Pauwi na Ako
Part 5
Lumipas ang ilang linggo, bumalik na ulit sa sigla ang relasyon namin
ni Alfred. Pinilit naming kalimutan ang lahat at nag focus nalang kami sa mga
bagay na makakapag pasaya sa amin.. Cyempre hindi pa rin mawawala ang lambingan
namin sa isat isa. At higit sa lahat ay natutunan naming alagaan ang aming
sarili..
Isang araw ay inaya kami ni Mr.Amante na sumama sa isang resort na di
kalayuan sa siyudad. Dahil parang anak na rin ang turing nya sa akin kayat lagi
nya akong naaalalang isama sa mga lakad nya lalot sa labas ito ng siyudad.
Syempre kasama namin si Alfred (mag papaiwan ba naman ito hehe) cya pa nga ang
nag volunteer para mag drive ng kotseng sasakyan namin. Hindi ko alam kung
paano siya natutong mag drive ng ganoong sasakyan pero mukhang bihasang bihasa
ito. Medjo malayo pa ang aming byahe kaya naman pumikit muna ako. Binuksan ni
Alfred ang sterio ng sasakyan at inilagay ito sa FM station. Tumugtog dito ang
isang Japanese song na pamilyar sa akin. Ang alam ko may tagalog version ito
"Kailanman" at "ikaw pa rin". Nagulat ako dahil sinasabayan
ito n Alfred. Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa sarili ko kung paano natuto
mga salita ng hapon itong tao na to..
"ano pamagat ng kanta?" ang pang uusisa ko
"Hmmm, japanese song ito "Saigo no iiwake" ang title
nyan." ang sagot nya
"eh ano ibig sabihin nun?" ang tanong ko
"sa salitang ingles ay "Final Vow". Sa tagalog ay
"Huling Panata/Pangako" ang sagot nya
"paano mo nalaman?" ang pang uusisa ko
"hahaha, basta alam ko lang. Mahilig kasi ako sa music" ang
sabi nya..
"ummm ok" ang sagot ko
Natawa ito at ginulo ang buhok ko.. "ummmphh ang kulit kulit
mo" ang sabi nya..
Hanga talaga ako kay Alfred, matalino talaga siya at masikap sa buhay..
Minsan naiisip ko na malayong malayo kami sa isat isa.. Ang dami nyang alam eh.. Ako naman ay salat
sa kahit na anong impormasyon sa mga general na bagay. Bukod sa gwapo pa siya
at may matipunong katawan ay matalino pa.
Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa resort, maganda dito
at napaka daming lugar na pwedeng puntahan. Malinis dito at halatang
pinangangalagaan upang maging isang sikat na tourist destination. Bukod pa rito
ay napapasin ko rin ang mga magagandang establisimento na nakapalibot sa lugar.
Pero ang isa sa pinaka high lights ng lugar na ito ay ang napaka gandang beach
na animo kulay asul na kristal sa sobrang kinang. Samahan mo pa ng puting
buhangin. Kahanga hanga ang ganda nito. Sa buong buhay ko ngayon lang ako
nakapunta sa ganitong lugar. Dati kasi ay sa tv ko lng nakikita ang ganito..
Matapos ang aming site seeing sa lugar ay nag ayos naman kami ng gamit
sa cottage. Tinulungan ko si Mr. Amante at Alfred sa pag bubuhat ng mga gamit..
Nag handa na rin ako ng tangahalian namin.. Nag set ako ng isang ihawan sa
labas ng cottage. Tamang tama may mga binili kaming bangus at pusit na pwedeng
ihawin. Natanaw ko si Alfred at Mr. Amante na nag uusap sa di kalayuan. Mukhang
seryosong bagay ang pinag uusapan nila..
Kung ano man iyon ay hindi ko na ito binigyan ng pansin.. Tinuon ko ang
attensyon ko sa pag luluto ng tanghalian..
Makalipas ang lunch, nag lipit kami ng aming mga kalat. At nag lakad
lakad muna kami ni Alfred. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung ano yung pinag
usapan nila ni Mr. Amante at mukhang seryosong seryoso siya kanina.. Pero hindi
ko nalang itinuloy ang aking balak..
"Tol, tara sa gawi doon" ang aya ni Alfred sabay turo sa
gawing malapit sa pampang ng dagat.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti ako. "cge, kaso unahan tayo.
Kapag nanalo ako ipapasan mo ko pauwi ng cottage, pag nanalo ka naman ay ikaw
ang ipapasan ko.. Ano deal??"
Tumawa ito "hahahaha, deal.. Ready na.. Pag bilang ko ng tatlo..
Isa... Dalawa... Tatlo!!!"
Nag tatakbo kami sa dalampasigan.. Halos lumipad na kami sa sobrang
bilis namin.. Tawa dito,at tawa dun, para kaming mga batang paslit noong
sandaling iyon.. Ilang minuto pa ay narating namin ang dalampasigan. Hingal
kabayo kaming dalawa.. Napaupo nalang
ako sa sobrang pagod..
"yesss!!! Nanalo ko!!!" ang sabi ko. Hahaha "papasanin
mo ko mamaya"
"ayos lang.. Nag patalo talaga ko.." ang sabi nya
"wehhh??? Bkit naman??"
"para mapansan kita at maakap mo ko. Haha" ang sabi nya
"sira ka talaga!!" Sabay batukal ng kabibe sa kanya..
"arekupp!! Ano ba.. Hahalikan kita jan eh"
"hahaha..edi gawin mo kung kaya mo. Blehhh"
Ngumiti ito at tumabi sa akin.. "Tol ang ano yun oh?" sabay
turo sa isang balsa.
Ako naman tong si tanga lumingon ako. "ha? Alin??"
Eto ohhh "tsup..mwahhh" hinalikan nya ako..
"tado!! Umppphh.. Naisahan mo ko dun.ahhh"ang sabi ko sabay
sabunot sa buhok nya
"aray!! Haha sabi sau eh kayo ko" ang sabi nya..
Nakaramdam ako ng kilig sa kanyang ginawa. Gusto ko pa nga siyang
biruin na "isang halik pa nga oh" kaso nahiya lang ako hehe.. Baka
sabihin nya naadik na ako sa labi nya. Sabagay nakaka adik naman talaga..
Mupula.. Matamis.. Masarap kagatin.. Grrrr
"ligo tayo tol" ang aya nya
Medjo nag dalawang isip ako. Di pa kasi sanay ng maligo sa dagat..
"ehh natatakot ako tol, baka malalim eh"
"hindi.. Saka.wag ka mtakot, nandito naman ako eh" ang sabi
nya..
Kaya tumayo ako.. Kinuha naman nya ang kamay ko at inilagay ito sa
katawan nya. Umakap ka sakin.. "edi umakap.. Ummmmmpphhh"
"teka teka wag naman mahigpit hindi ako makahinga heheh"ang
sabi nya..
Habang lumulusong kami ay ramdaman na ramdam ko ang init kanyang
katawan.. Parang may kung anong kilig ang dumaloy sa aking katawan. Kasabay
nito ang pag lalim ng tubig.. Ngayon ay nasa dib dib na namin ito..
"teka tol malalim na" ang sabi ko
"hindi naman kita pababayaan eh. Halika nga dito." binuhat
nya ako at pinasan sa likod nya. Ako naman tong todo kapit sa kanya..
Tahimik...
"kung ako masusunod gusto ko habang buhay na tayo dito sa
kinatatayuan natin" ang sabi ni Alfred
"huh? Bkit naman?" ang tanong ko..
"para lagi kang naka akap sakin.." ang simple ngunit malaman
nyang sagot..
Napangiti ako,napakasarap sa pakiramdam ng mga sinabi nya..
"ummmphhhh i love you.." sabi ko
"i love you too" ang sagot nya..
Ilang oras din kaming nakababad sa tubig ni Alfred, habulan
dito..tawanan doon, eto na yata ang isa sa pinaka masayang araw namin na
kasama.. Hapon na.. At tulad ng napag kasunduan ay pinasan nya ulit ako pabalik
ng cottage..
Tinawag kami ni Mr. Amante at inabot sa amin ang dalawang malalaking
plastic. Ang laman nito ay dalawang semi-formal attire. Isusuot daw namin ito
mamaya sa party ng kaibigan nya. Party daw ito ng mga businessman at gusto nya
ay kasama kami doon. Malaki ang pasasalamat namin kay Mr. Amante siya na ang
tumayong ama namin noong maka tungtong kami sa syudad.. At labis namin iyong
pinag papasalamat..
Dali dali kaming nag tungo ni Alfred sa cr upang maligo. Mamaya na kasi
ang event kayat kailangan na namin mag handa.. Sbay kaming naligo.. Kinuskos
namin ang katawan ng bawat isa.. Nang maramdaman kong bumubundol sa katawan ko
ang matigas na sandata nito.. Galit na galit ito at pilit nyang idinidikit sa
aking likuran. Nakaramdam ako ng init ng katawan kayat sinunggaban ko siya ng
halik.. Nag palitan kami ng maalab ng halik. Marahas hanggang bumaba ang aking
katawan. Hinakan ko ang kanyang matipunong dibdib kasama na dito ang pag dila
ko s kanyang utong..
Para siyang nag dedeliryo sa sarap.. At ungol lamang ang maririnig mula
sa kanyang labi. Maya maya, bumaba ako sa kanya pag kalalaki at walang kiyeme
na isinubo ko ito. Taas baba ang ulo ko at sinabayan nya ito ng pag ulos. Halos
mag jaw lock ako sa pag taas baba ng pag kalalaki ni Alfred. May kalakihan kasi
ito. "Ahhhhh tol, ang sarap.." ang maririnig mong sabi nito. Ilang
minuto ko rin sinubo ang pagkalalaki nito ng patigilin nya ako.
"tol titirahin kita" ang sabi nya, pinatalikod nya ako at
nilagyan ng conditioner ang kanyang pag kalalaki. Nilagyan din nya ang aking
likod. Maua maya, naramdaman ko nalang pilit nyang pinapasok ang kanyang
gitnang daliri sa aking loob. "Ahhhh shitttt tol!! Ahhhh" ang sigaw
ko.
"tol, relax ka lang ha. Ipapasok ko na" sabi nya
Una kong naramdaman ang pag tarak ng ulo ng kanyang ari sa butas ko,
masakit ito kayat napa atras ako dahilan para mahugot ito. "Tol sorry,
nasaktan ka ba?" tanong nya sabay akap at halik sa akin.. Binaba nito ang
seat ng toilet bowl at umupo ito. Hawak hawak nya ang kanyang pag kalalaki.
Dinag dagan pa nya ito ng pampadulas hangang mapuno pati ang buhok sa paligid
nito.
"tol umupuan mo ko" ang utos nito
Agad naman akong kumandong sa kanya paharap. Itinutok ko ang kanyang
pagkalalaki sa butas ng aking pwet. Dahan dahan akong bumaba hanggang pumasok
ito. "Ahhhhhh shit".
Laking gulat ko ng bigla siyang umulos dahilan upang bumaon ang
pagkalalaki nya sa kaloob looban ko. Napaka akap ako sa kanya sa sobrang
sakit.. "Relax ka lang tol,.hindi muna sya gumalaw. Inabot nya ang aking
pagkalalaki at binate ito hanggang mawala
ang sakit s akinh likod.
Maya maya pa ay para na kaming sumasayaw. Mag kaakap at walang patid na
unggol ang maririnig mo. Pinaadar namin ang gripo para hindi kami marinig sa
labas. Ilang minuto din kaming magka kandong ng hugutin ni Alfred ang ari nya
sa loob ko. "bakit tol?!" ang tanong ko. "lalabasan kasi
ako" ang sabi nya. Natawa ako.. "ang libog mo kasi" ang biro ko.
"shhhh, lagot ka skin" ang sabi nya.
Pinatayo nya ako at pinatuwad sa sahig. Siya naman ay pumatong sa likod
ko na para kaming mga aso. Hindi na ako nasaktan sa pag pasok nya at tanging
sarap nalang ang nararamdaman ko. Binayo nya ako ng todo. Marahas at mabilis.
Parang mawala n siya sa sarili nya. Nararamdaman kong sasabog na ko sobrang
bumabaon kasi ang ari nya sa loob ko at nag pproduce ito ng kakaibang sensasyon.
Inabot ko ang ari ko at binate ko ito. Nakakatatlong taas baba palang ako ng
bigla akong sumabog.. "Ahhhhh nilalabasan ako tol" ang sabi ko. Pero
parang wala siyang naririnig. Sige pa rin ang pag bayo sa likod ko.
Maya maya, hinugot nya ang ari nya at itinapat ito sa bibig ko.
Binabati nya ito sa nya ito sa harap ng mukha ko. Naka nga-nga ako at
naramdaman ko nalang na bumulwaka ng katas nya sa loob ng aking bibig.. At
nanghina ito.
Matapos maligo ay nag bihis kaming dalawa.. Naka suot ako ng slack na
pants at kulay asul na long sleeves, saka ko ito pinatungan ng coat. Ganito
ring sout ni Alfred. Yun nga lang ay kulay pula ang long sleeves nya sa loob.
Lalong tumingkad ang kagwapuhan nya..
Alas 8 ng hating gabi ay dumating na kami sa venue ng event. Tulad ng
inaasahan ko maraming mga mataas na tao ang dumalo dito. Karamihan ay talagang
mayayaman.. Umupo kami ni Alfred isang round table at doon at tahimik na nag
masid masid.. Medjo nakakailang lang dahil may isang lalaki doon na nakatingin
dito sa kinauupuan namin ni Alfred.. Kaya kinalabit ko si Alfred at itinuro ko
ang lalaking ito.. "hmmm wag mo nalang pansinin tol, nagagwapuhan lang
iyan sayo hehe" ang sabi nya..
"cge tol" sabi ko at binaling ko ang aking tingin sa ibang
bagay..
Maya maya, nag aya si Alfred sa labas sa gawing fountain area para mag
pahangin. Nakaka boring din kasi sa loob. Puro matatandang businessman ang
nandun at hindi kami maka relate sa topic nila. Usapang negosyante ika nga..
Narating namin ang fountain area. Wala naman tao dito. Napapalibutan ito ng
ibat ibang kulay na ilaw. Napaka ganda sa paningin. Naupo kami sa side ng
fountain na mag katabi.
Tahimik.. Lagaslas lang ng tubig mula sa fountain ang tanging maririnig
mo..
Naramdaman ko nalang na gumagapang ang kamay ni Alfred sa aking
likod. At ang isang kamay naman nya ay
hawak ang aking kamay.. Kung titingnan mo ay mukha talaga kaming mag kasintahan
noong mga oras na iyon. Hinilig ko naman ang aking ulo sa kanyang balikat..
"tol, gaano ba kahalaga sayo ang makapag aral?" ang tanong
nya
"mahalaga tol, cyempre para di naman ako mukhang mangmang.. Saka
pinangarap ko talaga makuha ng kahit na anong kurso, kahit dalawang taon lang
sapat sapat na sakin iyon. Kaso sa kalagayan ko mukhang mahihirapan ako"
ang sabi ko
"hmmm malay mo naman diba?swertehin tayong dalawa.. Yun din ang
pangarap ko para sayo tol. Kung ano yung pangarap mo yun din ang gusto ko.
Ganun kita kamahal" ang sabi nya
"salamat tol ha.. Salamat sa pag intindi sakin.. Hmmm..."
lalo ko pang hinigpitan ang aking yakap sa kanya.. Mula dito ay maririnig mo
parin ang sounds sa party.. Kaya para kaming may background music..
Let me be your hero..
Would you dance if i ask to dance..
Would you run and never look back..
Would you cry, if you saw me crying..
Would you save my soul tonight..
"sayaw tayo tol" ang aya nya
Medjo nahiya ako kasi baka may ka kita sa amin.. Kaya inikot ko muna
ang aking mga mata sa paligid. Wala naman tao dito. Kaya tumayo ako at kumapit
sa balikat nya. Sya naman ay nakahawak sa bewang ko..
Hindi ko mapigilang mapangiti habang naka titig sya akin.. Parang
sarili namin ang mundo noong mga oras na iyon. Tila huminto ang takbo ng
orasan.. Ang sarap sa pakiramdam.. Sinabayan pa ito ng makulay na ilaw mula sa
fountain area..
"salamat Alfred" ang bulong ko sa kanya..
"salamat tol. Mahal na mahal kita"...
Mag damag kaming nag saya si Alfred. Tila walang katapusan ang
lambingan at kulitan naming dalawa.. Eto ang isa sa pinaka masayang araw ko.sa
buhay ko. Ngayon lang ako nakaramdaman ng may isang taong nag mamahal at nag
papahalaga sa akin..
Lumipas ang ilang araw, balik ulit sa normal ang samahan naming dalawa
ni Alfred.. Papasok kami sa trabaho. Mag tatawagan at minsan naman ay kumakain
kami ng sabay sa paborito naming kainan.. At ang pinaka paborito kong parte
cyempre ang lambingan namin sa kwarto namin.. Nakaka wala iyon ng pagod..
Masayang masaya kami ni Alfred na mag kasama. Tila walang ano man ang makakapg
hiwalay sa amin..
Pero ang laking akala ko ay perpekto na ang lahat para sa amin.. Ngunit
hindi pala.. Hindi ko alam na may isang delubyong parating na susubok sa aming
samahan..
Isang hapon, habang pauwi ako sa aming apartment. Nakita ko si Alfred
may kausap itong isa lalaki. Nakita ko na ang lalaking ito.. Kaya inisip kong
mabuti kung saan ko siya nakita.. "tama siya yung nasa party resort. Ung
naka tingin samin ni Alfred!!, pero ano kaya ang ginagawa nya dito??" ang
tanong ko sa aking sarili..
Hindi ko alam kung ano ang nag tulak sa akin upang makinig sa usapan
nila. Kaya nag tago ako sa isang lumang ding ding.. Sapat na ang distansya ko
para marinig sila..
Tahimik....
"sinabi nang ayokong umuwi eh" ang sigaw ni Alfred..
"Sir Alfred, nakikiusap kami.. Mahubla ang lagay ng papa mo, nanganganib
ang kompanya nyo at ibang negosyo nyo. Ikaw lang ang inaasahan namin..paki
usap" ang sabi ng lalaki
"kaya ako lumayas dahil hindi ko na matake ang ugali ni papa..Lagi
nya kong minamaliit at sinasabihan ng walang kwenta!" ang sabi ni Alfred
"nag sisisi na po ang papa mo sir Alfred.. Ngayon po ay kailangan
ka nya."
"aanin ko naman ang magarbong buhay kung walang nag mamahal sakin
dun.. Maakap ko ba ang mga milyones ni papa? Hindi naman diba? Walang nag
papahalaga sa akin doon!!" ang sagot ni Alfred
"mukhang mainit pa ang ulo mo sir Alfred, cge po mauna na akong
bumalik doon..kung sakaling uuwi ka ay mag sabi kalang kaagad. Matutuwa ang
papa mo pag nalaman nyang maayos ang lagay mo. Salamat.. Mag ingat ka" ang
sabi ng lalaki..
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.. Mayaman si Alfred????? Isang
malaking rebelasyon ito na sumabog sa aking pandinig...
Itutuloy
Part 6
Para akong binuhusan ng isang dram ng malamig na tubig noong
mga sandaling iyon. Binalot ng panginginiig ang aking kalamnan.. Hindi ko alam
kung ano ang magiging reaksyons ko sa aking narinig.. "Mayaman si
Alfred??? Umalis lang siya ng walang paalam sa kanila at ngayon heto ang mga
hindi kilalang tao na sumusundo sa kanya.." Pinilit kong ikubli ang sarili
ko sa lumang ding ding.. Hindi ko alam
kung ano ang gagawin ko sa aking natuklasan.. Kaya naisip ko nalang na
hintaying umalis ang kausap nyang lalaki bago ako pumasok s kwarto ng
apartment.. Maya maya ay nakitang kong wala nang kausap si Alfred, pumasok na
ito sa loob ng room namin. Pinilit kong iwaksi ang sakit at kaba sa aking
dibdib. Pinilit kong kontrolin ang aking emosyon at mag panggap na wala akong
narinig..
"naka uwi kana pala tol" ang sabi nya. Tumayo ito
at hinalikan ako sa labi
"ahh oo, eto nga pala may dala kong pag kain, kumain na
tayo" ang sabi ko.. Pawis na pawis ako at halata ang panginginiig ng aking
kamay..
"tol, may sakit kaba? Parang nababalisa ka yata?"
ang tanong nya..
" wala ito tol, kain na tayo" ang sabi ko
Habang kumakain kami ay pinilit kong maging normal ang aking
kilos. Pinag masdan ko kung paano kumain si Alfred. Hindi ito marunong kumain ng
naka kamay pero pinipilit nya kahit nag kakahulog sa pinggan nya ang mga mumo
ng kanin sa kanyang kamay.. Doon ko naisip na kaya pala marunong siyang mag
drive ng kotse, kaya pala marami siyang alam na lenguahe at napaka edukado at
pormal kumilos nito. Maigi ko rin tinitigan ang kanyang kutis. Makinis ito at
walang bakas ng kahit na anong hirap sa trabaho. Hindi katulad ko na banat sa
pag sisibak ng kahoy at pag iigib ng tubig sa araw araw..
"tol, tol, ayos ka lang ba? Nakatulala ka ahhh? May
sakit kaba? Kanina ka pa nababalisa ahhh" ang sabi nya. Nahuli nya kasi
akong naka tulala habang kumakain kami.
"Ahhh ehh wala ito tol, kain ka lang dyan." ang
sabi ko
"s-sigurado ka?" ang sabi nya
"O-oo naman" ang sagot ko
"sige tol, mag pahinga kana, ako na mag liligpit ng
pinggan" ang sabi nya habang inaayos ang mga natirang pag kain sa lamesa
"hindi na tol, ako na dyan. Mag pahinga kana" ang
sabi ko
Tumingin ito sa akin at ngumiti "Louie ako na, pagod ka
ehh, mag pahinga kana ha" sabi nya habang pinag papatong ang mga plato
"iwan mo na yan dyan, ako magagawa nyan." medjo
naiinis na ko. Ayoko na siyang pagawain..
"ako na sabe eh" inagaw nya ito..
"Ano ba??!!!!" ang sigaw ko. "sinabing ako na
eh!"
"tol bakit ba? Ano bang problema mo ha?" ang
tanong nya
"Wala!!!!!" ang sabi ko habang dinadala ko sa
lababo ang mga plato
"hindi ako naniniwala, may problema ka alam ko! Sabihin
mo naman sakin oh.. Please....Para matulungan kita" sabi nya
"simula ngayon tol, ikaw nalang mag isa ang matutulog
dyan sa kama. Dyan nalang ako sa sahig..Hindi kana pwedeng gumawa dito."
ang sabi ko
"hah?? Ano bang sinasabi mo?! Hindi kita maintindihan
ehh" ang sabi nya.
"Ayoko na pagawain ka, wag kana rin pumasok sa
trabaho.. Baka madumihan pa yang kamay mo. ALFRED HERNANDEZ Senyorito!!"
ang pag eemphasize ko ng pangalan nya.
"ano bang problema tol? Bakit ka ba nag kaka
ganyan??"
Hindi ko na napigilan ang bugso ng aking
damdamin.."ikaw ang problema Alfred!!!!Alam ko na ang lahat!! Narinig ko
kayo ng kausap mo kanina.. Niloko mo ko tol?? Ang labo mo!! Mayaman ka pala..
Bakit niloko mo ko??? Pinag muka mo kong tanga!!! Nag pokpok ako para sayo,
binenta ko ang katawan ko para sayo tapos Millionaryo ka pala?? Tangna mo
tol!!!" ang sigaw ko
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang
narinig.. Napansin ko ang pamumutla nito.. "tol, sandali. Mag papaliwanag
ako.. Sasabihin ko naman sayo eh. Nag hihintay lang ako ng tamang pag kakataon.
Patawarin mo ko tol.!"
"Ganun lang ba kadali un? Patawad lang???patawad
lang??" ang sabi ko habang pinag hahampas ko ang katawan nya. Hindi naman
ito lumalaban at pinapabayaan lang ako..
"tama na please." habang pinipigil nya ako.
"hayaan mo naman akong mag paliwanag please??" ang sabi nya
Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag wawala. Ibayong
galit ang lumukob sa aking buong pag katao. "manloloko ka Alfred!! Ginawa
kong lahat para sayo.. Aaaarrrgggghhhhhhhhh!!!" ang sigaw ko ng malakas.
Masakit na masakit na ang ulo ko noong mga oras na iyon. Gulong gulo ang isipan
ko.. Kaya naman imumpog ko ang ulo ko sa pader.
isa, dalawang beses ko itong ginawa, hanggang pumutok ito.
Tumakbo si Alfred para pigilan ako. "toll tama na!!
Parang awa mo na. Wag mo saktan ang sarili mo. Ako nalang ang saktan mo!!! Wag
ang sarili mo!! Please!!!" ang sigaw nito. Ngayon ko lang narinig na
umiyak ito ng todo. Nilock nya ang kamay nya sa katawan ko upang hindi na ako
makagalaw..
Wala na akong nagawa kundi humagulgol ng iyak.."
Masakit.. Masakit... Masakit.... Aaarrggggghhhhhhhhh!!!!!! Paano mo nagawa
sakin to Alfred?? Lahat naman ginawa ko para sayo.. Bakit??" ito ang oras
na nag palahaw ako ng kakaiyak sa buong buhay ko. Halos nabasa ang damit ni
Alfred sa pag tangis ko. Akap akap pa rin nya ako at hindi nya ko binibitawan..
Maya maya ay dumating si Mr. Amante narinig pala nya ang
pag-iyak ko habang nag lalakad malapit sa hallway ng kwarto namin..at dinala
nila ako sa doctor upang tahiin ang pumutok na ulo ko.
Namalayan ko nalang na naka higa na ako sa kama... Tila
nawalan ako ng lakas, masakit din ang aking mata kakaiyak. Nakita ko si Alfred
na naka upo sa isang bangko at malungkot na malungkot ang mukha nito. Si Mr.
Amante naman ay may dalang makakain at nag aayos ng gamit sa lamesa..
"Mag pahinga kang mabuti iho. Makakasama sa iyo ang
labis na pag iisip." ang sabi ni Mr. Amante.
Tango lamang sinagot ko. Alam kong naiintindihan nya ako
nung mga oras na iyon.
"cge aalis na ako, mag ingat kayong dalawang. Mag usap
kayo para mag kaunawaan kayo" ang sabi nya
Hinatid ni Alfred si Mr. Amante sa labas at naiwan akong
naka higa.. Wala na akong ibubuga.. Suko na ako sa sakit.. Halos nawalan ako ng
lakas sa katawan. Parang naka-kulong ako sa isang bangungot.. Isang masamang
panaginip..
Maya maya, bumalik si Alfred sa kwarto. Malungkot na
malungkot ang mukha nito. Tinungo nito ang lamesa at uminom ito ng tubig.. Tila
naguguluhan din siya sa aming sitwasyon.. Nag lakad ito pabalik sa akin at
umupo sa gilid ng kama..
Tahimik....
"masakit pa ba yung ulo mo?" ang pag basag nya ng
katahimikan
Hindi ako sumagot.. Umiling laman ako at tumagilid patalikod
sa kanya..
"matulog kana tol, babantayan kita.." ang sabi
nya, habang inaayos nya ang kumot at nilagagay ito sa aking katawan..
Hindi pa rin ako kumibo..
Hanggang sa naramdaman ko nalang ang patak ng mga luha nya.. Umiiyak ito
habang hinahaplos ang likod ko.
Parang sasabog ang dib dib ko noong mga oras na iyon..
Parang biglang natunaw ang pusong bato na meron ako kanina lamang.. Kaya naman
humarap ako sa kanya at pinunasan ang luhang dumadaloy sa mukha nya..
"wag kana umiyak Alfred.. Ok lang ako" ang sabi ko
"patawarin mo ko tol.. Kung nasaktan kita.." ang
sabi nya
"wala yun.. Cge tol, mag paliwanag kana.. Makikinig ako
sayo." ang sabi ko..
"Halika dito.. Umunan ka sa hita ko.. " ang sabi
nya
Agad kong inangat ang ulo ko at doon ako umunan sa hita
nya.. Habang nakikinig ako kung ano talaga nangyari sa kanya..
"Tol, nanggaling ako sa isang mayamang pamilya.. Lumaki
akong ng may gintong kutchara sa kamay. Ang mama ko ay pumanaw na noong bata pa
ako. At tanging si papa nalang ang nag alaga sa akin.. Si papa ang sinisisi ko
sa pag kawala ni mama, dahil likas kay papa ang pagiging babaero at namatay si
mama ng may sama ng loob sa kanya.. Mag buhat noon ay naging malayo na ang loob
ko kay papa. Hanggang dumating sa puntong nag rebelde ako, naging pariwara ang
buhay ko dahil sa barkada.. At hindi iyon nagustuhan ni papa..
"Alfred!! Tarantado ka!! Wala kang silbi!! Hindi na nga
kita mapakinabangan sa negosyo, wala ka pa ring naitutulong sakin.!! Tingnan mo
nga ang itsura mo! Daig na daig ka ng mga pinsan mo!! Kung ganyan kang ka
barumbado, mabuti pang ifreeze ko lahat ng account mo! Tingnan natin kung maka
porma ka pa!!"
Parang nag ka trauma ako noong mga oras na iyon. Sumiksik sa
utak ko na wala akong kwentang tao, dhil iyon ang laging sinasabi ng papa ko sa
akin.. Hanggang isang araw ay tuluyan nang lumayo ang loob ko sa sarili kong
ama. Madalas hindi na ako umuuwi ng bahay dahil ayokong masermonan nanaman nya
ako.. Kung hindi niya niloko si mama, sana buhay siya ngayon. Lahat ng iyon ay
sinisi ko kay papa. Hanggang isang araw gumising ako na wala pa pala lahat sa
akin. Inalis ni papa ang allowance ko, at pinalayas nya ako sa aming bahay..
Kaya nag pasya akong pumunta siyudad para doon ay malayo ako ng tuluyan kay
papa..
Hanggang sa nakilala kita tol, nung marinig ko sayo na
galing ka sa bahay ampunan ay pumasok ang edeya sa isip ko na magpanggap na
galing ako sa mahirap na pamilya. Kasi naman pag sinabi kong galing ako sa
mayamang pamilya baka pag tawanan mo ako dahil wala akong pera noong mga oras
na iyon. Walang wala ako nun tol.. Ang totoo nun ay hindi ko rin alam kung saan
ako pupunta noong mga oras na iyon.. Hulog ka talaga ng langit para sakin.
Laking pasasalamat dahil nakilala kita Louie.. Dahil sayo,
natuto akong tumayo sa sarili kong paa. Natuto akong mag sikap at lumaban sa
hamon ng buhay.. Tinuruan mo kong maging malakas. Binago mo ko tol.. Utang ko
sayo ang lahat.." Ang sabi ni.Alfred habang umiiyak ito..
Tila biglang natunaw ang tampo at galit ko kay Alfred nung
marinig ko ang mga pinag daanan nya.. Ganun siguro talaga pag mahal mo ang
isang tao.. "sshhh, tama na tol, naintindihan kita.. Alam mo ba nahihiya
tuloy ako sayo ngayon.. Kasi kung ano anong pag kain ang pinapakain ko
sayo.hehehe.. Kaya pala minsan sumasakit ang tyan mo." ang pabiro kong
sabi..
Natawa siya.. "hindi naman tol, kahit anong pag kain pa
yan basta kasama kita.. Ayos na ko" ang sabi nya
"Tol, paano ang papa mo? Narinig ko malubha daw ang
lagay nito?" ang tanong ko..
"yun na nga tol, pag bumalik ako siguradong sa aking
papahawakan ang mga negosyo ni papa.. Natatakot ako dahil baka hindi ko ito
kaya" ang sabi nya
Tahimik...
Biglang pumasok ang idea sa akin na pauwiin na siya.. Isa
itong desisyon na alam kong makabubuti sa kanya, kahit masakit pa...
"tol... Umuwi ka na sa inyo" ang sabi ko
"ayoko tol, ayaw kitang iwan dito"ang sabi nya
"may sakit ang papa mo diba? Kailangan ka nya sa tabi
nya tol.." ang sabi ko
Ngunit nag mamatigas si Alfred, umiiling ito at sinasabi na
"ayaw ko"
Kaya panilit kong bumangon at humarap ako sa
kanya.."tol, makinig kang mabuti sakin.. Alam mo ba na ang swerte mo dahil
ay Tatay ka pa? Tingnan mo ko, simula noong mag kaisip ako, wala na akong
nasilayang magulang.. Napaka hirap ng walang magulang tol, walang mag aalaga
sayo..Hindi pa naman huli ang lahat para sa inyo ng papa mo db? Nandyan pa siya
tol, hahayaan mo nalang ba na mawala siya bago ka mag sisi?? Ulila na ako..
Mahirap mawalan ng pamilya.. Ayokong maramdaman mo ang sakit na nararamdaman ko
Alfred. Hindi pa huli.."
"p-pero paano ang kompanya?paano ko ihahandle ang mga
naiwang trabaho ni papa? Natatakot akong mag kamali tol" ang sabi nya
"Naalala mo ba tol nung unang beses na mag apply tayo
ng trabaho dito? Hindi kumain buong mag hapon dahil wala tayong pera. Nung gabi
itlog na nilaga lang ang inulam natin dahil kapos tayo.. Lahat iyon napag
daanan natin.. Malakasa na tayo ngayon tol. Sa dami ng pag subok na hinarap
natin alam kong matatag kana.. Maniwala ka sakin dahil naniniwala ako
sayo" ang sabi ko
Tila na napa isip si Alfred sa aking mga sinabi.. "tama
ka tol, pag kakataon na para mapatunayan ko kila papa na karapat dapat ako sa
posisyon nya.. Babalik ako tol, at papa tunayan ko rin sayo na hindi sayang
lahat ng sakripisyo mo para sa akin." ang wika ni Alfred
Ngumiti ako sa kanya.. "yan ang gusto ko sayo.. Alam
kong magagawa mo yan tol"..
Noong gabi na iyon ay ginawa ko ang isang mahalaga desisyon
sa buhay ko. Na palayain ang taong mahal ko at pabalikin siya sa lugar kung
saan siya nag mula.. Parang isang ibon na napadpad sa isang malayong lugar,
ngayon ay handa na siyang ibukas ang mga pakpak nya upang lumipad pabalik sa
kanyang pinag mulan. At this time ay mas malakas na siya.. Dinudurog man ang
puso ko sa aking desisyon, nilakasan ko ang loob ko dahil alam kong sa akin
lang kumukuha ng lakas si Alfred..
Kinabukasan, maaga kaming gumising.. Hinanda ko ang mga
gamit ni Alfred, tiniklop ko ang kanyang mga damit at ilang personal na
bagay..Hindi ko maiwasang umiyak habang ginagawa ko ito..
"tol,.pangako ko sayo na babalikan kita sa oras na
bumuti ang lahat" ang sabi nya..
"mag hihintay ako tol, wag mo kong alalahanin. Nandyan
naman si Mr. Amante para gabayan ako" ang sabi ko
Inakap ako nito at ginawaran ng isang halik sa labi.. Parang
sasabog ang dibdib ko noong mga sandaling iyon..
Maya maya pa ay sinundo na kami ni Mr. Amante. "naka
handa ka naba Alfred?" ang tanong nya
"handa na po tito" ang sabi ni Alfred habang
sinusukbit nito ang bag sa likod nya... Suot nya ang paborito kong damit at
pantalon, para daw mag kasama pa rin kami..
Hinatid namin siya sa terminal ng bus.. Inakap ko siya bago
siya tuluyang umakyat..
"mamimiss kita tol, wag mo pababayaan ang sarili mo..
Kapag nilalamig ka lagi ka mag lalagay ng jacket ha.. Tuwing maiisip mong
sumuko, alalahanin mo lahat ng mga pag subok na pinag daanan natin ng mag
kasama, lakasan mo ang loob mo tol" ang sabi ko
"mamimiss kita Louie.. Maraming salamat sa sakripisyong
ginawa mo para sakin ha.. Hinding hindi ko malilimot un.. Mahal na mahal
kita.." ang sabi nya
"mahal na mahal din kita, ingatan mo ang sarili
mo" ang sabi ko
Tuluyan nang umakyat si Alfred ng bus. Umupo siya sa gawing
dulo sa tabi ng bintana. Nakita ko kumakaway ito habang umiiyak.. Hindi ko na
rin napigilan at tuluyan na akong umiyak.. Habang palayo ang bus na sinasakyan
nya ay ang pag asang mag kakayos pa sila ng papa nya..
At ito ang aking desisyon na hinding hindi ko malilimot...
Itutuloy..
Part
7
Final
chapter...
At
tuluyan na akong namaalam kay Alfred.. Hindi ko maitago ang sobrang lungkot na
nadarama ko. Agad akong pumasok sa loob ng apartment at doon ay na iiyak ako..
Muli kong naramdaman ang lungkot dulot ng aking pag iisa. Masakit man ang aking
naging desisyon ay alam ko namang tama ito..
Maya
maya ay bumukas ang pinto ng aking kwarto at nakita ko si Mr. Amante doon. Agad
ko itong inakap at sa kanya ako umiyak ng umiyak.. "tahan na iho.. Proud
na proud ako sayo alam mo ba yun? Ginawa mo ang tama." ang sabi nya
"tama
nga po iyon, pero bakit masakit???" ang tanong ko
"masakit
kasi nag mahal ka, at ang pag mamahal minsan ay nangangailangan ng
sakripisyo" ang sabi nya..
Tahimik...
"noong
nasa resort tayo ay pinag tapat sa akin ni Alfred ang lahat.. Yun yung oras na
nakita mo kaming nag uusap sa di kalayuan. Sinabi ko sa kanya na ipag tapat na
ito pero natatakot daw siya na magalit ka kaya hindi nya ito magawa"
"tanggap
ko naman po kahit ano pa siya o kahit saan pa siya nag mula" ang sabi ko..
"mabuti
naman kung ganun iho.. Eto n pala pina bibigay ni Alfred sayo.." ang sabi
ni Mr. Amante
Sabay
abot ng isang brown envelop na naka seal at isang papel na nag lalaman ng
sulat. Pag katapos nun ay nag paalam na ito.. Nag tungo naman ako sa rooftop ng
building dahil mahingin doon. At doon ko din napag pasyahang basahin ang sulat
ni Alfred..
Dear
Louie,
Unang
sa lahat ay gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita.. Ginawa ko ang sulat
na ito kagabi lang habang natutulog ka..
Nag
papasalamat ako sayo dahil binago mo ang buong pagkatao ko. Ngayon ay natuto
akong mag pahalaga sa mga bagay sa paligid ko. Natuto akong lumaban at maging
madiskarte sa buhay.. Alam mo tol, naiinggit ako sayo dahil napaka tatag mo at
kahit kailan ay hindi ka sumuko sa laban ng buhay.. At iyon ang naging
inspirasyon ko sa araw araw.. Salamat sa pag bibigay mo ng pangalawang buhay sa
akin. Utang ko sayo ang buhay ko tol..
Lagi
kang mag iingat. Pag nag kakasakit ka, lagi kang iinom ng gamot.. Kakain ka ng
marami para lagi kang may lakas. Nga pala iniwan ko ang unan ko dyan para lagi
mo itong gagamitin ng sa gayon ay parang lagi mo parin akong kasama..
P.S
May
isang pang sekreto ako na inilihim ko sayo.. Naalala mo yung mga sweldo ko sa
trabaho ko? Hindi ko talaga ito pinapadala sa probinsya.. Ang totoo nun tol ay
hinuhulog ko ito sa Educational Plan para sa iyo.. Naalala mo ba nung nasa bus
tayo? Sabi mo sa akin pangarap mong makapag aral kahit dalawang taong kurso
lang.. Kaya naisip kong lahat ng sweldo ko ay inilagay ko dyan..Nakapaloob sa
brown envelop na yan ang certificate at katibayan na maari kana mag aral sa
darating na pasukan.. Pag pasiensya kana tol dahil iyan lang ang nakayanan ko..
Db sabi ko sayo ang pangarap mo ay pangarap ko rin dahil mahal na mahal kita..
Nag
mamahal,
Alfred
Hernandez
Matapos
kong mabasa ang sulat ni Alfred ay labis akong umiyak.. Magkahalong saya at
lungkot ang naramdaman ko.. Malungkot dahil wala na siya sa tabi ko.. Masaya
dahil ibinigay ni Alfred ang isang regalong hinding hindi ko malilimot
kailanman.. Dahil ibinigay nya ang nag iisang pangarap ko at ang pag-asang mag
bagong buhay.. Noong mga oras na iyon ay sumumpa ako sa aking sarili na hinding
hindi ko sasayangin ang sakripisyo ni Alfred para sa akin.. Mula ngayon ay mag
babago na ang landas na tatahakin ko... "salamat Alfred sa bagong pag
asang ibingay mo"..
***********************
Lumipas
ang ilang bwan. Bumalik ako sa pag aaral. Noong una ay hindi naging madali sa
aking ang pumasok sa paaralan, dahil bukod sa kulang ang aking kaalaman ay
salat pa ako sa ibang bagay.. Pag naman walang pasok ay doon ako sa restaurant
nag papart time job.. Aminado akong hindi madali ang buhay na tinahak ko, pero
hindi sapat na dahilan ito para sumuko ako..
Mas
nanaig sa akin ang kagustuhan kong makapag tapos, ginagawa kong inspirasyon si
Alfred sa lahat ng bagay na ginagawa ko.. Twing maiisip ko na hindi ko kayang
gawin ang isang bagay, iniisip ko nalang na kunwari nandun si Alfred at
magagawa ko ito..
Isang
araw habang nanood ako ng tv. Nakita ko si Alfred sa telebisyon. Mas lalo pa
siyang naging gwapo at ngayon ay successful na pala ito. Nag tagumpay siya sa
pag papatakbo ng negosyo nila ng papa nya. At ngayon siya na ang my ari nito..
Labis ko itong kinatuwa. Alam kong makakaya iyon ni Alfred.. Kaya naman lalo
akong nainspired na pag butihan pa..
Mabilis
lumipas ang panahon.. Halos mag dadalawang taon na pala buhat noong pumasok ako
sa eskwela. Kumusta na kaya si Alfred.. Ang huling balita ko sa kanya ay
pumanaw na daw ang papa nito noong nakaraang dalawang bwan.. Labis namin iyong
kinalungkot pero masaya ako dahil nag ka ayos naman na sila ng papa nya bago
ito nawala, atleast kahit papaano ay na napatunayan nya ang sarili nya sa
kanyang ama.
Ako
naman ay naka tapos na ng dalawang taong kurso sa kolehiyo ang computer
information system. Katulad ng ipinangako kay Alfred at sa aking sarili ay
nakapagtapos ako bilang most outstanding student. At nag ttraining na rin ako
bilang apprentice ni Mr. Amante na ngayon ay tumatayong ama ko.. Doon ko
napatunayan na sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Minsan susubukan ka nito
kung hanggang saan ang makakaya mo, at kung gaano ka katatag. Sa huli, mag
papasalamat ka pa rin dahil naging malakas ka..
Makalipas
ang mga trainings ko sa trabaho ay naisipan kong umuwi sa aking flat sa
building kung saan ako nag simula. Matagal tagal na rin kasi akong hindi nakaka
uwi rito. Saka nag txt rin si Mr. Amante, linisin ko raw ito hehehe.. Kaya
noong araw ding iyon ay tinahak ko ang daan patungo sa lugar kung saan nag
simula ang lahat.. Ngayon ay unti unting nag babalik sa aking ala-ala ang mga
matatamis na pinag samahan namin ni Alfred sa lugat na ito. Hindi ko tuloy
naiwasang maalala sya, namalayan ko nalang na tumutulo na pala ang luha ko.
Umakyat
ako ng hagdan patungo sa aming kwarto.. Punong puno ng masasaya at malulungkot
na ala ala namin ni Alfred.. Dito kami nag simulang baguhin ang aming mga
buhay. Saksi ang kwartong ito sa aming pag mamahalan.. Unti unti kong binuksan
ang silid.. Madilim dito.. Kinapa ko ang switch ng ilaw at pinindot ito..
"WELCOME
LOUIE, MISS Na MISS kita TOL"
Ito
ang nakita kong naka sabit na banner sa loob ng aking silid.. Binalot ako ng
kaba at pananabik.. Unti unting tumulo ang luha ko sa sobrang emosyon
nararamdaman ko..
"naka
uwi ka na pala, kumain kana ba? Kumusta ang lakad mo?" ang sabi ng isang
lalaki sa aking likuran
Humarap
ako sa kanya.. Nakita ko si Alfred naka suot ito ng kulay asul na damit at may
hawak itong isang kumpol na rosas. Malaki ang pinag bago ng itsura nya. Lalo pa
siyang tumangkad at naging gwapo. "Welcome home Louie" ang sabi nya..
Tahimik..
Labis
akong napaiyak sa sobrang kaligayahan.. "Alam mo tol, pangarap ko to, yung
may sasalubong sakin pag naka uwi na ako" ang sabi ko..
Ngumiti
ako sa kanya habang may luha sa aking mga mata.. At sinabing..
"NAKA-UWI
NA KO Alfred.. IM HOME"..
"mahal
na mahal kita tol, pangako ko sayo na hindi na tayo mag hihiwalay pa." ang
sabi ni Alfred..
Ngumiti
ako at tumakbo patungo sa kanya.. Ginawaran ko ito ng isang halik.. Halik ng
bagong simula para sa aming dalawa..
Sabi
nila, "kapag nag sara daw ang Diyos ng pinto, bubuksan nya ang bintana.
Pero paano kapag naka sara rin ang bintana?? Edi dumaan ka sa bubong.."
isa ito sa aking natutunan sa buhay. Minsan dumarating ang pag kakataon na
madadapa tayo, pero hindi mahalaga kung ilang beses ka pang nadapa dahil ang
mahalaga ay marunong kang bumangon..
Napaka
sarap isipin na may kasama kang lumalaban sa hamon ng buhay, isang taong
maniniwala sa kakayahan mo at mag papabago sayo, yung isang taong uuwian mo at
mag sisilbing tahanan mo. At natagpuan ko ito kay Alfred, alam kong hindi
perpekto ang aming relasyon ngunit matatag naman kaming humaharap sa hamon ng
buhay. Hanggat nandito si Alfred sa aking tabi kailanman ay hinding hindi na
ako mawawalan ng tahanang uuwian..
Dahil..
"Pauwi
na ako" sa taong mahal ko...
Wakas..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento