maintindihan dahil ayaw mo kong diretsuhin. Paano ko
maiintindihan yun eh hindi normal ang makipag halikan sa kapwa mo
lalaki" ang sabi ko
"gusto mong direchuhin kita ha? Cge!!! gusto
kita!! Happy???" ang sabi nya na medjo naiirita na "Gusto kita noon pa.
Kaya nga di ako nag ggf db? Kasi hinahanga kita sa kabila ng pagiging...
Pagiging epic failed mo sa lahat ng bagay. At iyon ang gustong gusto ko
sayo"
Tila nabusalan ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung
ano ang isasagot ko sa kanya.. Nakaka bigla yung mga binitawan nyang
pasabog. Pakiramdam ko ay lulubog ako sa kinatatayuan ko.. Kaya naisipan
kong idaan sa biro ang lahat..
"Hahahaha adik ka!!gusto mo ko
tol? Bakla ka ba?, alam mo namang hindi pwede yun dahil pareho tayong
lalaki db? Hindi tayo talo." hahahaha.. Kunga ano ano ang sinasabi mo
tol.. ang sabi ko
"seryoso ako franco!! Gusto kita!!" ang sabi nya
Ngunit
hindi ko pa rin siya pinatulan. "hahahaha.. Adik ng taon!!!.. Ang gwapo
mo tol tol tapos bumigay ka lang? Ano nalang ang sasabihin ng mga taga
hanga mo sa campus? Baka mawala sila sayo. At ang nakakatakot pa dun
baka magalit sila sakin sasabihin nila na gimayuma kita. Gusto mo bang
mawala lahat syo dahil lang dito? Saka sorry tol, hindi ako pumapatol sa
kapwa ko may lawit"
Tango lamang ang sinagot nito at tila
napahiya sa kanyang pinagtapat.. Tingnan mo nga naman. Yung ang haba ng
sinabi ko pero maigsi pa sa bangs ni Dora the explorer yung sagot nya..
Tahimik..
Nag papakiramdaman lang kami...
Maya maya, "uuwi na ko tol" ang pag basag ko sa.katahimikan..
"ok"
ang sagot nya. Tila napahiya kasi siya sa kanya mga pinag sasabi..
Hindi ko na rin alam kung paano ko siya aaproach dahil mukhang
nababalutan siya ng isang maitim na aura. Parang may pag babago sa
kanya.. Kaya naman agad kong tinahak ang pintuan palabas ng kanilang
bahay. Iniwan ko siya na nakalikod at ayaw nitong humarap o kumibo man
lang.. Wala akong kamalay malay na ito na pala ang magiging lamat sa
samahan namin ni Cedrick..
Makalipas ang ilang araw, balik
paaralan nanaman. Malaking pag babago ang naganap sa samahan namin ng
bestfrend kong si Cedrick. Dati ay seatmate kami ngayon ay lumalayo na
siya sa akin. Dati ay sabay kaming umuuwi ngayon ay mag isa nalang ako..
At ang masakit pa ay napapansin kong lagi na silang mag kasama ng
transferee na si Lester. Tila nakatagpo na siya ng bagong bestfriend.
Dahil
mag kasama si Ced at Lester sa basketball team sa campus ay lalo pa
silang naging close. Nakikita ko minsan na sabay nilang kumakain, sabay
silang umuuwi, nag lilibot sa mall at minsan ay nag bibiruan sila at nag
tatawanan. Kung gaano sila kabilis maging malapit sa isat isa ganun
naman kadali mawala anh closeness namin. Hindi na nya ako pinapansin at
minsan ay para nalang akong isang hangin sa kanya. Nadadama pero hindi
nakikita..
Ibayong pagkalungkot ang naramdaman ko noong mga oras
na iyon. Hinahanap hanap ko yung mga pinagsamahan namin ni Ced. Tila
nakakaramdam ako ng isang pangungulila na hindi ko maipaliwanag. Lalo na
pag naiisip kong mag kasama siya at si Lester "Arrrrghhhhh"..... Doon
ko lang narealize na totoo pala yung sinasabi nila na kapag nawala na
sayo ang isang bagay o tao doon mo palang makikita ang kahalagahan
nito..
Habang lumilipas ang araw ay patindi ng patindi ang sakit
at kalungkutang nararamdaman ko. Hindi na rin ito naka ligtas sa mata ng
mga magulang ko. Minsan ay nag tatanong na sila kung may pinag dadaanan
ba ako. Kaya naman pinipilit kong maging masaya kapag nasa harapan nila
at nag ppretend ako na wlang problema para di na sila mag alala..
Alam
ko kung gaano ko nasaktan si Cedrick. Hindi ko dapat siya pinag tawanan
noong mga oras na iyon. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya kaya naman
naisipan kong dalawin siya sa kanilang bahay.. Ngunit bigo akong makita
sya. Wala daw si Cedrick doon. Pero hindi pa rin ako sumuko. Nag baka
sakali akong puntahan siya sa kabilang barangay malapit sa tabing ilog.
Doon kasi kami madalas na tumatambay kapag ganitong walang pasok sa
eskwela..
Ilang minuto rin ang byahe patungo doon sa tabing ilog.
Hindi na kasi pwedeng mag dala ng sasakyan sa loob nito dahil
napapaligiran ito ng puno at malalaking formation ng mga bato. Malamig
sa lugar na ito at malinis. Mine-maintain kasi ito tourism sector ng
lugar at under ito ng protected area of eco tourism. Noong marating ko
ang lugar ay agad akong nag tungo sa lugar kung saan kami madalas
tumambay ni Ced. Habang tinatahak ko ito ay may naaaninag akong dalawang
taong nag hahabulan sa mababaw na parte ng ilog. Kaya naman lumapit ako
sa kinalalagyan nila upang mas makilala ko ang dalawang taong iyon.
Nag
kubli ako sa isang malaki puno upang hindi ako makita.. Pinag masdan ko
silang dalawa. Halos mag ka height, ang gaganda ng built ng katawan
pareho naka suot ng underwear. Maputi, makinis.. Masaya silang nag
tatampisaw sa tabing ilog. Para bang sila lang ang tao sa mundo. Maya
maya pa ay tila naka ramdam sila ng pagod kayat tumigil sila at naupo na
lamang sa tabi mg batuhan. Hindi ko alam kung ano ba yung pina uusapan
nila pero pakiramdaman ko ay enjoy na enjoy sila sa bawat isa. Tawanan
dito at kilitian doon ang kanilang ginagawa.
Tahamik..maya maya pa
ay yakapan sila.. Unti unti nag lapit ang kanilang mga mukha. Isang
mabagal at napaka passionate na halik ang ginawad nila sa labi ng isat
isa.. Mula sa labi ay bumababa ito sa kanilang mga leeg.. Tila nanood
ako ng isang romantikong pelikula. Napaka ideal ng scene at napaka ganda
ng napiling lokasyon. Isang pelikulang tanging sa pinalakang tabing
lamang naipapalabas. Perfect scene kung baga..Isang magandang pelikula
na ang bida ay si Lester at ang bestfriend ko..
Hindi ko na
kinayang pag masdaman ang mga susunod pang mangyayari kaya naman dali
dali kong nilisan ang lugar. Parang may kung anong bagay na tumutusok sa
aking puso. Nakaramdaman ako ng ibayong sakit. Yung pakiramdam na
parang may gustong kumawala na kung anong bagay sa dib dib mo. Agad kong
tinahak ang daan mabalik sa abangan ng sasakyan, habang nag hihintay
ako ay hindi mawaglit sa isip ko ang tagpong iyon kung saan nag
hahalikan ang bestfriend ko at ang kaibigan nya. Kaibigan nga ba o
kai-bigan.. Hindi ko malaman kung ano sila pero isa lang ang alam ko nag
kakamabutihan na sila. At iyon ang kinalungkot ko, masaya silang dalawa
habang umuulan naman sa side ko. Napaka unfair talaga ng buhay.
"hoy!! Sasakay kaba o tatanga lang dyan?" ang sigaw ng driver ng jeep. Hindi ko namamalayan na huminto pala ito sa harap ko.
"ahh,
ehhh opo. Pasiencya na" ang sabi ko. Napahiya naman ako dun. Ang ganda
ganda ng moment ko eh. Tsk panira naman tong driver na to. Sabay akyat
sa jeep.
Habang tinatahak ko ang daan pauwi ay naka ukit pa rin sa
isipan ko yung nasaksihan ko kanina sa tabing ilog. Kapag naiisip ko
yun ay nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag sa sakit. Ito ang sinasabi
nilang "selos"? "Ngunit bakit naman ako mag seselos. Eh wala naman
kaming relasyon ni Ced saka lalaki kami pareho.." ito ang mga katagang
inukit ko sa aking utak. Pero di yata sumasang-ayon ang puso ko.
Sinasabi naman nito na "kaya ako nasasaktan dahil mahal ko na si
Cedrick." ngayon ay nag kakaroon na ng di pag kakaunawaan ang dalawang
mahalagang parte ng katawan ko.. Shittt ang gulo na mga ateng!! Hindi ko
na alam ang gagawin ko. Baka maloka na ko ng di oras nito..
Okay
ganito nalang.. Kailangan kong timbangin kung ano ba talaga ito..kaya ba
ako nasasaktan dahil namimiss ko lang si Ced o dahil mahal ko na siya?
Posible bang madevelop ako sa kapwa ko lalaki?? Ilang oras din akong
tulala at nag iisip ng sagot sa katanungan ko. "Ayokong maging bakla!!
Kasi base sa mga naririnig ko ay madali silang hinuhusgahan ng lipunan.
Saka ang mga kagaya nila ay hindi nakaka hanap ng permanenteng
karelasyon dahil khit committed na sila ay nag hahanap pa rin sila ng
ibang putahe. Alam mo naman na wlang matibay na relasyon sa taong tikim
lang ang intensyon diba? Kaya naman ayokong maging isa sa kanila..
Siguro
para mawala ang lungkot ko ay kailangan ko lang kausapin si Ced. Kaya
naman nag pasya akong tawagan siya sa cellphone nya.. Ngunit naka off
ito. Sibukan ko siyang tawagan sa land line nila pero katulong lang nila
ang sumagot. Sinabi nya na hindi pa daw ito umuuwi buhat kanina..
Marahil ay kila Lester cya natulog at pinag sasaluhan nila ang buong mag
damag. "Arrghhhh" ano ba itong naiisip ko.. Hayyy eto nanaman ako,
binabalot nanaman ng kalungkutan ang pag katao ko. Nasasaktan ako..
Parang nahihirapan akong huminga. Namalayan ko nalang na tumutulo na nag
luha ko..
Naalala ko tuloy noong pa bata ako. Tinanong ko kay
papa kung bakit kapag namamanhid ang hita ko ay wala itong pakiramdam?
Ang sabi nya."anak kapag hindi mo ginagalaw ang hita mo ay hindi
dumadaloy ng normal ang dugo sa mga ugat mo at iyon ang sanhi kung bakit
namamanhid ito at wala kang nararamdaman.. Kaya naman pumasok ang idea
sa utak ko na gawin ito sa dib dib ko. Humiga ako at pinigil ko ang pag
hinga ko. Baka kasi sakaling mamanhid din yung dib dib ko at wala na
akong maramdamang sakit..
Tahimik kong minasdan ang kisame tila
nag hahanap ako ng kasagutan sa mga bagay na alam kong ako lang din ang
makakasagot. Pinipilit kong alamin kung bakit ako nakakaramdam ng
ganito. Kung bakit ako nasasaktan at nalulungkot.. Hindi ko tuloy
maiwasan maalala yung unang araw na nag kilala kami ni Ced sa campus.
Siya yung unang tao na nakilala ko noong nag enrol ako sa school. Agad
kaming nag kasundo dahil na rin sa mag kapareho kami ng hilig, pareho
kaming player ng online games na flyff philippines, pareho kaming
mahilig sa anime at sa mga puzzle games. Simula nung mag kakilala kami
ay hindi na kami halos mag hiwalay pa. Naalala ko pa noong p.e class
namin noong first year college ako. Halos na injured ako sa pag talon sa
bufalo bar sa gymnastic room kaya naman hindi ako maka lakad. Sa
sobrang pag aalala nya sa akin ay pinasan nya ako. Mas matangkad na siya
sa akin noon pa man. Sabi ko sa kanya na ibaba nalang nya ko dahil baka
mapilay siya. Pero ang sabi nya "kakayanin ko, bastat mag tiwala ka
lang sakin". Kahit pansin ko yung hingal at pag tagaktak ng pawis nya ay
kinaya pa rin nya ako.. Habang naalala ko ito ay halos pumatak ang luha
ko. Hindi ko maiwasang umiyak.
Tahimik..
Ilang oras
pa ang lumipas... Tik tak tik tak.. Sa lahat ng sakit na nararamdaman
ko.. Lahat ng luha, kaba, pag inis, at pang ngungulila ko kay Cedrick..
Isang resulta lang ang lumalabas.. Ayoko man sabihin o aminin sa lahat
pero narealize ko Mahal ko pala siya.. At bukas na bukas din ay gagawa
ako ng paraan upang bumalik siya sa akin.. Mahalaga siya at hindi ko
siya kayang mawala nalang basta basta..
Kinabukasan, kagaya ng
plano ko. Naiwan ako ng isang note sa loob ng bag nya.. Iniwan ko ito
habang wala siya sa loob ng classroom.
" tol, kung mahalaga pa
sayo ang pinag samahan natin, mag kita naman tayo mamaya sa math garden.
May sasabihin lang akong importante sayo. Namimiss na kita tol.
Hihintayin kita mamayang alas 5:00 ng hapon pag katapos ng klase natin.
-Franco"
At iyon ang sinabi ko sa note. Excited ako pero mas
nanaig sa akin ang matinding kaba. Ilang oras pa ang lumipas at natapos
din ang aming klase. Agad akong nag tungko sa math garden upanh hintayin
si Ced. Kumakabog ang dib dib ko noong mga oras na iyon. Maya maya pa
ay nakita kong palapit na siya sa lugar na kinatatayuan ko. Pag kalipas
ng halos dalawang linggo ay ngayon ko palang siya ulit makakausap..
"tol, kumusta? Ano ba ang pag uusapan natin?" ang tanong niya
"gusto lang sanang humingi ng tawad sayo. Sorry kung pinag tawanan kita noong mga oras na nag tatapat ka sakin." ang sabi ko.
"yun lang ba? Wla na yun. Kalimutan mo na yun. Biro ko lang naman yun sayo eh" ang sabi nya
Para
naman akong hinampas ng tubo sa ulo noong marinig ko na biro lang pala
yun. Pwes, ung nararamdaman ko ngayon ay hindi na biro. Mag tatapat na
ako sa kanya. Atleast may idea siya nasa kanya na iyon kung gusto nya
kong tanggappin o balewalain..
Huminga ako ng malalim.. Heto na
ipag tatapat ko na sa kanya na gusto ko siya. "Ced... Huh... Narealize
ko na... Mah...... Mahal pala kita!!!" ang sambit ko.. "hindi ko kaya na
wala ka. Nasasaktan ako tol kapag..."
"Oh nanjan pala kayong dalawa.." ang bati ni Lester "Ced, kanina pa kita hinahanap eh, sabi mo sabay tayong umuwi sa inyo.."
Tila
nabusalan ako noong mga oras na iyon.. Hindi akalaing papasok si Lester
sa eksena. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay isang epic failed
nanaman ang nagawa ko. Hindi agad ako naka imik. Napansin ko si Ced na
nakatayo lamang ito ay tila walang reaksyono bahid ng pag kabigla man
lang..
"naka storbo yata ako tol?'" ang tanong ni Lester
"ahh
hehe.. Hindi tol.. Wala naman kaming pinag uusapan eh hahaha." ang sabi
ko, yung feeling na natatawa ka kunwari pero sakit sakit na. Natatawa
ka pero tutulo na yung luha mo..
"ganun ba? Oh cge mauna na kami ni Ced tol. Ingat ka" ang sabi ni Lester habang inaaya nya si Ced na sumama sa kanya..
Aalis na sila nang biglang sinabi ni Cedrick ang mga katagang dumurog sa puso ko. "Kalimutan mo na tol, GUTOM lang yan!!"
"shiitt"
parang may sumabog na granada sa loob ng aking tenga matapos kong
marining ang mga katagang sinabi ni Ced. Tila ako naman ngayon ang
napahiya.. Ni hindi na nga ako naka galaw sa kinatatayuan ko noong mga
oras na iyon. Habang pinag mamasdan kong lumakad palayo si Ced at
Lester, lalo akong nakadama ng ibayong sakit. Kasabay nito ang pag daloy
ng luha sa aking mga mata. At iyon ang oras na nabigo muli ang isang
tulad ko..
Itutuloy..
Ako si Boy Epic Failed
By Ai Tenshi
Part 3
Matapos
ang aking makasaysayang pag tatapat ng pag mamahal kay Ced ay nag pasya
muna akong hindi na muna pumasok sa campus. Ngayon ay ang pangalawang
araw ng pag liban ko sa clase. Marahil ito ang paraan ko upang makaiwas
sa sakit na nararamdaman ko. Yung pinipilit kong ifix ang sarili ko..
Sinabi ko nalang kila mama at papa na may sakit ako kayat kailangan ko
umabsent sa eskwela.
Wala rin akong narerecieve na tawag o txt
mula kay Ced siguro nga ay ganun kalaki ang galit nya sa akin o kaya
naman siguro ay masaya na siyang kasama si Lester. Ayoko na makigulo sa
kanila. Ayoko na rin masaktan kaya ngayon ay binibitiwan ko na siya. Mas
mabuti yun. Yung papakawalan ko lahat ng bagay na nakakasakit sa akin.
Simula ngayon ibabalik ko na ang normal kong buhay..
Alas 5:00 ng
hapon, medjo nakaramdam ako ng pagka boring kaya napag pasyahan kong
pumunta sa bar malapit sa kabilang bayan at doon ay medjo mag libang
libang. Pag dating ko doon ay umorder agad ako ng maiinom. Tulad ng dati
tungga dito at tungga doon ang aking ginawa. Nakipag sayaw din ako sa
mga party animal na lagi sa bar. Tila naman nakaramdam ako ng kasiyahan
at naibisan ang kalungkutan kong nararamdaman. Hindi ko na namalayan ang
daloy ng oras. Alas 10 na pala ng gabi at medjo nakakaramdam na rin ako
pag kahilo, siguro ay napa sobra na ang na inom ko. Umiikot na rin ang
pakiramdam ko. Naupo muna ako sandali bago ko napag pasyahang umuwi.
Sumakay ako ng taxi at nag pahatid ako sa subdivision kung saan kami
naka tira.
Alas 11:00 ng gabi nung marating ko ang aming bahay.
Alam ko wala sila mama kaya naman inaasahan ko nalang ang mga katulong
para pag buksan ako ng gate. Katok dito at door bell doon ang aking
ginawa pero wala pa din nag bubukas ng gate.. "Grrrrr, Mannnanngggg
nandito na ko paki buksan po ang gate" ang sbi ko. Close kasi ang gate,
hindi ito katulad ng ibang gawa sa rehas kaya hindi ko nakikita ang loob
ng bakuran.
Sa wakas maya maya pa ay bumukas na ito. "Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba galing?" ang sabi ng lalaking nag bukas ng gate
Hindi
ko alam kung mag hahalucinate ba ako o lasing lang talaga ako. Pero si
Cedrick ang nakikita ko. "Jusko lord!! Hanggang gate ba naman..mukha pa
rin nya ang nakikita ko. Hindi ako mag papalinlang.. Alam kong si manang
siya.. "Hoy manang!! Alisin mo ang maskara mo!! Impostor ka!!" sabi ko
habang gumegewang gewang na pumapasok sa gate.
"uto!!! Ako to si
Cedrick! Ngayon sagutin mo ang tanong ko? Saan ka galing? Bakit ka
lasing? Sino kasama mo? Hindi mo ba alam na kanina pa kita hinahanap
ha??" ang sabi nito habang hawak ang aking braso.
"shitt si Ced nga" nag sabi ko sa sarili ko. "b-bakit nandito ka? Saka ano bang pakialam mo?" ang sagot
"doon tayo mag usap sa taas, please. Halika na" ang paki usap nya..
Pero
umiwas ako sa kanya at nag tungo ako sa pahingahan sa harap ng aming
bakuran. Umupo ako doon at hindi ko siya kinikibo. Nakita kong pumasok
ito sa loob ng bahay namin at nag timpla ng kape.
Habang wala siya
ay namulot ako ng malalaking bato at nilatag ko ito sa aking harapan.
Ewan ko ba kung bakit naisipan kong gawin ito. May nakita rin akong pako
at ginamit ko ito upang iukit doon ang pangalan ni Cedrick at syempre
pangalan ko rin may Heart effects pa.
"tol oh eto kape. Inumin mo para mahimas-masan ka. Mawala yang kalasingan mo!!' ang sabi nya sakin ng may kataasang boses.
"ayoko nga. Baka may lason pa yan. O kaya dinuraan mo ehhh" ang sabi ko
"tado!! Bakit ko naman gagawin yun" ang sabi nya
"aba eh malay ko. Basta alam ko malaki galit mo sa akin"
"hindi
ako galit sayo tol,kaya nga ako nandito db? Kasi nag aalala na ko sayo.
2 araw ka nang di pumapasok. Bukod pa dun ay madami ka nang namiss na
lectures" ang sabi nya
"wow, clap clap!! Salamat ha. Naalala mo
ko, ohh alis kana baka hinahanap kana ni Lester. Baka mag selos pa sakin
yun." ang sarcastic kong tugon.
"oo tol, inaamin kong nag karoon
kami ng relasyon pero... " natigilan ito nang makita nyang hindi ako
nakikinig sa kanya at tuloy tuloy parin ako sa pag kaskas ng pako sa
isang bato. "eeeyyy, ano ba? Ano ba yang ginagawa mo!! Tigilan mo nga
yan.!!" ang sabi nya
"anong ginagawa ko? Edi nag susulat sa bato.. Tanga na ba Cedrick?"
"alam
kong nag susulat ka sa bato. Pero ang tanong ko ay para saan ba yan?
Masa mahalaga pa yan kesa sa sasabihin ko ganun ba FRANCO?" ang pag
eemphasize nya sa pangalan ko.
Tumingin ako sa kanya ng seryoso at
sinabing "mahalaga to.CEDRICK!!! inuukit ko kasi sa mga bato na to na
MAHAL kita.. Ang lalaki hano?? Hehehe... Tapos ibabato ko jan sa ulo mo
para malaman mo kung gaano kasakit mahalin ka!!!!" ang sabi ko habang
bumuhos ang luha sa aking mga mata.
Natahimik naman siya at tila
nabigla sya sa aking sinabi. Hindi ko namalayan ang kanyang kamay na
gumagapang na sa aking bewang. At walang ano ano'y inakap ako nito at
nag iiyak. "p-patawarin mo ko tol. Hindi ko alam na aabot ng ganito.
Mahal na mahal kita tol. Noong mga oras na hindi tayo nag kikibuan
ibayong lungkot ang nararamdaman ko." ang sabi nya
Tila nakaramdam
ako ng kakaibang saya dahil nandito na ulit siya sa akin. Pero unti
unti rin nag balik sa isip ko ang mga eksena nila ni Lester ay unti unti
rin nag init ang akong dugo..kaya naman tinulak ko siya "Tama na tol!?
Hindi tama ito!! Baka magalit si Lester. Db may relasyon kayo? Nakita ko
kayo sa tabing ilog nag hahalikan alam mo b yun???"
"Tol, kaya nga mag papaliwanag ako eh.. Makinig ka naman sakin please."
"ayoko Ced. Umuwi kana. Ang sabi ko sabay takbo paakyat sa aking kwarto. Parang nawala ang espiritu ng kalasingan sa aking ulo.
Pero hindi pa rin umalis si Ced. "hindi ako aalis tol!! Hindi ako aalis hanggang hindi tayo nag kaka ayos.."
"oh sige Ced, for the sake lang na bestfriend kita ay makikinig ako sayo." ang sabi ko
"tol.
Marinig ka sakin. Nakipag hiwalay na ako kay Lester dahil noong nalaman
kong mahal mo rin ako nabuhay yung pag asa ko. Mas pinili kita dahil
mahal na mahal kita. Saka hindi ko na rin masikmura ang pakikipag sex sa
kanya tol. Sana naman paniwalaan mo ko. Ipag laban mo naman yung pag
mamahal mo sakin. Yung pag mamahalan natin." ang sabi nya
"pero pano si Lester? Pano siya?" ang tanong ko
"nag
usap na kmi ni Lester. Alam kong nasaktan sya pero hindi ko na kayang
makipag niig pa sa kanya. Bukod pa dun ay hindi rin naman nya ako mahal.
Tawag lang ng katawan ang gusto nya sakin. Noong nakita mo kami sa ilog
tol,alam kong nandun kaya. Pero maniwala ka sakin, pinag selos lang
kita nun. Hindi ko alam na masasakatan kita. Patawarin mo ko Franco."
ang paliwanag ni Ced na tila isang maamong tupa
.
Tahimik...
Tumabi
ako sa kanya at pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy sa mukha nya.
Ramdam na ramdam ko kung paano siya nahihirapan noong mga oras na iyon.
Wari'y nahabag ako sa kanyang mga pinag dadaanan. Isang mahigpit na akap
ang ginawad ko sa kanya. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko
dahilan para lumambot ito.
"kung alam mo lang kung gaano kita miss
na miss tol, patawarin mo rin ako sa mga pag kakamali ko. Hindi ko
sinasadya na saktan ka. " ang sabi ko
"shhhhhh.. Tama na tol..
Mahal na mahal kita.." ang sabi nya. Unti unting lumapit ang mukha nya
sa akin at ginawaran nya ako ng isang nag aalab na halik..
Parang
lumulutang ako sa ika pitong ala-paap noong mga oras na iyon. Lahat ng
kalungkutan at sakit na nadarama ko ay parang bulang nag laho. Tila napa
ilalim ako sa kanyang hipnotismo. Lumaban ako ng halik at nakipag
palitan sa kanyang mapupusok na nag aalab na pag nanasa. Halos ilang
minuto rin mag kasugpong ang aming mga labi bago tuluyang nag hiwalay
ang mga ito.
"I love you tol" ang sabi niya
"I love you too Ced" ang sagot ko
Parang
nananagip lang ako noong mga oras na iyon. Sabi nga nila na kapag daw
ang isang bagay na nangyayari sayo ay masyadong maganda ay mahirap
paniwalaan kung totoo nga ba ang mga ito. Pero wala na akong paki alam
doon. Ang mahalaga ay bumalik na ulit sa akin si Cedrick at masaya
kaming mag kasama ngayon. Hindi lang bilang mag best frend kundi bilang
magkasintahan na rin. At muli ay nag yakapan kami at mag damag naming
pinag saluhan ang tamis ng aming muling pag sasama..
(naka bukod
po ang love scene, may sites kasi na hindi advisable ilagay ito. Saka
para narin sa mga readers natin na below 18. Salamat po)
Lumipas
pa ang ilang linggo. Wala pa ring pag babago sa samahan namin ni Ced.
Bagamat tago ang aming relasyon ay masaya naman kami sa feeling ng bawat
isa. Nandyan yung namamasyal kaming dalawa, nag pupunta sa mga
magaganda lugar at doon ay nag sasaya. Madalas din akong dumadalaw sa
kanilang bahay at syempre ganun din siya sa amin. Madalas din kaming nag
tutungo sa aming paboritong tambayan. Yung tabing ilog dun sa kabilang
barangay. Walang patid na tawanan at lambingan ang aming ginagawa kapag
mag kasama kaming dalawa. Parang sarili namin ang mundo, walang lungkot
at puro pag mamahal lang ang umiiral sa amin..Tungkol naman kay Lester
ang balita namin ay umuwi daw ito mg probinsya kaya madalang namin ito
makita.
Sa labis na ligayang nadarama namin ay parang nabubuhay na
kaming dalawa sa isang libro ng fairy tale. Yung napaka perfect na ng
lahat. Ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng kalungkutan sa piling ni Ced
at hindi ako nag kamali na mahalin ko siya ng buong puso. Ngunit akala
namin ay tuloy tuloy na ang kaligayahan naming nadarama..
Isang
araw habang nag bibiruan kami ni Ced sa sala ng aming bahay ay nauwi ito
sa isang harutan. Nag pang abot ang aming mga labi at doon ay nag
halikan kami. Isang mapusok at nag aalab na palitan at halik ang aming
ginawa sa isat isa. Hindi namin na mamalayan ang pag dating ni mama at
papa. At labis nila itong kinagulat. Syempre kami din halos namutla ang
mga mukha namin ni Ced sa sobra takot at kaba.
"Shit!!!
Franco!!Cedrick!! What's the meaning of this?" ang bulyaw ni papa. Si
mama naman ay naka tahimik at halatang shock din ito.
"My God!!!
Nag hahalikan kayong dalawa? Ganito ba ginagawa nyo lagi pag mag kasama
kayo? Look, Cedrick im so dissappointed in you! Bakit mo ginawa ito?"
ang tanong ni papa
Hindi kami sumagot pero halata sa amin ang takot. Tagaktak ang pawis namin noong mga oras na iyon.
"Aatakihin
ako sa inyong dalawa. For God sake Cedrick!! Get out!! Ikaw Franco
maiwan ka dyan mag uusap tayo" ang sabi ni papa habang naka hawak ito sa
ulo nya. At halatang halata mo dito ang galit.. Dali dali namang umalis
si Ced at nilisan ang aming bahay..
"Franco! Hindi kami nag
kulang sayo. Ano nalang ang sasabihin ng mga kapit bahay kapag nalaman
nila ito? Na may anak akong isang Bakla? Ano nalang ang mararamdaman mo
kapag nalaman mo na ang anak mo ay nakikipag laplapan sa
Arrrrrgghhhh!!!" ang sabi ni papa
"Pa im sorry.. Hindi ko po alam na aabot sa ganito ang lahat." ang sabi ko
"simula ngayon ay hindi kana sasama kay Cedrick. Hindi kana rin makikipag kita sa kanya. Naintindihan mo ba?" ang sabi ni papa
Masakit
man sa akin yun pero wala akong magagawa dahil kami din mismo ang may
kasalanan. Hindi kami nag ingat. Sa una palang alam naman namin na hindi
kami matatanggap ng lipunan eh. "O-opo papa" iyon lang sagot sabay
akyat patungo sa kwarto ko.
Naireport na rin pala ni papa at mama
sa mga parents ni Cedrick ang nangyari kaya naman pinag bawalan na siya
nv mga magulang nya na lumapit sa akin. In short para kaming mga magnet
na parehong positive at di pwedeng mag dikit.. Parang nag karoon ng
pader sa gitna naming dalawa. At labis namin iyong kinalungkot. Hanggang
kambatan at tinginan lang kaming dalawa. Napakasakit noon para samin..
Tila dinudurog ang puso ko..
Lumipas pa ang ilang araw at linggo.
Hindi pa rin nag kikita o nag kakausap man lang Ced. Hindi ko na naitago
ang kalungkutan ko. Alam kong napapansin ito nila mama at papa. Parang
nawalan ng kulay ang buhay ko. "bakit ba hindi nila matanggap? Bakit ang
malas ko naman pag dating sa buhay pag ibig."nag sabi ko sa aking
sarili.. Minsan ay wala akong ganang kumain. Lagi akong nag kukulong sa
kwarto ko. Hanggang isang araw ay nabalitaan ko nalang na sinugod daw sa
ospital si Cedrick dahil nag tangka daw itong mag pakamatay. Nakita daw
nila ang isang note sa kwarto nya.
"mom,dad. Alam ko po malaki
ang kasalanan ko sa inyo at sa pamilya ni Franco. Pero sana po pag
bigyan nyo na ako sa aking kaisa isang hiling na makasama ko siya kahit
isang beses lang.- Cedrick"
At dahil sa insidenteng iyon ay
kinausap ng mga magulang ni Ced sila mama at papa na payagan akong
makita ang anak nila. Hindi naman binigo ng mga magulang ko ang paki
usap ng parents ni Ced. Ngunit sa isang kondisyon. Pag katapos namin mag
kita ay ilalayo na nila ako at dadalhin sa probinsya upang doon na ipag
patuloy ang aking pag aaral.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako
sa aking narinig o malulungkot. Matutuwa dahil mag kikita na kami ulit
ng taong mahal ko o malulungkot dahil pag katapos noon ay aalis na ako.
Gosh. Ang hirap talaga. Maloloka na ako. Crispin! Basilyo? Nasan na
kayo??!!" ngayon ano ang binatbat ni Romeo at Juliet sa love story ko??
Kung pwede nga lang akong uminom ng potion o sleeping pills para mamatay
ako ng 24hrs eh tapos huhukayin nalang sa lupa ang beauty ko. Y not
diba?? Kaso ang panget parang zombie naman iyon..So ganun nga ang set
up. Pumayag na si mama at papa na makipag kita ako kay Ced aa darating
na linggo sa mismong araw ng kaarawan ko. Tapos kinabukasan naman ay
aalis na ako. Isabay ko na rin daw doon ang pamamaalam ko sa kanya..
Naiisip ko palang ang lahat ng ito ay ibayong pag dadalamhati na agad
ang nararamdaman ko. Minsan pa nga ay hindi ko maiwasang maluha nalang..
Sumapit
ang araw ng linggo. At ito ang araw ng kaarawan ko. Espesyal din ito
dahil ito ang araw na muli kong makikita si Cedrick. Kaya umaga palang
ay nag handa na ako. Excitement ang nangingibabaw sa aking pagkatao
noong mga oras na iyon. Kung pwede ko lang itigil ang oras mas
gugustuhin kong hindi na matapos ang mga sandaling ito.
Alas 11:00
ng umaga ang usapan namin ni Ced. Nakasuot ako ng kulay puting body fit
na polo. At faded black na jeans. Nag pa gwapo ako ng todo para itong
ang itsura kong tatatak sa isip nya lagi. Agad akong tungo restaurant
kung saan kami ng nag kasundong mag kikita. Ilang saglit pa ay dumating
na siya soot ang isang kulay pulang fitted na polo na lalong nag pa
tingkad sa kagwapuhan nya. May dala itong isang boquet na kulay puting
at naka ngiti habang palapit sa akin.. "Tol, happy birthday..." sabay
abot ng isang kumpol na rosas sa akin. Medjo naka tingin ang mga
chismosang tao sa paligid pero deadma lang ako.. Labis ang aking
kaligayahan noong mga sandaling iyon. Isa ito sa pinaka masayang araw sa
buhay ko..
Itutuloy..
Ako si Boy Epic Failed
By Ai Tenshi
Part 4
Umaapaw
ang aking kaligayahan noong mga sandaling iyon. Wala akong mapag lagyan
ng kasiyahan. Hindi nga ako lahos na naka kain kaka titig kay Ced. Kung
icecream lang to eh malamang kanina pa ito natunaw.. Agad naming
tinapos ang aming pananghalian dahil dadaan pa kami sa lumang dambana sa
bayan. Ganun naman kasi ang naman kasi talaga na kapag kaarawan mo ay
mag sisimba ka upang makapag pasalamat sa Panginoon sa lahat biyayang
pinag kaloob nya sayo..
Sumakay kami ng jeep patungong dambana.
Medjo luma na kasi ito at hindi na masyadong pinupuntahan ng tao.
Mangilan-ngilan nalang ang mga tao na nag tutungo dito. Yung iba naman
ay ginagawa itong location ng shooting sa mga pelikula dahil na rin sa
acient design nito panahon pa ng kastila..Umupo kami ni Ced sa harap
nito. Ako naman ay nag dasal ng taimtim at nag pasalamat sa Panginoon
dahil sa panibagong taon ng aking buhay. Pero higit sa lahat ay pinag
pasalamat ko ang pag dating ni Ced sa buhay ko ito ang pinaka espesyal
na kaarawan na naranasan ko..
"tol, ano hiniling mo ngayon kaarawan mo?" ang tanong ni Ced
"wala tol. Kasi binigay na nya eh.." ang sagot ko
"ha? Di ko yata na gets yun" ang nag tataka nyang sagot
"kasi
binigay ka nya sakin at wala na kong mahihiling pa." ang sagot ko.
Napangiti naman siya doon at ginawaran ako ng isang halik.
"tol,
aalis na nga pala ako bukas. Sabi ni mama at papa ay doon na daw ako mag
aaral sa probinsya." ang malungkot na pag kakasabi ko
Bakas na bakas sa mukha ni Ced ang pag kalungkot. "gusto mo bang doon tumira?"
"ayoko.. Ayokong malayo sayo tol. Di ko kaya eh. Nasasaktan ako." hindi ko na napigilang umiyak
"ayoko
rin malayo ka sakin, pero hindi mo naman pwedeng suwayin ang mga
magulang mo. Kailangan natin silang intindihin tol."ang sabi nya.
"ayos lang ba sa iyo na lumayo ako?"
"hindi
ayos sakin na lumayo ka. Dahil masakit at nasasaktan din ako pag hindi
kita nakakasama. Pero mas lalala pa yung sitwasyon natin kapag nanatili
tayo sa ganito. Alam ko naman na mag kikita pa rin tayo. Oh pupuntahan
kita kasi nasaang lupalop ka pa. Lahat gagawin ko para makita ka lang.
Maghihintay Franco." sabi nyang tila namumuo ang luha sa mga mata nya
"alam ko na darating din yung araw na mag sasama tayo muli. Hintayin mo ko ha.." ang sabi ko.
"oo tol. Pangako.. Tara.. " sabay hitak sa akin sa harap nh altar ng dambana.
"teka tol." ang sabi ko. Hindi ko alam kung ano ang plano nya
"basta
tumayo ka lang dyan.. Humarap ka sakin. Gumawa tayo ng sumpaan na hindi
tayo bibitaw sa pag mamahalan natin. Dito tayo sa harap ng mga patron.
Sila ang mag sisilbing saksi natin sa pangako natin sa isat isa." sabi
ni Ced
"cge po.." ang sagot ko.
Hinawakan ni Ced ang kamay
ko. "Ako si Cedrick ay sumusumpa na mamahalin kita Franco kahit ano pa
ang mangyari. Kahit nasaan ka pa. Kahit nasa kabilang mundo ka pa ay
Ikaw lang ang mamahalin ko.Hindi ako perpektong tao at marami akong pag
kakamali sa buhay ko.. Sa 20 taon na nabuhay ako dito sa mundo IKAW lang
yung iisang tama sa buhay ko. Mawalay ka man sakin kahit gaano pa
katagal ay hihintayin kita. Mahal na mahal kita.." sabay dukot sa bulsa
nya. May kinuha syang isang sing sing at isinuot nya ito sakin.. "itong
sing sing na ito ang mag papa alala sayo kung gaano kita
kamahal..ingatan mo ito tol..dahil sa balik mo.. Ito din ang singsing na
isusuot mo sa araw ng kasal natin." ang sabi nya. Labis ako napaiyak sa
mga katagang binitiwan nya sa harap ko. Damang dama ko ang bawat salita
nya at lahat ng ito ay tumatama sa puso ko.
Ngayon ako naman ang
pag bibitiw ng pangako. "Ako si Boy epic Failed.. (natawa siya.. At
ganun din ako) a.k.a FRANCO ay nangangako na si Cedrick lang ang
mamahalin ko at pag lalaanan ko nitong puso at isip ko."
Tahimik..
Lalong
tumulo ang luha sa mga mata ko.. "Yung kwarto mo lilinisin mo, matuto
kang mag ligpit ng mga kalat mo. Pag hindi importanteng bagay wag mo na
binibili. Bawas bawasan mo na ang pag lalaro ng online games. Kakain
kang mabuti.. Wag ka nag nag papalipas ng gutom.. Wag na iiyak dahil
wala ako para punasan yung luha mo. Pag butihan mo yung pag aaral mo
tol.. Mamimiss kita. Mahal na mahal kita.." hinubad ko ang kwintas na
suot ko at ito ang ibinigay ko kay Ced. Tanda ng wagad na pag mamahal
ko.
Isang halik sa labi ang ginawad namin sa isat isa. At doon ay
nag yakapan kami. Hindi namin alintana kung mayroong maka kita sa amin.
Kung pwede ko lang ipause ang kamay ng orasan.. Gagawin ko ito...
Ilang minuto rin kaming mag kaakap ni Ced.. Maya maya pa ay may narinig kaming nag salita mula sa pinto ng dambana.
"Bravo!! clap clap.. Nakaka iyak naman yan.. Sumpaan!! Kasalan.. Hindi nyo man lang ako inimbitahan??? Mag tatampo ako nyan"
Mula sa liwanag sa labas ay naaninag ko ang mukha ng lalaki. Si LESTER..
Si Lester nga may hawak itong baril. At tila sira ulong tawa ng tawa..
"hahahaha,
alam mo ba kung ano parusa sa mga kagaya mong mang aagaw Franco?? Dapat
sayo sinusunog ng buhay.!! At ikaw naman Cedrick. Halos gabi gabi mo
kong niroromansa tapos iiwan mo nalang ako basta basta?" ang sigaw ni
Lester
"tol please. Ayusin natin to..wag ganyan tol" ang sabi ni Ced. Natatakot na rin ako..
"naalala
ko Cedrick noong mga gabing makasama tayo. Pinapaliguan mo ng halik ang
buong katawan ko. Tapos papasukin mo ko. Patuwad, padapa, patayo. Oh
ano tol nag enjoy ka ba?" Putangna kang baboy ka!!!" ang sumbat ni
Lester
"Lester ibaba mo yang baril mo. Ayusin natin to please " ang paki usap ko s kanya
"Bakit
ganyan kayong lahat?? Bakit lahay kayo iniiwan ako?? Bakit lahat kayo
naka tingin sakin? Bakit lahat kayo pinag tatawanan nyo ko?" ang sigaw
ni Lester tila nababaliw ito..
"tol please. Tutulungan ka namin..wag ka naman ganyan oh" ang sabi ni Ced habang palapit sa kanya.
"tumahimik kayo!! Mga ahas kayo. Lahat kayo. Dapat sa inyo mamatay naaaaaaa!!!!!!"
BANG!!!!!!
Isang
putok ng baril ang umalingaw ngaw sa buong dambana. Nakita kong
nakatayo si Cedrick sa malapit sa kinatayuan ni Lester.. Ako naman ay
nananatiling nakatayo sa harap ng dambana.
Napansin kong ang pag
tulo ng dugo sa sahig kung saan ako naka tayo. Ang suot kong puting polo
ay nabahiran ng kulay pulang kulay..
"Saklolo... Tulungan nyo kami!!!.. Frrrannccoo!! Ang sigaw ni Ced"
Ako pala ang nataman ng unang putok ng baril.. Nag dilim ang paningin.. Nakita ko nalang ang mga taong padating upang sumaklolo.
BANG!!!!!!!
Isa
pang putok at nakita kong bumulagta si Cedrick sa aking harapan.. Bago
ako tuluyang lamunin ng kakaibang dilim sa paligid ay nabanaag ko ang
katawan ni Ced na naka handusay na sa sahig.. Iyong huli kong
natandaan...
------------------------------------------------------
"
Franco anak gising kana pala? Maraming salamat sa panginoon. Ang akala
namin hindi kana gigising.. Huhuhu" ang sabi mama habang umiiyak ito..
"ma??? Nasan ako?" ang sabi ko habang nakaramdam ako ng sakit sa aking kaliwang balikat.
"nandito ka sa ospital anak" ang sabi ni mama
Doon
ko naalala ang mga pangyayari. Natandaan ko nalang na binaril ako ni
Lester. At hinirang ni Ced yung katawan nya sakin.. Teka.!! Si
Cedrick!!!
"ma??? Nasaan si Cedrick?? Nasaan siya ma???" ang tanong ko
Ngunit
hindi kumibo si mama. Isang malungkot na tingin ang sinalubong nya sa
akin.. "anak.. Dinala si Ced sa Maynila upang doon na gamutin, malubha
kasi ang lagay nya. May tama ito ng baril malapit sa kanyang dib dib."
"kailan pa siya dinala doon ma?? Bakit nauwi sa ganun.?" ang tanong kong wariy naguguluhan.
"dalawang
araw na ang nakakalipas anak.. At dalawang kana din walang malay. Ang
sabi ng mga saksi ay hinarang daw ni Cedrick ang katawan nya para hindi
ka tamaan ng ikawalang bala." ang sabi ni mama
Natandaan ko nga,
humarang si Ced sa akin para protektahan lang ako.. Hindi ko na
napigilang mag sisigaw at humagulgol sa loob ng silid ng ospital.
Dumating
naman si papa upang pakalmahin ako.. "tama na Franco.. Tama na.. Wag
kna umiyak..makakasama saiyo yan.." anak makinig ka.. Ngayong araw na
ito ooperahan si cedrick. Mamaya at mamalaman na natin ang resulta dahil
tatawag dito ang mga magulang nya.. Anak, sa halip na umiyak ka..bakit
hindi ka mag dasal na iligtas siya ng Panginoon sa tiyak na kapahamakan?
Maging matatag ka. Wag mo sayangin ang sakripiyo ni Cedrick sa iyo."
Tila
naman nahimasmasan ako sa sinabi ni papa. Tama nga naman dapat ay mas
tatagan ko ang loob ko para kay.Cedrick. Kalakip nito ang taimtim na pag
darasal ko na sanay ay wag siyang bayaan ng may kapal.
Halos
ilang oras din ako nag mumuni muni sa kwarto ng marinig kong may kausap
na si papa sa telepono.. Alam kong magulang ni Ced ang kausap nya. Kaya
naman labis na kaba ang bumalot sa isip at puso ko noong mga oras na
iyon..
Maya maya, lumapit na sakin sa papa. Nag buntong hininga
ito.. Parang kumukuha ng bwelo. Pakiramdam ko ay masama ang balita nya..
Tila guguho ang mundo ko. Ramdam ko sa kilos ni mama at papa na Bad
news ang hatid nila.. Hindi ko na napigilang umiyak at at mag
dalamhati.. Patahimik na tumutulo ang aking luha..
"anak.. Tumawag na ang mga magulang ni Cedrick." ang sabi ni papa
Ayokong
marinig ang mga susunod pang sasabihin nya. Alam kong hindi ito
kakayanin ng puso ko.. Kaya tumalikod nalang ako at pumikit...
"anak...
Makinig ka sakin.. Kailangan lakasan mo ang loob mo. Mag pagaling ka at
maging matatag sa lahat ng oras. Nandito lang kami ng mama mo para
sayo.."
Tango lamang ang isinagot ko.. Hindi ko na napigil ang
labis na pag dadalamhati. At doon ay umiyak ako.. Tila gumuho lahat ng
pangarap ko noong mga oras na iyon..
"anak..LIGTAS na si Cedrick" ang sabi ni papa
Hindi
ko alam kung tama ba ang narinig ko. Pero labis na tuwa ang nadama ko.
Lalot malayo ito sa inaasahan ko. Sa sobrang kaligayan ay napaluha ako
at nag pasamalat ng sobra sobra sa poong may kapal. "talaga po papa?"
"umhhmm
oo naman.. Matatag na tao iyong si Ced. Alam ko na hindi basta basta
susuko yun. At alam mo ba napagka suduan namin ng pamilya ni ced na
kapag nakaligtas siya ay papayag na kami na mag kita na ulit kayo.. Iyon
ang pasasalamat ko dahil niligtas ka nya at alam namin na poprotektahan
ka nya sa lahat ng oras. Napatunayan nya iyon. At humanga kami sa
kanya." ang sabi ni papa
"s-salamat po mama, salamat po papa. Kung
alam nyo lang po kung gaano ako kasaya. Pangako po na mag aaral akong
mabuti at gagawin ko ang lahat para maging proud kayo sa akin." ang sabi
ko na tila lumulutang ako sa ulap ng kaligayahan.
Labis labis ang pasasalamat ko sa Dyos. At syempre kay Cedrick dahil sa pag liligtas nya sa akin..
********************************
Makalipas
ang ilang linggo ay tuluyan nang gumaling si Cedrick.. At ganun din
naman ako.. Sa ngayon ay masaya kaming magkasama at nag mamahalan..
Tungkol naman kay Lester ay dinakip na daw ito ng mga pulis at dinala sa
isang rehabilitation center upang doon mag pagaling.. Hindi ako nag
tanim ng kahit na anong galit sa kanya at pinipilit kong intindihin ang
sitwasyon nya sa buhay. Minsan kasi may mga tagong dahilan kung bakit
natin nagagawa ang mga bagay bagay... At kung ano man iyon, marahil ay
walang nakaka alam..
"Tol, kanina ka pa ba dyan? Mukhang malalim ang iniisip mo ah.." ang sabi Cedrick galing sa aking likuran..
"Hmmm
wala naman, namiss ko lang yung dati nating ginagawa.. Yung maliligo
tayo sa tabing ilog, tapos mag uunahan sa pag langoy. Ang matatalo ay
mag lilibre ng softdrinks sa tindahan." ang sabi ko
"bakit? Porket
ba boyfriend na kita hindi na natin pwedeng gawin ang mga bagay na
iyon? Ha?" ang sabi nya sabay lingkis ng dalawang kamay paakap sa aking
beywang.. Parang nangigigil sya.. "I love you Franco"
"I Love You
too Ced" ang sagot ko sabay halik sa kanya..."hahahaha.. Syempre pwede
natin ulit ulitin yun!! Gusto mo ngayon na!!! Tara na habol.. Hahaha"
"hahaha pag nahuli kita.. grrrr yari ka sakin..... Nandyan na ko!!!!!"
At tumakbo kami na animo mga batang paslit.. Walang paki alam sa mundo.. At dama namin ang kaligayahan sa piling ng bawat isa..
Mga
kulay ng tag-init..Minsan masaya, minsan naman ay puno ng lungkot. Pero
kahit ano pang mangyari ay sisikat at sisikat pa rin ang araw at mag
liliwanag ang kalangitan dala ang panibagong pag asa sa buhay.. Sadyang
napaka hiwaga ng landas na ating tinatahak. Minsan kung sino pa yung
taong hindi mo napapansin ay siya pang nag mamahal sayo ng lubos.. Yung
handang mag sakripisyo at ibigay ang lahat lahat para sayo..
Sino
ba naman ang mag aakalang ang taong lagi kong kasama ang taong babago ng
takbo ng buhay ko. At hanggang ngayon ay ito ang bagay na ikinatutuwa
ko.. Hanggat nabubuhay ako, at habang nandito si Cedrick sa aking tabi..
Kahit kailan ay hinding hindi na ulit ako tatawaging "Boy epic Failed".
(end)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento